Eleven - Sorry

593 21 7
                                    

JANiCE EViA'S POV

Nauna na akong pumasok sa kanila. Bahala sila. Sumosobra na sila. 

Sumakay na lang ako ng cab papuntang school. Bahala sila kung ayaw nilang magpagising. Malaki na sila. Alam na nila dapat kung ano ang mga gagawin nila. 

Maaga akong nakarating sa university at pumunta sa first room namin.

"Janice!" napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Angie (Anji) Gutierrez, ang nililigawan ni Kuya Leizer. Kaklase ko si A since highschool.

"Oh, Angie. Kamusta na? Dito ka rin pala nagaaral? Anong course mo?" tanong ko sa kanya. Nandito pa lang naman ako sa university ground. Naglalakad pa lang ako papuntang room.

"Psychology course ko. Ikaw ba?" tanong niya sa'kin.

"Ahh, eto, Computer Science." malumanay kong sagot sa kanya.

"Ok ka lang? Bakit hindi mo sila kasama?" nagtatakang tanong niya.

"Nakakainis kasi sila ee!"

At kinuwento ko sa kanya 'yung nangyari kaninang umaga.

"Simpleng sorry lang naman ang gusto kong marinig sa kanila, pero syempre, 'yung sincere." sabay sipa ko sa nakita kong bato.

"Naku. Pagsasabihan ko nga si Leizer mamaya. Tsk. Osige, Janice, una na ako ha? Magsisimula na 'yung klase. Kita kits na lang mamaya! Yaan mo, aawayin ko si Leizer!" 

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Knowing her, gustong gusto niyang inaaway si Kuya Leizer, ewan ko ba dyan kung bakit. Nakarating naman ako sa room namin. Buti na lang, wala pa 'yung instructor namin. Nakakahiya talaga kapag 2nd day ng school, halos wala pang kakilala tapos sobrang tahimik. Pero sigurado ako na after two or three weeks, may riot na.

Umupo naman ako sa isang vacant seat. Grabe, nakakabingi 'yung tahimik nila ah. Tumingin ako sa paligid. Mga dyosa at dyos naman pala 'tong mga kaklase ko, puro magaganda at gwapo. Namali ata ako ng pasok ng room, nasa pang tourism yata ako ee. Pero hindi ee, parehas kami ng uniform. Bawat colleges, magkakaiba ng uniform, ang samin kasi, black slacks tapos white na long sleeve polo. May patch sa may bandang kaliwa ng dibdib. Babae at lalaki, iisa ang suot. Ang astig nga ee, gustong gusto ko 'yung ganitong uniform. Ok lang naman na long sleeve dahil malamig sa room namin.

Napatingin naman ako sa pintuan dahil bumukas. Akala ko instructor, pero si Kuya Leizer lang pala. Nawala sa loob ko na magkaklase kami. Naghanap ako ng vacant seat na uupuan niya. Unfortunately, ang katabing upuan ko na lang ang bakante. Tumingin na lang ako sa bintana. Buti na lang, nandito lang ako sa tabi non.

My 4 Boy Best Friends (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon