Six - Performance

680 24 1
                                    

JANICE EVIA'S POV

"Par, kinakabahan ako. Nakakainis. Nakakabawas tuloy ng kagwapuhan ko."

"Hindi ka nagiisa, Par."

"Tangines, bakit ba kasi kailangan na'tin 'tong gawin?"

"Ee kasi nga daw..."

"Ano?"

"Kasi nga daw gwapo tayo."

At ayon, nagbugbugan na sila. Pero hindi 'yung nagpapatayan ha? Bugbugan na biruan ba. Hahaha!

Bahala silang mag'away doon, basta, nandito naman ako ee, taga'suporta nila.

First day of school na namin ngayon. Nakapag'enroll na kami last month. Masaya naman ang bakasyon ko kasama nila, kung saan saan din kami pumunta para pamatay oras. Nabo'bored daw sila sa bahay. Ee kung ako ang tatanungin, sapat na ang makasama sila, hindi ako nabo'bored. Oh diba, ang sweet ko! HAHAHA!

"Bunso oh." sabay abot sakin ng DSLR ni Kuya Skye. 

Tinanggap ko naman 'yon at nilagay sa bag ko. Nandoon na rin ang cam recorder ko. 

Magpe'perform kasi sila mamaya para pang welcome sa mga freshman. Wala silang magagawa dahil sila ang na'assign doon. Kailangan nilang kumanta ng tatlong kanta. Isang linggo lang nila napag'handaan, pero ewan ko ba sa mga 'to at kinakabahan ng bongga. Nakapag'perform naman na sila dati, noong highschool kami. Sa Battle of the Bands. Actually, sila ang nanalo, kaso, ang daming nagalit sa kanila noong nanalo sila. Unfair daw kasi, marurunong daw kasi sila gumamit ng musical instruments lalo na ang Piano, tapos magaganda pa ang boses, dapat daw pina'banned na sila doon. Hahaha! 

Incoming first year college na rin ako. Bale, ibig sabihin, isa ako sa kakantahan nila. Freshman ako ee. Hahaha!

"Tara, alis na tayo!" aya ko sa kanila.

Bigla naman silang natahimik, silang tatlo lang, medyo childish kasi 'tong tatlo na 'to, pero si Kuya Skye, medyo matured na. Pero minsan, may pagka'childish din. 

"Bakit hindi ka sumama sa'min sa pagpe'perform? Nang maramdaman mo rin kung gaano kami kinakabahan dito ngayon." reklamo ni Kuya Niven. Ooppps. Nagsusungit, hahaha!

"Sorry kayo, freshman ako ee. Hahaha!" kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas ng bahay. Sumunod naman sa'kin si Kuya Skye.

My 4 Boy Best Friends (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon