Telos

75 4 101
                                    

May kanya-kanyang dahilan kung bakit nabuhay ang isang tao sa mundo. Kaya naman, kasalukuyan kong hinahanap ang para sa akin.

Isa lamang akong ordinaryong iskolar na uhaw sa kaalaman na inihahain ng mundo sa akin. Pinag-aralan ko ang lohika, metapisika, matematika, pisika, biyolohiya, botanika, etika, politika, agrikultura, medisina, teatro at marami pang iba. Ngunit ang paghahangad ng isang bagay ay laging mayroong kalakip na sakripisyo.

Katatapos ko lamang sa aking pananaliksik para sa araw na ito. Naubos na ang mga munting bagay na kailangan ko para makumpleto ang aking pag-aaral. Nakasanayan ko na sa loob nang maraming taon ang pumunta sa parke upang mangolekta ng mga bagay para sa aking pananaliksik.

Madalas akong pumupunta sa pangpublikong parke rito sa Inglatera. May malawak at malinis itong damuhan na maaaring paglaruan ng mga bata. Malamig at sariwa ang hangin dito na humahaplos sa aking mukha. Mayroon itong dala-dalang mabangong amoy ng bagong lutong inihaw na karne na nagmumula sa niluluto ng isang pamilya sa malapit.

Marami ring mga aso ang maingay na tumatahol at makikitang naglalaro dito. May amo man o wala, masaya silang nagpapagulong-gulong sa damuhan.

Isang aso ang nakita kong nagtatago sa sulok ng parke. Nanginginig ang buong katawan niyo habang nakatitig sa mga taong dumaraan. Minabuti kong lumapit papunta sa kinaroroonan ng aso.

Nang biglang mayroong isang batang lalaki ang nakapukaw ng aking atensyon. Mahimbing siyang natutulog sa isang pulang hammock. Nakasuot siya ng puting unipormeng pang-marino na mayroong kulay bughaw na laso at guhit sa kwelyo. Ito ang kadalasang isinusuot ng mga batang galing sa may-kayang pamilya sa panahong ito.

 Ito ang kadalasang isinusuot ng mga batang galing sa may-kayang pamilya sa panahong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yakap-yakap niya ang isang Manchester Terrier breed na aso. Meron itong itim na balahibo sa kabuuan at kulay abelyana sa binti, sa bibig, sa tainga, at sa ibabaw ng mata na nagmimistulang kilay.

Mas lumapit pa ako upang mas matitigan ko ang mukha ng bata. Ang buhok niya ay kasing puti ng pilak at ang kanyang mukha ay kasing lambing ng natutulog niyang aso. Sa unang tingin ko pa lamang sa kanya ay masasabing mayroong kung anong espesyal sa kanya.

Sa tingin ko nasa pito hanggang walong taong gulang na siya, base sa kanyang pisikal na katangian.

Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagdilat at ganoon din ang paggising ng kanyang alaga. Mabilis na kumahol ang kanyang aso na galit na nakatitig sa akin at anumang oras ay handa akong sakmalin. Hinimas ng bata ang katawan ng kanyang alaga para ito ay pakalmahin. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at pagkatapos ay yinakap nang mahigpit ang asong gusto akong lapain.

Napatitig ako sa inakala kong malambing ngunit matatalim na kulay lila niyang mga mata.

"Mukhang hindi ka gusto ng alaga ko, Sir," ang sabi ng batang lalaki sa akin na habang nakatitig nang masama sa akin.

"Sa palagay ko rin," ang sagot ko habang nakangiti at nakatitig sa kanyang aso na patuloy sa pagtahol.

Inilapit ko nang bahagya sa kanyang alaga ang aking mukha, sapat lang para hindi iyon maabot ng aso niya. May ibinulong ako sa kanyang aso, pagkatapos ay tumigil na ito sa pagtahol dahil sa takot.

Oeconomica Side StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon