Prologue (Role call)

1.1K 34 6
                                    

4 boys. 1 girl. Lahat sila ay nakatira sa iisang bahay. Oo, iisang bahay. They are all living in the same roof. 

Janice Evia Guerrero. Ang kaisa isang babae sa kanilang apat. She's a Computer Science Student. Nagaaral sa isang University somewhere down the road. Mayaman ang angkan nila. She is small but terrible. Cute at maputi. Mabait at mabuti. Caring ang understanding. Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Masyado siyang loyal. Hindi sila close ng pamilya nya. Only child. Masyadong busy ang parents niya sa work kaya parang wala ng nagaalaga sa kanya. Sabi nila, lahat daw, nasa sakanya na. Unang nakilala niya sa apat ay si Skye Marquez noong siya ay 1st year highschool student, at si Skye naman ay 2nd year highschool student. Nakilala niya ito noong nahulog siya sa stage. Oo, nahulog siya sa stage na mayroong taas na 6 feet. Hindi naman nasalo si Evia pero siya ang bumuhat dito at dinala sa clinic. Malaki ang pasasalamat ni Evia kay Skye. Kaya simula noon, lagi na nagkakasama ang dalawa.

Skye Marquez. A good looking guy. Talented. Smart. Matangkad at katamtaman ang laki ng katawan. Mayaman din ang pamilya. He's a Information Technology Student. Same school with Evia. Tropa niya sina Niven Espinoza, Raeden Emerson, at Leizer Vaughan, classmates din sila since 1st year highschool. Sa kanilang apat na lalaki, si Skye ang pinaka'responsable. Halos lahat, kayang gawin. Masipag. Kung sa lovelife naman, stick to one siya at nagmamahal ng tunay. Sa lahat ng kaibigan niyang babae, kay Evia siya mas close dahil sa lagi silang magkakasama at kilala rin pala si Evia ng tropa niya.

Niven Espinoza. Ang anime lover sa kanilang lahat. Hindi pinalad na magkaroon ng maayos na lovelife. Lagi siyang niloloko ng mga babae. Kaya nag'focus na lang siya sa anime kesa sa lovelife. He's a Computer Science Student. Same school with Evia. Nakilala niya si Evia noong nagkaroon ng Christmas Party noong 2nd year highschool student siya. All students should wear anime costume. Cosplay. Nakita niya si Evia noon, mukhang anime talaga siya noon kaya naman agad niyang nilapitan ito. Nagpa'picture siya at nakipagkaibigan. He's nerd. Makulit. Conservative. Masiyahin.

Leizer Vaughan. Ang chickboy sa kanilang apat na lalaki. Pero kapag naman nagmahal, pinong pino. Marami mang crush, pero isang babae pa rin ang mamahalin. Campus heartthrob. Gwapo. Mayaman. Mabait. Loko loko siya pero hinding hindi naman niya iniiwan ang mga kaibigan niya. He's a Computer Science Student. Classmate niya si Evia noong naging college ito. After niyang gumaduate ng highschool, nangibang bansa siya for a year dahil may pinapaayos sa kaniya ang parents niya. Kaya nakasabay niya si Evia kahit na ahead siya ng isang taong dito. Nakilala niya si Evia dahil sa family niya. Mag'business partner kasi ang parents niya at ang parents ni Evia, kaya ayon. Naging magka'close din sila. Same school with Evia rin pala. 

Raeden Emerson. Same with Leizer, malakas sa chicks. Pero sa kanilang apat, siya ang pinagpala ng kagwapuhan. He's an Information Technology Student. Mayaman. Mabait. Cool. Sobrang friendly. And, he adores Evia so much. Crush na crush niya si Evia noong highschool pa lang siya. Lagi siyang lumalapit dito. And later on, nakipagkaibigan siya. Para sa kanya, bantay niya si Evia. Iyon bang, 'kung sino man ang mananakit sa kanya ay lagot sa'kin.'. Nakailang babae na rin siya dahil hinahanap daw niya ang soulmate niya. Nagkagusto siya kay Evia pero hindi naman niya inaamin. Mas gusto niyang friends/bestfriends na lang para mas humaba ang samahan nila. Para sa kanya, bata pa ito at kailangan na kailangan ng alaga at atensyon. 

4 boys. 1 girl. They have different personalities pero nagkakasundo sila. Ngayon, nagaaral sila lahat sa iisang University. Same college din sila dahil sila ay mga computer students. 

Ang apat na lalaki, matagal na silang magkakaibigan, tropa, bestfriends, at kung ano pa tawag sa ka'closeness nila, noong highschool sila, ee araw araw silang tumatambay sa isa sa bahay nila. Minsan naman, dinedekwat nila si Evia dahil bestfriend din ang turing nila sa kanya, more like, kapatid, ganun, little sister. Kaya naman napagdesisyunan nilang magpagawa ng bahay malapit sa papasukan nilang University noong highschool sila. And since mayaman naman, no problemo sa kanila iyon. 

At nang nakatungtong na sila ng college, doon na nagsimula ang buhay nila. Simula noong umalis sila sa kani'kanilang bahay, kailangan na nilang mabuhay na mag'isa. Pero since lima silang magkakasama sa bahay, again, no problemo ulit 'yon. Dahil mayroon silang 'unity'.

Nauna pala ang apat, and actually, silang apat na lalaki lang nagpagawa ng bahay na iyon, kinidnap nila si Evia noong bakasyon after niyang grumaduate ng highschool. At ayon, dinala nga nila sa bahay. Naipaalam naman na nila si Evia sa parents niya kaya okay na.

Ayan. Buo na sila. Sa bahay na iyon, isa na silang pamilya. Parang na silang magkakapatid. Nabuo na rin ang pangarap nila na laging magkakasama. Ang tibay, hindi ba?

E5. 'Yan ang tawag sa kanilang lima. Bakit? Kasi lahat sila, hindi nawawalan ng letrang 'E' sa pangalan.

Syempre, hindi mawawala ang rules sa bahay:

1. Bawal ang tamad.

2. Walang bossy.

3. Bawal ma'inlove kay Evia/ Bawal ma'inlove si Evia sa apat.

Tatlo. Tatlong rules. Nagtataka ba kayo sa rule number 3? 

Dahil ang sinuman ang mahulog sa kaniya, masisira agad sa isang iglap ang E5.

Bakit ulit? Well, malalaman na'tin 'yan sa susunod. HAHAHAHA!

R E A D 

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

My 4 Boy Best Friends (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon