Chapter 3

8.4K 107 6
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 3]


By: Crayon


***Renz***


11:00 am, Sunday

March 13


Mag-isang oras na simula ng huling magreply si Kyle sakin ngunit hawak ko pa rin ang cellphone ko, umaasang magtitext siya bigla kahit na alam kong tulog na sya ng mga oras na to. Ayaw ko naman syang kulitin pa kasi alam kong susungitan niya lang ako lalo na't wala pa siyang tulog. Pasaway talaga ang isang yun kung kaninong lalaki na naman siguro sumama / kumama kagabe. Sayang lang talaga.


Napangiti ako bigla ng maalala ko kung pano kami naging magkaibigan ng gagong yun.



FLASHBACK



Nakagawian na namin ng mga barkada ko ang maginuman every third friday ng bawat buwan. Medyo malaki ang barkadahan namin. Nagsimula sa limang miyembro nung college hanggang sa dumami ng dumami dahil sa mga bagong taong aming nakikilala habang kami ay tumatanda. Yung iba hindi ko na naman din masyadong ka-close, nakakasama ko nga lang sa aming mga jamming sessions.


Hindi lingid sa grupo namin ang aking sekswalidad at hindi ko naman ito tinatago sa kanila. Nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake. Sa tangkad na 6'2, medyo maskuladong pangangatawan, at matikas na mga galaw di mo naman talaga mahahalata na ganito ang preference ko. Nakakasundo ko din naman kasi sila pagdating sa babae, nagkakagusto pa din naman kasi ako sa babae minsan kaya kasama nila ko minsan sa pangchi-chics nila. Isa pa, hindi lang naman ako ang ganito sa grupo. May mga katulad din akong kasali sa grupo. Wala namang kaso sa mga kaibigan ko basta wag ka lang gagawa ng mga bagay na ikasisira mo at rerespetuhin ka nila bilang tao at ituturing ka talaga bilang isang kaibigan.


Pangatlong friday ngayon ng buwan kaya inihanda ko na ang atay ko sa inuman naming magbarkada mamaya. Sa bahay ng kaibigan naming si MJ sa Shaw kami naginuman. Maraming pumunta ngayong araw sa aming inuman, para kaming frat na ewan. Duon kami sa may garden ng bahay naginuman para presko. May kalakihan naman ang garden nila MJ kaya naglagay na lang ng long table at ikutan ang tagay. Katulad ng dati puro tawanan, alaskahan, harutan, at kwentuhan ang ginawa namin habang nagiinuman.


Alas-10 na ng gabe, medyo may tama na ang iba ng alak dahil sa taas at bilis ng ginagawa nilang pagtagay. Di ko inaasahan na may hahabol pa kaming bisita ng ganung oras. Dumating si Aki. Hindi kami masyado magkadikit pero nagkakakwentuhan naman kami minsan. Masyado kasi seryoso ang isang to kaya parang ang hirap biruin. Isa siya sa masasabi mong medyo normal at tamed sa grupo. Titingnan mong gwapo at matipuno si Aki pero pareho kami ng preference, kung nagkataon nga na close kami e baka niligawan ko na sya e. Mukhang kakagaling lang ng mokong sa opisina dahil sa suot niyang long sleeves at slacks.


Naglakad siya palapit sa amin habang nakangiti na parang first time nakipagsex. Habang pinagmamasdan ko sya , Nagulat na lang ako ng may sumulpot na tabachoy mula sa likod niya. Hindi naman talaga tabachoy na matabang mataba, siguro chubby ang mas tamang itawag. Chinito ang features ng kasama ni Aki, maputi, sakto lang ang tangkad mga 5'6 cguro, matangos ang ilong, at mukang inosente sa mundo.


" Oy pare mukang naka-quota ka na ngayong gabe ah? " sigaw ng may-ari ng bahay na si MJ, halata na ang tama ng alak sa pagsasalita niya. " Nakailang rounds ka ba bago ka pumunta dito?"


Nagtawanan naman ang grupo sa birong yon ni MJ. Napansin ko ang biglang pagpula ng mukha ng kasama ni Aki. Mukhang virgin pa ata sabi ko lang sa isip ko. Tingin ko kasi medyo bata pa din naman sya at katulad ng una kong nasabi inosente ang dating.


" Tado ka talaga. Wala pa nga e, pwede ba makigamit ng kwarto para makapagsimula na kami?" ganting biro ni Aki.


Lalong lumakas ang tawanan ng grupo. Kasabay non ang lalong pamumula ng mukha ng kasama niya. At ngayon ko lang napansin na parang nakita ko na sya somewhere hindi ko lang matandaan.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Where stories live. Discover now