One - Full house

1K 41 3
                                    

JANICE EVIA'S POV

 

 

"Ohh, eto, 50, 000 nga ang total, diba? Kailangan ma-manage na'tin 'yan sa isang buwan. Sa kuryente, sa tubig, ilaw, yung pagkain na'tin dito sa bahay, yung pang'bayad sa labandera na'tin, yung weekly na naglilinis ng bahay."

 

 

"Lakihan mo yung hati sa kuryente. Aba, tig'iisang aircon kaya meron tayo sa mga kwarto na'tin. Lima yun, Par. Lima! Isama mo pa 'yung centralized aircon dito sa sala."

 

 

"So, anong gusto mong iparating? 25 thousand yung para sa kuryente? Ee yung tubig? Lima tayong naliligo oi!"

 

 

"Teka teka, bakit sobrang laki naman ng sa kuryente kasi? Yung pagkain oi! Sa pagkakaalam ko ee five times two tayo kung kumain. Dapat mas malaki 'yun!"

 

 

"Ee pang isang buwan pa lang naman yung pinaguusapan ai."

 

 

"Oo nga, pero dapat mapag'kasya na'tin 'tong 50 thousand sa gastusin na'tin sa isang buwan."

 

 

"Teka nga, bakit kasi 10 thousand yung contribution ng bawat isa? Bakit hindi na lang dagdagan?"

 

 

"Par, abuso na sa pera 'yan ah!"

Blah blah blah. Hay nako, away dito, away doon. Tapos ni'isa sa kanila, hindi pala marunong mag'manage ng gastusin sa bahay. 

Dalawang linggo na kaming nakatira dito sa bahay na 'to. Or should I call it mansion? Ang laki kasi, tapos modern na modern 'yung dating. 

Sa taas, may limang kwarto, tig'isa kami doon. At sa bawat kwarto may kanya'kanyang banyo. Mahirap kapag isa lang noh, lugi kaya ako.

Tapos dito naman sa sala, may grand piano. Lahat kasi kami, marunong tumugtog non. Ewan ba, noong bata kasi ako, may piano lessons na ako. Pati sila. Required ba sa buhay 'yon?

At eto, hindi pa rin sila tapos mag'away away sa pagmamanage ng gastusin. Actually, tatlo lang silang nagaaway away, wala si Kuya Skye ee. May inasikaso. Ayoko namang makisali sa kanila dahil hindi ko din naman alam 'yon. 

Kaya eto, nakaupo lang ako sa isang tabi, kaharap ang laptop ko, ang naka'open sa tabs, unang una, Facebook, pangalawa, Twitter, tapos Wattpad. Ang huli, yung Google. Bakit ba? Multi-tasking ee! HAHAHA!

Incoming fresman college na ako sa pasukan. Halos kasisimula lang ng summer vacation ngayon. Ayos nga na nakatira na kami sa iisang bahay ee. Kasi araw araw ba naman, lagi kaming nagkikita kita, mas sayang sa pamasahe diba? Nihindi man lang nga ako na'inform about sa bahay na 'to ee. Basta na lang ako kinidnap.

My 4 Boy Best Friends (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon