Chapter 18

1.1K 35 0
                                    

WALA silang kibuan habang nagbiyahe sila pauwi ng Mansion at manaka naka'y sinusulyapan ni Div sa front mirror si Margu dahil sa backseat ito umupo.Wala din itong salita habang tumitingin sa labas.
"Margu!?tawag niya sa dalaga.
"Yes po?
"Are you really sure sa disisyon mong mag resign?
"Buo na po ang pasya ko"
"Is it because last ni..."
"Alam ko po na alam ninyo na hindi ako nagrereklamo about my work dahil trabaho ko yon,pero ibang usapan na po kung hindi na tungkol sa trabaho ko ang pinag uusapan natin"
"I know...If I say sorry now...can I change your mind not to leave?
"The same question Senyorito..if I shot you now do you think I can stop your wound not bleeding?
"I'm sorry Margu...alam ko..."
"Siguro nga madali lang talaga ang magsabi ng sorry noh lalo pa't hindi mo naman naramdaman kung anong paghihirap o pagtitiis ng taong nagawan mo ng kasalanan"ani ni Margu na hindi pinatapos ang sasabihin ng binata.
Wala ng sagot mula sa binata at tumahimik narin siya.Makaraan ang ilang sandali ay tumunog ang cellphone ni Div.
"Hello Mom?
"Son are you coming back now?
"Yes..we are on our way Mom"
"Good..because Margu's Mom is here may masama daw siyang balita"
"What?masama?what is it about Mom?kinakabahan niyang tanong.
"Just come home soon as fast as you can son"
"Okay Mom bye"anito at binaba na ang phone.
Tumingin siya sa front mirror at nakita niyang tumingin lang si Margu sa labas na walang imik.
"Margu Mom said Nanay Minda is in the house right now waiting for you"ani ni Div na kinatingin ni Margu.
"Wa-waiting for me?tanong nito na sa isip baka nasabi na ni Div sa mama nito na mag resign na siya at pinapunta na sa bahay nila ang kanyang Nanay.
"Yes..according to my Mom there's bad news but we will know it as as we arrive home"
Bigla tuloy siyang kinabahan ano kayang bad news iyon,tumango lang siya sa binata at hindi na muling nagsalita.
Ilang minuto pa'y dumating na din sila sa Mansion ni hindi na niya hinintay ang binata at diretso na ito sa loob ng Mansion.Pagdating sa loob agad hinanap ng kanyang mga mata ang Nanay niya at nakita niya ito sa may sala nakaupo kaharap ang Senyora Amalya.
"Inay..bakit po kayo nandito?ano pong masamang balita ang sinasabi ninyo?tanong agad niya habang niyakap ang ina na hindi na nagawang batiin ang Senyora.
"Anak huwag ka sanang mabibigla..pero ang tatay mo nasa hospital ngayon..sinugod namin kagabi"ani ni Aling Minda na gusto na naman umiyak.
"Ho-hospital po?bakit po anong sakit ni Itay?anong nangyari sa kanya Nay?
"Sabi ng mga Doctor na sumuri sa kanya may cancer siya sa baga"
"A-ano!??pa-paanong nangyari iyon Nay eh lakas lakas ni Itay na ni minsan hindi natin siya nakitang magreklamo?anito na sumabat si Senyora sa usapan nila.
"Margu hija it's possible sa mga tao ang magka cancer in lung kahit hindi sila magrereklamo o di kaya hindi sila nagkakasakit..yung iba tinitiis na lang ang sakit o di kaya binaliwala lang"ani ni Senyora na kinatahimik ni Margu.
"Ihahatid ko na po kayo sa Hospital Nanay Minda"sabat naman ni Div na kanina pa nakikinig sa kanilang usapan.
Nabigla naman si Senyora tumingin sa binata na nagtataka kung bakit parang close ito sa matanda at the way he called Nanay Minda it seems like he already get to used it.Sa isip niya is there something she still doesn't know about her son?Napukaw lamang ang kanyang pag-iisip ng magsalita si Div.
"Mom I will send them to the Hospital..you can come if you want?ani ni Div.
"Ah okay okay son go ahead..maybe I can visit next time"
"Okay Mom"ani ng binata at humalik sa ina.
"Salamat po Senyora Amalya sa pagtanggap ninyo sa akin dito"ani ni Aling Minda.
"Walang anuman Aling Minda..Nanay ka ni Margu so you're the part of our family now as like how we treat Margu"ani ni Senyora na kinatingin ni Margu kay Div.
"Sige po Senyora mauuuna na po kami"ani ni Margu.
"Okay hija balitaan mo kami kung ano man ang magiging resulta okay?
"Okay po Senyora"ani ni Margu at humakbang na sila palabas ng Mansion.
Habang tinahak nila ang kalsada patungong Hospital ay balisang balisa si Margu na napansin ng kanyang ina.
"Anak huwag kang mag-alala hindi papabayaan ng Diyos ang Tatay mo basta manalig lang tayo"ani ni Aling Minda sabay hawak sa kamay ni Margu.
"Opo Nay alam ko po na walang masamang mangyari kay Itay"ani ni Margu.
"OO anak..pero anong nangyari dito sa kamay mo anak?tanong ni Aling Minda ng mapansin ito na kinatingin ni Div sa kanila sa front mirror.
"H-ha?ah..ito ba Nay?wala po ito Nay nagkaroon lang ako ng allergy pero ayos lang ako huwag kayong mag-alala"ani ni Margu na nagkahulihan sila ng tingin ni Div ngunit agad din siyang umiwas.
"Ganon ba anak..mag-iingat ka sa uulitin ha?
"Opo Nay"ani ni Margu sabay yakap sa ina"kung alam ninyo lang Nay"dugtong ng kanyang isip.
Ilang sandali pa ay nasa Hospital na sila at agad silang inalalayan ni Div at umiiwas naman si Margu sa binata.Kaagad nila hinanap ang Doctor na sumuri kay Mang Carding upang kausapin ito at makapagtanong tungkol sa sakit ng matanda na wala masyadong alam si Aling Minda tungkol dito.
"Good day po Doc pamilya po kami ni Mr. Carrion Domingo"ani ni Margu sa Doctor na sa opisina nila ito kinausap.
"Hello everyone..have a seat"anang Doctor.
At umupo na sila sa harap ng mesa ng Doctor habang naghihintay ng paliwanag nito.Ilang sandali pa pagkatapos niyang tumingin sa medical record ni Mang Carding ay binalingan sila ng Doctor.
"Mrs. Domingo I feel sad to tell you about this matter"simula ng Doctor na kay Aling Minda nakatingin at pagkatapos ay kay Margu naman tumingin.
"B-bakit po Doc ano pong kalagayan ng Tatay ko?kinakabahang tanong ni Margu na halos hindi na kumukurap.
"Your father has stage 3 non small cell lung cancer"anang Doctor na halos kinabingi nilang mag-ina.
"P-po?p-paano Doc..paano pong nangyari na hanggang stage 3 na samantala wala siyang sinasabi at alam namin na malakas pa ang Tatay ko!!
"Hija maaaring may nararamdaman na siya ng pananakit ng baga o di kaya nahihirapang huminga..pero may possibility itong nilihim sa inyo o hindi niya sinasabi sa inyo..I guess for personal reasons we don't know the reason yet"anang Doctor.
"Doc what treatment do you suggests to get his life out of danger?tanong ni Div ng hindi na makapagsalita ang mag-ina dahil umiiyak na sila.
"Well according to my medical result my suggestion is..you need to put him in surgery to remove the part of his lung that we called it lobectomy"anang Doctor.
"With the surgeon are we sure he will be safe after the surgery done?tanong ulit ni Div.
"If the surgeon completely removes the cancer,the patient then have chemotherapy to try to lower the risk of the cancer coming back in other side of his lung..then if you continue doing chemotherapy I will assure you he will be free lung cancer"anang Doctor na kinatango niya.
"Thank you Doc..then please do it as soon as possible"ani ulit ni Div na kinalingon nilang mag-ina.
"Sa-sandali lang Div..ipapa-opera ang asawa ko hindi ba malaking gastos iyon?
"Nanay Minda don't think about that now ang importante po ma operahan si Tatay sa lalong madaling panahon"
"Pero..."
"Inay pumayag na po kayo na ma operahan si Itay wala na po tayong mapagpipilian sa ngayon..ako na po ang bahalang maghanap ng pera para sa operasyon ang importante po Nay mabubuhay si Itay"ani ni Margu na hindi na pinatapos ang sasabihin ng ina.
"Anak impossible ang sinasabi mo"
"Nay kayo na po ang nagsabi sa akin na manalig lang tayo at hindi tayo pababayaan ng Diyos"ani ni Margu at kinausap ang Doctor.
"Doc gawin ninyo po ang lahat maligtas lang ang Tatay ko"
"Sure hija we will do anything and our best"
"Salamat po..mag..magkano po ang kakailanganin para sa operasyon Doc?tanong ulit ni Margu.
"One hundred thousand pesos hija for the operation and chemo included for the patient"anang Doctor na halos maluwa ang mata ng mag-ina.
Napayakap sila sa isa't isa na hindi na makapagsalita pa..saan sila kukuha ng ganong kalaking halaga?
"S-sige po Doc gagawan namin ng paraan maghanap ng pera basta iligtas ninyo po ang Tatay ko Doc nakikiusap po kami"
"Walang problema hija maliligtas ang Tatay mo sa awa ng Diyos just pray for him and for our operation"
Pagkatapos nilang mai-schedule ang operasyon na isasagawa sa susunod na araw dahil kailangan pa nila maghanap ng pera para maoperahan ang tatay niya ay pinuntahan nila ang ward ni Mang Carding na kasalukuyang nagpapahinga.
"Div nandito ka pala salamat sa paghatid ng mag-ina ko"ani ni Mar Carding na halatang nanghihina.
"Okay lang po iyon Tatay Carding gusto ko rin pong makita kayo"
"Itay kumusta po ang pakiramdam ninyo?
"Ayos lang ako anak pagod lang siguro ito"ani ni Mang Carding na ang akala nito'y wala pang alam ang mag-ina.
"Itay naman eh..hanggang kailan ninyo po ba ito itatago sa amin ni Inay?tanong ni Margu na pinigilan ang hindi umiyak.
"A-ang alin anak?kunway tanong nito.
"Itay..hanggang kailan kayo magtitis sa sakit na nararamdaman ninyo?hanggang kailan kayo magkukunwari na nakakahinga kayo ng maayos?Itay hanggang kailan ninyo sasabihin sa amin ang sakit na tinitiis at nararamdaman ninyo ng sa ganon maging karamay ninyo kami ni Inay?hinagpis ni Margu na awang awa sa ama dahil sa pagtitiis nito at paglihim sa kanila.
Nakayuko lang si Mang Carding habang dinadamayan naman ni Aling Minda si Margu at nakamasid lang din sa kanila si Div.
"P-patawarin ninyo ako Minda..anak..patawarin ninyo ako kung hindi ko sinasabi sa inyo dahil ayokong bigyan kayo ng problema at lalong ayokong maging pabigat sa inyo"
"Ang daya ninyo naman Tay eh kaya nga tayong magkapamilya kasi nagtutulungan at nagdadamayan tayo"
"Pasensya ka na anak"
"Ayos lang po iyon Tay ang impotarnte ngayon magagamot na po kayo"
"Kaya magpalakas ka Carding dahil sa susunod na araw na ang operasyon mo..nawa'y maawa ang Diyos at iligtas ka para sa amin ng anak mo"ani ni Aling Minda sabay yakap sa asawa.
"Operasyon?sa-saan tayo kukuha ng pera para sa operasyon?tanong ni Mang Carding.
"Huwag ninyo na pong isipin iyon Itay..ang gagawin po ninyo ngayon ay kumain at matulog ng sa ganon po ay may lakas kayo para sa operssyon ninyo"
"Pero anak malaking..."
"Maghahanap po kami ni Inay ng paraan Tay okay kaya huwag na kayong mag-alala"anito at niyakap ang tatay para hindi na ito magtanong pa.
Na kahit siya hindi alam kung saang kamay ng Diyos siya kukuha ng ganong kalaking halaga ng pera.At tiningnan niya si Div na tumingin din ito sa kanya na hindi niya mawari kung anong ipahiwatig ng tingin at ngiti na iyon na nagpakaba sa kanyang dibdib.
Ilang oras ang inilaan nila sa Hospital upang may kasama si Mang Carding at pagsapit ng gabi ay nagpaalam na si Div para umuwi ng Mansion.Walang kibo sa tabi si Margu na parang ayaw niya ng umuwi sa Mansion dahil aalis naman din siya pero sa kalagayan ng kanyang Tatay ngayon ay ayaw na muna niyang ipaalam sa mga magulang ang gusto niya.
"Sige na anak umuwi na kayo..ako na ang magbabantay sa Tatay mo"
"S-sige po Nay..babalik din po ako bukas para bisitahin si Itay"aniya at niyakap ang mga magulang bago ito umalis kasama ang binata.
Tahimik silang pareho ng pauwi na sila sa Mansion,ng maya't maya ay nagsalita si Div.
"What do you have in your mind?tanong nito kay Margu na tahimik lang.
"Tungkol saan?
"For Tatay Carding about his operation"
"Eh di maghahanap ng pera"
"I know..where do you think you can find money?
"Susubukan kong puntahan ang mga pamilya ni Nanay at Tatay o mangungutang sa mga kakilala kong kaibigan"
"Do you think it would be enough to collect a hundred thousand pesos?tanong ni Div.
Tanong ni Div na maging siya ay alam niyang maubos man niyang uutangan ang kanilang pamilya at kaibigan hindi parin siya makakalikom ng ganong kalaking halaga dahil ang kanyang kamag anak ay pareho din sa kanila na isang kahig isang tuka lamang.
"Well I know that kind of silent..you decided to resign as my personal maid don't you?
"Kahit naman hindi ko gagawin yan hindi parin ako makakakuha ng halagang kailangan ko"
"So itutuloy mo parin ang disisyon mo?
"OO..atsaka kailangan ako ng mga magulang ko sa pagkakataong ito"
"Okay if that what your decision..I'll let you go as my personal maid but I have a proposal to get the amount you want"ani ni Div na kinatingin ni Margu.
"A-anong proposal?
"I give you one hundred thousand pesos and pay for all the Hospital bill for your Tatay just to be my sex slave"diretsong wika ni Div na kinagitla ni Margu.
"Ano!??baliw ka ba?at bakit ko naman gagawin yan?alam mo napakababa nga talaga ng tingin mo sa isang mahirap na katulad namin ano?pero ibahin mo ako dahil hindi ko ipagpapalit ang prinsipyo at dignidad ko para sa pera!!galit na wika ni Margu.
"Stop being too nice and good all the time Margu..by doing this is to save your father..now I'll ask you..who matter the most for you..your father's life or the piece of shitty you're fighting for?
"Shuuuutttt uuuppp!!sigaw niya kay Div at bubuksan sana ang pinto ng kotse kahit hindi naman nakahinto."stop the car now!!!asik niya ulit kay Div na nilock nito ang pintuan ng kotse.
"Are you out of your mind young lady to open up the car kahit hindi humihinto?sita niya kay Margu ng mabilis niyang hininto ang kotse sa gilid ng kalsada.
"Shut up..I don't care!!!sagot niya at akmang bubuksan ulit ang kotse ngunit nahawakan siya ni Div.
"Come on Margu calm yourself..I'm offering you this so you can save your father in danger"
"Mas nanaisin ko pang mamalimos sa daan kesa ang ibenta ang katawan ko!!
"You can find money as long as you want..but Margu your father is running out of time..they need money to do operation"ani ni Div na nagpakalma sa kanya.
Tahimik siyang umiyak dahil pakiramdam niya hindi niya na kayang pigilan iyon na kanina pa nagbabadyang tumulo.Namalayan niyang muling pinaandar ni Div ang kotse at tahimik na siya hanggang sa dumating sila sa Mansion.
"Son Div mabuti dumating na kayo"tanong agad ni Senyora sa kanila at binalingan si Margu.
"Hija how's your father is he okay?anong sabi ng Doctor?sunod sunod na tanong ng Senyora.
"Mom let her rest first it's very long day"sabat ni Div ng walang sagot mula kay Margu.
"Oh okay sure"ani ng Senyora.
Yumukod lang si Margu sa Senyora at tahimik na binagtas ang living room patungo sa kanilang silid ni Ana.
"Bestie mabuti andito ka na..kumusta na si Mang Carding?bungad na tanong ni Ana sa kanya.
Dahan dahan siyang napaupo sa kama na muli na namang tumulo ang luha.
"Bestie bakit anong nangyari?
"Ooperahan si Tatay"
"Ha?ooperahan?tapos magkano daw ang babayaran ninyo?
"Hundred thousand bestie..ang laki ano?anito sa kaibigan.
"Susme!!!anong gagawin mo?paano na yan ngayon?
"Hindi ko alam bestie kahit suyurin ko ang mga kamag anak namin pihadong hindi din ako makakalikom ng ganong halaga"
"Ibibigay ko sayo yung inipon ko bestie kaso mga limang libo lang iyon eh..barya lang sa hundred thousand"seryosong biro ni Ana.
Ngumiti ng bahagya si Margu at niyakap ang kaibigan na sobrang matulungin sa kanya mula pa noon"huwag na bestie itago mo na yan at gagawa naman ako ng paraan para makahanap ng pera"
"Pero saan ka kukuha ng ganon kalaking halaga bestie?ora orada pa para maoperahan ang Tatay mo?
Yumuko lang siya at muling ngumiti ng pagak"bahala na bestie"sagot niya kay Ana"kahit ano gagawin ko magkapera lang para sa Tatay ko"dugtong ng kanyang isip para hindi na ito mag usisa pa.
"Pero bestie matanong nga kita..ano nga pala ang nangyari dito sa kamay bakit nagkaganyan yan?
"Ah ito?wala ito nasobrahan yata sa sabon"
"Bakit madami bang pinagawa sayo ng Div na yan doon sa condo niya?
"Ha?wala..hindi naman bestie may gamit lang doon na medyo hindi sila close ng kamay ko"biro nito sa kaibigan.
"Ganon ba?akala ko ginawan ka na naman ng masama nun"
Tiningnan lang niya si Ana..kung alam lang sana nito kung ano ang inani niya sa loob ng isang araw at gabi niya sa condo ni Div..ngunit ayaw niya ng sabihin iyon kay Ana.
KINABUKASAN maaga pa din gumising si Margu,balak niyang pagkatapos ihanda ang mga susuutin ni Div ay magpapahatid na ito sa kanilang bahay at ito narin ang araw na magpapaalam na siya sa mga tao sa Mansion kahit wala si Senyor na nasa London dalawang araw na.
Pagpasok niya sa silid ng binata ay wala na ito sa higaan malamang nasa CR na kasi may naririnig na siya doon kaya tinungo ang closet para ilabas ang mga damit ng binata.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang binata ngunit nakatapis lamang ito ng puting tuwalya na halos makikita din ang ibabang bahagi nito.Binaling ang tingin sa ibang direksyon para hindi ito makita.
"Oh I thought you already left by this time..I don't feel sorry for this cause I have no idea either that you'll be here in my room"anang binata.
"G-gusto ko lang po sana sabihin sa inyo na magpapahatid po ako sa inyo sa bahay namin kung maaari po sana"sagot niya na hindi tumingin sa binata.
"Hmm okay just get ready I'll send you there"ani ni Div na sumilay ang lungkot sa mukha niya at hindi iyon nakikita ni Margu dahil hindi naman ito tumingin sa kanya.
"Salamat po Senyorito"aniya at humakbang na para lumabas at narinig pa niya ang pagring ng cellphone ni Div.
"Hello Doc Acosta good morning"sagot ni Div na kinalingon ni Margu dahil ito ang Doctor ng Tatay niya na si Div ang tatawagan kung anong mangyayari sa Tatay niya sa Hospital.
"Whaat!??gulat na tanong ni Div na lalong nagpakaba kay Margu.
"A-anong nangyari?bakit daw?agaw na tanong ni Margu na hindi na nakatiis at lumapit na sa binata.
"Okay Doc we will be there soon as possible"sagot ulit ni Div na tiningnan lang siya nito na halatang nag-alala rin at binaba na ang Phone.
"Margu fix yourself I'll send you to the Hospital now"ani ni Div habang nagsusuot ng damit na polo shirt ang kinuha.
"Bakit anong nangyari?
"Inatake si Tatay Carding at nahirapan huminga then suddenly na collapse siya"
Hilam ang kanyang luha habang bumaba sa hagdan ni halos hindi na nito makita ang daan.Pagdating sa silid nila kaagad siya nagbihis at nauna ng lumabas ng Mansion pagkatapos niyang magpaalam kay Ana pati sa kasamahan niya at dahil tulog pa ang Senyora hinabilin na lamang niya kay Manang Cora na nasa Hospital siya kung sakaling hanapin ng Senyora.
Ilang sandali niya sa labas ay lumabas na si Div.
"Good morning Mang Tasio huwag ninyo na akong ihatid sa opisina dahil dadaan pa ako sa Hospital"anito sa driver na naghintay sa kanya.
"Kung iyon po ang gusto ninyo Senyorito"anang driver at iniwan na sila.
"Margu hop in"ani ni Div sa dalaga.
Walang imik siyang sumunod sa utos ng binata na parang pasan niya ang mundo.
Walang tigil ang pagbuhos ng kanyang luha habang binabagtas nila ang Hospital.
Pagdating nila sa Hospital ay kaagad bumaba ang dalaga na hindi na hinintay ang binata at diretso kung saan ang ward ng kanyang ama,nadatnan niyang nakaupo doon ang kanyang ina na umiiyak.
"Nay..Nay..si Itay po nasaan siya Nay?tanong niya agad sa ina.
"Nasa ICU na anak..inatake siya kani kanina lang..nahihirapan na siyang huminga at kailangan na daw ma operahan kahit ngayong araw na dahil kung hindi baka daw hindi makayanan ng Itay mo at bumigay na siya"paliwanag ng kanyang ina na kinasikip ng kanyang dibdib.
At wala na siyang mapagpipilian kundi ang kumapit sa patalim para mailigtas ang kanyang Tatay sa bingit ng kamatayan.Kaya lumabas ito ng silid para kausapin ang isang tao na alam niyang makakatulong sa kanya sa isang pitik lang ng kamay nito.
"Anak saan ka pupunta?habol na tanong ni Aling Minda.
"Nay dito lang po kayo at huwag kayong sumunod sa akin ha may kakausapin lang ako Nay"aniya at tuluyan ng lumabas.
Paglabas niya ay nakasalubong niya si Div na paparating pa lamang patungo sa silid kung saan siya galing.Agad naman ito huminto ng makita siya at dahan dahan siyang lumapit sa binata.
Tiningnan lang siya ng binata na hindi ito nagsalita at napalunok siya ng mariin dahil may takot siya sa sitwasyong papasukin.
"Iligtas mo ang Tatay ko...kailangan niyang mabuhay at nakahanda akong gawin ang lahat kahit ang kapalit ay pagsira ng dignidad ko"aniya sa binata na pinigilan ang umiyak dahil ayaw niyang maging mahina sa harap nito.
"Tatay Carding is currently in operating room at this moment,we will wait for the Doctors to come out"sagot ni Div na kinalaki ng mata niya.
"A-anong ibig mong sabihin?
"Simple Tatay Carding is running out of time so I told the Doctors na operahan na siya right away"
"Na-nagbigay ka ng pera?
"Common sense they will not do surgery without money"
"Ginawa mo iyon kahit hindi pa ako pumayag sa gusto mo?
"I did the best but you'll going to pay the rest"ani ni Div at lumapit sa kanya at ginawaran siya ng halik sa labi na hindi niya napaghandaan" Tatay Carding will be safe baby"usal nito sa punong tainga niya dahilan sa paninindig ng balahibo niya.
Humakbang na si Div patungo sa silid kung saan ang kanyang Nanay at siya'y nakatayo parin habang hinatid ito ng tingin.Natatakot siya sa kung anong mangyayari sa kanya,hindi ganito ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Div.Pero wala na siyang magagawa nakataya na ang binata at siya ay isusugal ang isang baraha na hawak niya na alam niyang hindi niya na ito mababawi kung sakaling matalo siya.
Umiyak siya hindi dahil sa isiping malalagay sa alanganin ang kanyang sarili,napaiyak siya dahil may nagagawa siya para dugtungan ang buhay ng kanyang Tatay kung makakaligtas ito sa kagustuhan ng Diyos.
"Nanay Minda huwag po kayong mag-alala maliligtas po si Tatay Carding"ani ni Div sa matanda.
"Salamat sa tulong mo Div..hindi ko alam kung paano ka pasalamatan"iyak na wika ni Aling Minda.
"Wala po iyon Nanay..masaya po akong matulungan kayo"anang binata na siyang pagpasok ni Margu.
Tiningnan niya si Div atsaka tumingin sa ina at ngumiti ito sa kanya.
"Nay halina po kayo hihintayin natin ang Doctor ni Itay sa labas ng operating room"
"Sige anak"sagot nito at bumaling kay Div"Div di ba papasok ka pa sa opisina ngayon?tanong ng kanyang ina sa binata.
"Yes po..pero gusto ko po malaman muna ang resulta ng operation bago ako aalis"sagot ni Div na palihim siyang nginitian na kina ismid niya at inirapan pa ito na hindi nakaligtas sa Nanay niya.
"Margu anak huwag ka ngang umasta ng ganyan sa harap ni Div..siya na nga itong tumulong ikaw pa ang hindi marunong magpasalamat?ani ng kanyang ina na palihim siyang kinurot ng pino ng ina na kina aray niya.
"Aaraayy ko po Nay!!anito na kinasimangot niya habang hawak ang tagiliran at kinangiti naman ni Div.
"Huwag kang umaray dyan at magpasalamat ka kay Div"
"Opo"sagot niya at tiningnan si Div"maraming salamat po Senyorito Div sa tulong ninyo sa amin"aniya na hanggang labi lang naman ang pagpapasalamat niya dahil alam niyang may kapalit ang lahat ng ito.
Ilang oras silang naghintay sa paglabas ng Doctor na nag opera sa Tatay niya at ilang minuto pa ay lumabas na ito at sa kanila agad tumungo at lumapit naman din sila upang ito'y salubungin.
"Doc kumusta po ang asawa ko?
"Ano pong nangyari Doc ligtas po ba ang Tatay ko?successful po ba ang operation Doc?tanong naman ni Margu.
Nag-alis ito ng mask atsaka sila sinagot"congrat
ulations to us operation is successfully done,your husband is safe now Mrs. Domingo"anang Doctor sa kanila at kinamayan pa nila ito.
Masaya silang nagyakapan sa narinig na ligtas ang kanyang Tatay,panandalian niyang iwinaksi ang mangyayari pagkatapos nito dahil gusto niyang sulitin ang saya na nadarama niya ngayon kasama ang kanyang Nanay na wala itong alam.
"Salamat sa Diyos at ligtas ang Tatay mo anak"ani ni Aling Minda habang niyakap siya.
"Opo Nay maraming salamat sa Diyos"
"So since nalaman ko na po ang resulta I think I have to go..dadaan nalang po ulit ako dito pagkagaling ko sa opisina"paalam ni Div.
"Sige hijo humayo ka na at talagang naabala ka na namin ng lubusan at maraming salamat sayo"ani ni Aling Minda.
"No problem po Nanay Minda"aniya at humalik muna sa matanda bago umalis.
Sinundan na lamang ito ng tingin ni Margu na may kakaibang lungkot sa kanyang mata at muli na namang inisip ang kasunduan nila ng binata.Makaraan ang ilang minuto ay inilabas na si Mang Carding sa operating room at tumulong na sila sa pagtulak ng stretcher patungo sa ward nila,ngunit nagtaka sila na sa ibang direksyon ito tutungo.
"Nurse bakit po dito sa private room ilalagay ang Tatay ko?tanong ni Margu.
"Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro ma'am"sagot ng nurse habang inaayos ang pasyente.
Hindi na siya kumibo..oo nga pala isa pala ito sa kasunduan nila ng binata at muli na namang napabuntonghininga na hindi nakaligtas sa kanyang Nanay.
"Anak may problema ka ba bakit tila palaging malalim ang iniisip mo?
"Ho?wa-wala po ito Nay huwag ninyo na po akong pansinin"sagot niya sa ina at ginagap ang kamay ng ama saka ito masuyong hinalikan.
"Tay..salamat po at hindi ninyo kami iniwan ni Inay at lumaban kayo para sa amin.Sa ngayon po Tay magpalakas kayo ha?kausap niya sa natutulog pang ama.
Nasa ganon silang padadrama ng dumating sina Senyora Amalya at si Manang Cora na may dala dala silang prutas at mga pagkain.
"Senyora Amalya!?Manang Cora!?nasurpresa si Margu at ang Nanay niya.
"Aling Minda..Margu hija..kumusta ang kondisyon ng Tatay mo?
"Mabuti naman po siya Senyora hinihintay na lang namin na magising siya"sagot ni Margu.
"Senyora..Manang Cora umupo po kayo dito"alok naman ni Aling Minda sa dalawa.
"Sige Aling Minda salamat dito na lamang ako at mas kailangang ka ng asawa mo sa tabi mo"sagot ni Manang Cora.
"OO nga Aling Minda salamat sa Diyos at ligtas ang asawa mo"ani naman ni Senyora.
Mahabang sandaling pag-uusap nila ay nagpaalam na ang mga itong umuwi.At labis labis ang pasasalamat nilang mag-ina sa mga ito sa pagdalaw at pagbigay ng kung ano ano.
SA DAAN naman ay hindi maiwasang itanong ni Senyora ang katanungan na kanina niya pang gustong itanong ngunit nanaig ang kanyang respeto sa pamilya ni Margu.
"Cora nagtataka lang ako kung saan sila kumuha ng pera para sa operation,and the private room as well"ani ni Senyora.
"Maaaring katulong si Margu sa Mansion pero hindi natin alam kung sino at ano sila,in short we can not judge people unless we knew them very well"
"Hindi ko naman sila hinuhusgahan..I'm just asking"
"Tatanungin mo rin ba ang kakayahan ng bawat nilalang?panghuhusga pa din yon,iyong magtatanong ka kasi sa tingin mo hindi nila afford ang ganito ganon dahil sa panlabas na kaanyuan"
"Okay..okay..I didn't say nothing now okay?just forget it"ani ni Senyora at tumahimik na.
Nagkibit balikat lang din si Manang Cora at wala silang kibuan hanggang sa dumating sila sa Mansion.
Pagsapit ng gabi ay dumaan si Div sa Hospital at may dala din itong pagkain nila.
"Nag abala ka pa Div nagdala din ang mama mo kasi nagpunta sila dito kanina"
"Ah yes po nasabi naman din niya sa akin..it's okay po Nanay para hindi na kayo lalabas para bumili"
Niyakap siya ni Aling Minda na nakatingin lang din si Margu sa kanila at nagsalita ito"salamat sa inyo..maraming salamat dahil napakabait ng pamilya ninyo Div..hindi ko man magawang bayaran ng pera ang nagawa mo sa amin pero pinapangako ko na andito lang kami para sayo at tumatanaw ng habang buhay ng utang na loob"madamdaming wika ni Aling Minda dahilan sa pagluha ni Margu at akmang lalabas siya sa silid ng hawakan ni Div ang kamay niya saka panagdaupang palad ito ni Div na kinatigil niya at kinaangat ng tingin kay Div.
"Nanay Minda it's okay huwag ninyo na pong isipin iyon"sagot ng binata sa kanyang ina habang yakap niya ito at siya naman ay hawak ng binata.
Humiwalay na si Aling Minda at mabilis niyang hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Div dahil sigurado niyang pag lumingon ang kanyang ina sa gawi niya makikita niya iyon,at hindi nga siya nagkamali paglingon ni Aling Minda ay nagtaka ito kung bakit nasa malapit na siya sa kanila na kanina lamang ay nakaupo pa siya.
"Anak nakalapit ka na pala..pasensya ka na masyado yata akong ma drama"
"Hindi naman po Nay natural na natural nga po pagka drama ninyo eh..oo Nay lalabas sana ako para mag tingin tingin lang sa labas habang naghihintay na magising si Itay"pagdadahilan niya na sinulyapan si Div na nakangiti lang ito sa kanya.
"Ah ganon ba?O sige siya pero huwag kang magtatagal ha babalik ka ulit dito"
"Opo Nay"aniya at humalik muna sa ina bago lumabas.
Naglakad lakad siya sa labas ng Hospital at dahil napapaligiran naman ng mga ilaw kaya nakikita niya din ang mga taong labas masok sa Hospital.Ng napagod na siya sa paglalakad ay umupo siya sa may bench at tumingala sa langit,makulimlim ang kalangitan at walang buwan,may iilang bituin din na kumikinang ngunit parang hindi makislap ang mga ito.Parang siya din,nagagalak siya ngunit nababalot ng agam agam ang kanyang buhay,nandyan din ang Nanay niya ngunit parang may kulang dahilan ng kanyang kalungkutan.
"What's on your mind?tinig na nagpayuko sa kanya sa pagtingala sa langit at nilingon ito.
"Anong ginagawa mo dito?balik tanong niya kay Div.
"Sinusundan ka"maikli nitong sagot.
"Huwag kang mag-alala hindi naman kita tatakasan"iwas niyang sagot dito.
Namalayan niyang umupo ito sa tabi niya"so?talaga bang hindi ka tatakas?tanong ni Div na kinalingon niya dito at ngayon niya napagtanto na malapit na pala ang mukha nito sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita na tiningnan lang ang binata na amoy na amoy niya na ang mabango nitong hininga.
"Talagang hindi ka tatakas even though I'm going to kiss you right now?ani uli ni Div na nagpabaling sana sa mukha niya upang umiwas ngunit huli na ang lahat.
Naharang na ito ni Div gamit ang daliri niya upang iharap ng mabuti sa kanya.At unti unting bumaba ang mukha ni Div sa mukha niya at ilang sandali pa'y lumapat na ang labi ni Div sa labi niya.Ginawaran siya ni Div ng banayad na halik na ikalawang beses niya ng naramdaman at ganitong ganito parin ang pakiramdam,nakakawindang at talagang bibigay ka.
Tinanggap niya ang paanyayang halik ni Div dahilan sa pagsakop ng binata ng kanyang mukha gamit ang magkabila nitong palad upang manamnam pa nila lalo ang sarap ng halik na pinagsaluhan nila.Ginagaya narin ni Margu ang likot ng dila ni Div sa loob ng kanilang bibig,gayon din ang bahagyang pagkagat ng labi nila sa isa't isa dahilan sa muntik na silang makalimot mabuti na lamang at nasa tamang pag-iisip pa si Margu.
"D-Dave!?mahinang usal ni Margu na bahagya pa itong hiningal dahil sa halikan nila na magkalapat parin ang kanilang mukha sa isa't isa.
"I'm sorry"sagot ni Div at niyakap siya ng mahigpit"I don't wanna lose you"bulong pa ni Div.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

PANGARAP NA LANG BAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt