Eight - Birthday Bash

526 21 6
                                    

JANICE EVIA'S POV

Pagkauwi namin, nagparty party pa sila. Natatawa nga ako kay Kuya Rae ee. Sumigaw ba naman kanina nung uwian ng "ITULOY ANG KASIYAHAN SA BAHAY!". Ang daming nagtinginan na tao. Hahaha!

Nag'set up ng videoke si Kuya Leizer. Knowing him, mahilig kumanta 'yan kaya nga ang ganda ganda ng boses niya ee. Hahaha!

Si Kuya Niven at Kuya Rae naman, nandoon sa kusina. Sila na daw magluluto ng dinner. Stay put lang daw ako dito. Sila na daw bahala sa lahat. Araw ko daw 'to ee. Hahaha!

Si Kuya Skye naman, nandito sa tabi ko. Naka'bukas 'yung laptop ko ee, sinasalin ko lahat ng pictures at videos kanina. Kaya eto, nakikitingin din siya. Hahaha! Ang tagal nga masalin ee. Ang dami kasing pictures. Tapos mahaba haba 'yung video. Kaya kanina pa ako nakatitig dito sa laptop ko. Sinusundan ko 'yung color green na umaandar. =3

"Ok na 'yung videoke!" sigaw ni Kuya Leizer at nagsimula na siyang mamili ng kakantahin niya. Mamaya na ako doon, makikinig na lang ako sa kakantahin niya. Hahaha.

Medyo pagod kasi ako ngayon. Naubos energy ko kanina. 

"Evia! Tara dito!" sigaw ni Kuya Rae mula sa kusina.

Natatamad naman akong tumayo at pumuntang kusina. Nagulat ako ng may mga pagkain na nakahanda doon: Cake, Carbonara, Lasagna, Pancit, at fried chicken. Wow! Mukhang masasarap! Sila ba talaga nagluto non?

"Wow naman! Puro mga favorite ko ah!" sabay kuha ko doon sa fried chicken at kumagat. Teka?

"Bakit lasang chicken ng Jollibee?" sinawsaw ko naman sa gravy. "Pati 'yung gravy, lasang Jollibee rin." kumuha ako ng tinidor at maliit na pinggan tapos kumuha ako ng carbonara. "Eto, bakit lasang Pizza Hut?" nakakapagtaka na ah. Kumuha naman ako ng sa Lasagna. "Ano ba 'yan, eto, bakit lasang Greenwich?" pati sa pancit kumuha ako. "Chowking?!" niloloko ba ako ng mga 'to?! Ee parang...

"Hehehe. Pina'deliver lang namin 'yan lahat tapos nilagay namin sa ibang lalagyan. Hindi kami marunong magluto ee." tapos nag'peace sign sa'kin si Kuya Rae.

"Baliw." bulong ko na natatawa. Nakakatuwa sila ee. Grabe. Gusto kong maging energetic pero parang pagod na talaga ako ee.

"Tara, kain na tayo." aya ko sa kanila.

Kwentuhan, tawanan kami habang kumakain. Nakikitawa lang ako sa kanila. Napapagod talaga ako ee. Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa sala para mag'videoke. Meron pa nga akong nakitang mga alak ee. Binawalan ko sila pero hindi sila nakinig sa'kin.

Kantahan lang sila ng kantahan. Kahit sobrang ingay nila, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

~~~

SKYE'S POV

Kanina pa kami kanta ng kanta ng Happy Birthday para kay Evia pero tulog na pala siya. Naka'rest 'yung ulo niya sa shoulder ng couch.

"Napagod siguro kanina 'yan. Akyat mo na kaya sa taas, Skye." sabi ni Niven sabay shot niya ng alak. 

Tumango lang ako at dahan dahan kong binuhat si Evia at umakyat na ako sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto niya, dahan dahan ko naman siyang binaba sa kama niya.

Tinitingnan ko siya habang natutulog. Ang amo ng mukha niya. Napatingin naman ako sa labi niya. Naalala ko tuloy 'yung first kiss namin na hindi ko naman sinasadya.

Nakaka'hypnotize naman 'yung labi niya. Hindi ko namalayan na unti unti nang lumalapit 'yung mukha ko sa mukha niya.

I found myself kissing her.

Natauhan naman ako bigla kaya napatayo ako. Napagdesisyunan kong bumaba na at baka mahalata nila na may ginawa akong iba.

Fuck it.

I can't break the rule.

My 4 Boy Best Friends (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon