Book 2 : Chapter 2

1.1K 41 2
                                    

By: Crayon

****Renz****

11:42 pm, Tuesday

April 13

Malapit na ako sa bar na nakatakda naming pagkitaan nila Gelo at Neil. Matagal-tagal na din mula nung makasama ko ang dalawang siraulo kong kaibigan. Medyo nawala kasi ako sa sirkulasyon ng barkada sa nakaraang dalawang taon. Mas pinili ko ang magfocus na muna sa bagong tayo kong business noon na maganda na ang kita sa ngayon.

Makalipas kasi ang isang taon mula ng itayo ko ang shop ko ay nagawa ko agad na mag-expand at magtayo ng isa pang branch sa may Greenfield sa Mandaluyong. Maganda kasi ang naging pagtanggap ng mga tao sa main branch namin sa Makati kaya makalipas lang ang isang taon ay nabawi ko na ang puhunan namin nila mama at napagkasunduan namin na magtayo pa ng isang branch.

Dahil nga sa dalawa na ang branch ng aming shop ay nalunod din ako sa trabaho kaya wala na halos akong time para gumimik. Hindi ko na nagagawang pumunta sa mga bar na tinutunguhan ko dati para maghanap ng ka-one night stand. Maging ang minsang session ng aming barkada ay madalang ko na lang mapuntahan.

Sa kabila ng pagiging isolated ko ay masasabi kong naging maganda din naman ang kinalabasan ng mga ginawa ko. Kahit kasi papaano ay mas nagkakaroon na ng direksyon ang buhay ko. Malayo sa dating Renz na walang ginawa kundi ang magliwaliw.

Ang pangalawa kong dahilan kung bakit mas pinili ko ang magpakalunod sa trabaho ay dahil sa nangako ako sa sarili ko na hihintayin ko si Kyle. Tiyak ko sa sarili ko na siya na ang taong gusto kong makasama habang buhay. Pilit kong inayos ang dati kong magulong buhay dahil gusto kong maging karapat-dapat sa kanya.

Alam kong hindi maganda ang aming paghihiwalay, dalawang taon na ang nakalilipas pero umaasa ako na maaayos pa namin ang naging gusot sa aming dalawa. At handa akong gawin ang lahat mangyari lang iyon. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa naiisip. Dahil sa nakalipas na dalawang taon ay labis ang aking pagkamiss sa kanya. Siya lamang ang hinahanap ng aking puso. Kahit na may ilang tao ang nagpaparamdam sa akin ay wala akong pakialam sa kanila dahil si Kyle talaga ang gusto ko.

Wala din akong balita sa kung anong nangyari kay Kyle o kung anu ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Hindi ako sigurado kung magkikita pa kaming muli. Hindi rin naman ako gumagawa ng hakbang para hanapin siya dahil noong huli kaming mag-usap ay hiniling niya na lumayo muna sa akin. Ang tanging pinanghahawakan ko ay ang pangako niya na babalik siya. Kung hanggang kailan ko magagawang maghintay ay hindi ko alam.

Siguro tama lang na sa pagkakataong ito ay ako naman ang magsakripisyo at maghintay para sa kanya. Hanggang kaya ko ay titiisin ko ang maghintay para sa taong mahal ko.

Dahil sa lalim ng aking mga iniisip ay hindi ko na namalayang lumagpas na ako sa bar na sinabi nila Gelo. Kinailangan ko pang mag-U turn para bumalik.

Matapos kong mai-park ang aking kotse ay dumiretso na ako sa loob ng bar. Madaming tao ang nandoon na medyo nakapagtataka dahil Martes ngayon at may pasok pa ang mga nag-oopisina bukas. Dahil sa ingay at dami ng tao ay pinili ko muna na lumabas ng bar. Sinubukan kong tawagan sila Gelo. Ilang ring lang ay sinagot naman agad ng loko ang aking tawag. Ayon dito ay nasa may vip area daw sila. Bumalik ako sa loob at tinungo ang kinalalagyan ng dalawa kong kaibigan.

"Ayun oh! Ang elusive bachelor ng barkada, Renz Angelo Razon!", malakas na sigaw ni Gelo habang papalapit ako sa kanila. Tatatlo lamang silang nandoon si Gelo, Neil at Mico lamang ang nag-iinuman.

"Tarantado, umiral na naman ang sakit mo.", pambabara ko kay Gelo.

"Hahaha, ganun talaga. Oh tumagay ka na pre, ang tagal mo hindi nagpakita, lalasingin ka namin ngayon.", dagdag pa ni Gelo.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon