Seventeen - Summer Vacation (Part 2)

545 21 2
                                    



JANiCE EViA'S POV




"PUTCHA ang hapdi na ng pwet kooo!" sigaw ni Kuya Leizer habang nagddrive sabay stop sa isang gasulinahan na maraming fastfood chain? I dunno kung saan 'to.




Bigla namang bumaba si Kuya Leizer at nag'stretch. Hahaha. Nakaka'ilang oras na ba kami?

Maga'outing kami ngayon. Si Kuya Niven kasi, nagreklamo nung isang araw. Bagot na bagot na daw siya sa bahay. Paulit ulit na lang daw. Boring daw yung bakasyon ganyan ganyan. Kaya eto, napagdesisyunan namin na gumala for one month? CHOS! I dunno kung ilang araw yung aabutin namin dito.

Kaya nga marami akong dinalang gamit ee. Josme, hindi ko rin alam kung saan kami makakarating pero uunahin namin 'yung Vigan. Yots. Ang layo. Kaya eto, kapag sumakit na yung pwet ng isa kaka'drive, yung isa naman. Salit salitan sila. I wanna drive too pero bawal pa daw ako. Hahaha.

Isang mini bus yung sasakyan namin, yung bus na parang may sala. Ang hirap iexplain. Majestic Bus yata tawag dun?

Basta may picture dyan na ilalagay ni miss author. xD

Sabi pa nga nila, okay na daw yung ganito para daw hindi na kami maghahanap ng hotel na tutuluyan.

Naku, kakainin din nila 'yung sasabihin nila, pagkaalis namin, dun sila magtitipid, tapos pagkamahal mahal ng ginastos nila sa bus na 'to. Paguntugin ko kaya sila.

Natatawa pa nga ako kanina kasi oras oras, palipat lipat sila ng pwesto, may uupo sa sofa, meron dun sa may table and chair, ang cute nga nilang tingnan ee. Basta ako nakahiga lang ako sa isang tabi, naglalaro ng Pokemon Alpha Sapphire! NAKOO! Sobrang ganda. Parang akong nasa pokemon world. I can play that forever.




"Tangina, Par. Nasa Manila pa lang tayo, suko ka na agad, ako na nga magddrive." sabi ni Kuya Niven. Kalutong magmura ee. Sarap batuhin ng bus.




"Teka lang, kain muna tayo, nagugutom na 'ko ee." sabi ni Kuya Skye pagkababa niya.




"Ee may mga baon tayo dyan na tinapay saka chitchirya ahh." reklamo ni Kuya Leizer. Umaandar na naman yung pagiging matipid niya.




"Mauubos 'yon. Mas maganda ng kumain na tayo dito. Malayo layo yung mga pupuntahan natin. Pagdating na lang na'tin dun." reklamo ko.




Dalawang box na pagkain yung dala namin, pero dami naming 'to, mabilis maubos 'yun. Ee ang daming plano ng mga 'to na puntahan ee.

'Yung unang napagusapan namin, ayon nga, sa Vigan, tapos after non, Baguio naman daw, tapos balik daw kami ng Manila, sana may madaanan pa kaming spot na mahihintuan kapag paalis na kami ng Baguio non. Ede ayon, Manila, balak ata nila mag'Enchanted Kingdom o kaya sa Star City, ang lapit na nga non sa bahay namin. Sabi ko pa nung una, bakit hindi na lang ayun yung unahin. Tapos sabi nila, para daw may thrill. Kunyari daw hindi kami taga doon. HAHAHAHA! Tapos Subic daw. Ayy nako bahala sila. Basta go with the flow lang ako. Kung may gusto akong puntahan, dadaanan naman nila siguro 'yon.


So ayon, kumain muna kami sa Chowking, nagsipag'take out pa sila. May Microwave naman daw kasi kaming dala. Iinit na lang daw. Hahahaha! Kitams, mga gutom 'yan ee.

Pagkaalis namin, si Kuya Leizer na lang daw ulit magddrive. Kaya ayon, kami kami ulit yung magkakasama sa likod. Hahahaha!





____________________________________________________________________



Sa ngayon, eto muna. Medyo drained pa utak ko ee. Bakasyon kasi. Hahahaha! 'Yung PUP naman yung next na ia'update ko. Hihihihi.



My 4 Boy Best Friends (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon