Chapter 15

1.7K 51 2
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 15]

By: Crayon

****Kyle****

10:30 pm, Friday

April 13

Kakagaling ko lang sa doktor kaninang hapon para tanggalin ang cast sa kaliwang paa ko. Mahigit tatlong linggo ko ding tiniis ang paggamit ng saklay.

Tatlong linggo. Hindi ko halos alam kung paano lumipas ang mahigit dalawangpung araw sa buhay ko. Siguro ganun talaga kapag lutang ang iyong isip at laging wala ka sa sarili.

Sa unang pagkakataon sa nakalipas na tatlong linggo ay ginawa kong lumabas ng bahay at uminom. Halos magkabuhol-buhol ang dila ko sa pagpapaalam ko sa aking mga magulang para payagan nila ako lumabas.Pumunta ako sa isang bar sa Malolos sa Bulacan. Pinili ko ang bar na wala masyadong tao para makapag-relax ako, wala naman kasi ako sa mood na magsayaw at pumarty. Gusto ko lang uminom na mag-isa.

Ganito pala ang pakiramdam ng bigo sa pag-ibig habang tumatagal saka lalo mong nararamdaman ang sakit. Dahil parang ngayon pa lang nagsi-sink in sayo na wala na sayo ang taong mahal mo. Kabaligtaran sa paniwala ko na habang tunatagal dapat ay nababawasan ang sakit. Siguro hindi iyon applicable sa lahat ng tao.

Kahit ayaw ko man ay pilit bumabalik sa akin ang mga naganap na gusto ko na kalimutan. Ang mga kulitan at inuman session namin ni Renz. Ang mga paglalambing niya. Ang mga kalokohan na ginagawa namin noon. Ang madalas naming pag-aasaran. Sa tuwing naaalala ko ang mga ito ay di ko mapigilang mapangiti. Ngunit batid kong panandalian lamang ang mga ngiting iyon, dahil matapos ang mga masayang alaala ay kusang rerehistro sa isip ko ang mga sumunod na pangyayari.

Ang huling gabing pinagsaluhan namin. Ang pag-iyak ko habang nagtatalik kami. Ang mga tanong niya na nagpababa ng tingin ko sa aking sarili. Ang mga tingin niya na tila nandidiri sa akin. Ang pakiramdam na nawala sayo ang lahat. Ang isiping walang pinagkaiba ang tingin sa iyo ng taong mahal mo, na tulad ka lang ng ibang babae at lalaking minsan niyang nakatalik. Ang realisasyon na hanggang pangarap mo na lang siya.

Kapag dumating na sa sandaling ganito na ang mga alaalang lumilitaw sa aking isip ay kusa ring bumubukas ang dam ng luha sa aking mata. Kung ang puso ko ay pagod ng masaktan ang mata ko mukhang wala pang balak mapagod lumuha.

Tila nahihirapan ako sa paghinga kapag nararamdaman ko ang pagdating ng mga susunod pang eksena. Ang pagpapakilala niya ng taong pinili niyang maging karelasyon. Ang pakiramdam na isinampal sayo ang katotohanan na hindi ka bagay sa kanya dahil mas gusto niya ang taong sing kisig niya. Ang pait na kahit ilang buwan kayo nagsama at naging magkaibigan ay magagawa ka niyang saktan dahil sa taong kailan niya lang nakilala.

Lumagok ako ng alak mula sa aking baso habang hinahayaan ang mata ko sa gusto nitong gawin. Ngayong nahihirapan ako at nasasaktan, pag-iyak na lang ang kaya kong gawin at hindi ko na iyon ipagkakait pa sa aking sarili. Kaya hinayaan ko ang sarili ko na tumangis. Wala akong pakialam sa tinging ibinabato sa akin ng mga tao sa paligid ko.

Halos ganito ako sa nakalipas na tatlong linggo. Hindi ko alam kung paano ko kinaya pero heto ako at humihinga pa. Tanging paghinga na lamang ang naiwang tanda na ako ay buhay pa. Para akong zombie sa bahay namin. Magkukulong ako sa kwarto, lalabas lang kapag kailangan kumain, sasagot lang ng maikli kapag kinakausap. Halatang halata na wala ako sa sarili. Alam kong naaapektuhan ang mga tao sa paligid ko pero gustuhin ko mang magbago at mag-move on na ay hindi ko magawa. Marahil ay nasa stage pa ako na kailangan ko pa namnamin ang sakit bago hayaan ng tadhana na maging masaya uli ako.

Gusto ko na maging masaya, namimis ko na ang tumawa ng dahil masaya ka. Hindi yung dahil kailangan mo lang tumawa dahil iyon ang inaasahang reaksyon sayo ng mga tao sa paligid mo.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon