"Ay ang pait,"

"Feeling maganda..."

Kung ano ano na naman ang ibinulong nila na lalong nakakapagpakulo ng dugo ko.

"Ang baho..."

"Akala mo ba hindi kita masasakal?" nguso ko kay Andeng. Humalakhak naman agad si Chase bago biyakap muli ang kasintahan.

"Hayaan mo na si Bobbie at mukhang may pinagdadaanan,"

"Madaanan tayo ng puso niya, parang di mapakali,"

"Tapis dadaganan tayo kase ang bigat,"

Napuno na naman ng halakhalak  ang paligid. Mga punyeta na to, bakit ba ako ang nakikita?

Pero ganoon talaga siguro. Mga tunay na kaibigan mo lang ang mangwawalanghiya sayo ng harapan. Kaya lang minsan ang sarap talagang manabunot. O kaya naman ay mangurot. Yung sa bandang singit para dama.

"Ay ayan na si Ulap Bobbie o!"

Mabilis pa sa paghinga ni Kuya Ae ang naging paglingon ko pero ganun na lamang ang ngitngit ng tumawa silang lahat. Mga gago pinagtripan na naman ako. Wala naman kase si Ulap.

Napaungol ako. Bakit ba kase kao naniwala?

"Kunwari galit pero gustong makita. Itext na ba namin Barbara? Sabihin mo lang papalipadin namin si Ulap papaunta dito,"

"Isa!" binato ko ng ballpen si Kuya Julio. Ang pangit na niya sa paningin ko!


"Miss mo? Uy si Bobbie, dalaga na talaga,"

"Tigilan niyo sabi ako e," sinamaan mo sila ng tingin at bigla naman silang tumahimik. Ang ilan ay nagpipigil pa ng ngiti.

Tinignan ako ng marahan ni Kuya Ae

"Seryosong tanong, hindi mo gusto si Ulap?"

Napatigil ako sa kanyang naging tanong at biglang naoahawak sa dibdib dahil sa biglaang paglukso nito.

Wala naman akong gusto kay Ulap hindi ba? Para akong biglang napipi at hindi agad makasagot. Nasalubong ko ang naninimbang nilang mga tanaw, ang lakas ng tibok ng aking puso ay bumibingi na sa akin at nagpapawala sa aking katinuan.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako mabilis na magkagusto sa isang lalaki. Si Kuya Julio na crush ko ay simpleng paghanga lang naman at hindi ko ikakastress kung hindi ko siya makikita.

Si Ulap, nasanay na ako na nandyan siya.

"Hala, hindi siya sure..." bulong na naman ni Andeng. Punyeta talaga tong babae na to malapit ko ng maisumpa e.

"Hindi no! Nonsense lang kase yung tnaong niyo kaya hindi ako sumasagot! Bakit ako magkakagusto kay Ulap e ang weird weird niya!" pinagtaasan ako ng kilay ni Kuya Ae pero bago niya pa ako maloko ay samu't saring mura na ang nasabi ko sa utak ko. Kahit ako kase ay hindi ko alam kung pinapaniwala ko lamang ba ang sarili ko o ano.

"Ganoon ba?"

Bigla ang naging paglingon ko sa aking kanan ng may magsalita. Kahit siguro nakapikit ako ay makikilala ko ang boses niyang napakalalim. Tumambad sa akin ang perpekto niyang mukha. Isang ubo na lang yata ay magdidikit na ang aming mukha.

Umupo siya ng katulad ng kay Chase na paharap sa aking gilid kung kaya't halos makulong na ako sa kanyang mga hita habang ang kanyang mga kamay ay nakalatag sa upuan. Ang kanyang mukha ay nakayuko na sa akin. Ang kanyang pabango ay langhap na langhap ko na!

Ano ba ito at para na yata akong mababaliw! Pareho lang naman sana kami ng pabango.

Tila napako ako sa aking kinauupuan habang ang aking mukha ay nakaharap din sa kanya. Ang kanyang mga kilay ay salubong habang ang kanyang mukha ay blangko at wala man lang ekspresyon. Hindi ako sanay ng ganito!

Si Ulap, palagi lamang siyang nakangiti sa akin at kung magsusungit man siya ay pabiro lamang.

Napalunok ako sa biglaang pagwawala ng aking puso. Ang lakas ng kabog nito sa loob at animo'y gusto ng kumawala at tumakbo kung saan. Mapapatidan na yata ako ng hininga! Maging ang aking tiyan ay halos sumabog na dahil sa kung anong kumukulo sa loob nito. Kailangan ko na yatang magbanyo!

Napalunok ako.

Bago pa ako nakapagsalita ay halos tumindig ang aking balahibo ng may biglang magsalita sa aking likuran.

"Usod..." pabulong lamang iyon ngunit ang pwersang ginamit niya sa paghawi ng aking balikay ay ubod ng lakas at halos lumipad na ako sa mga braso ni Cloud.

Parang nag slowmo bigla ang lahat sa akng paligid. Kitang kita ko ang pagguhit ng gulat sa kanyang mukha habang dahan dahan akong nahuhulog sa kanya.

And something happened, something I never thought that will ever happen to me.

Our lips touched!

Nanlaki ang aking mga mata at ni hindi nakuhang gumalaw. Ang kanyang mga labi ay nakasayad sa akin at kahit hindi kami gumagalaw ay lasang lasa ko ang tamis na dulot noon.

Halos mabingi ang aking tengga. Dalawa na yata ang puso ko sa loob o baka naan pati bituka ko ay tumitibok na din?

I felt his hands wrapped around me to keep me from falling.


Ang init, para akong biglang pinagpawisan ngunit hindi ko pa din makuhang gumalaw. Ang aking utak ay huminto na yata at wala na akong maisip.


I was kissing him. Ang labi ko ang sumayad sa kanya. Sa sobrang gulo ng aking sistema ay halos hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa aming paligid.

Nasaan na nga ba kami?


"Itakbo mo na si Lantis, Keso!"

"Gago ka Lantis, sa bahay ka na lang muna!"

"Send mo sakin yung picture ha!"

"Takbo! Takbo!"


I didn't know why but at this moment, I didn't care about anything else. All I know is, something in me was strange at hindi ko mawari kung ano iyon.


Punyeta Bobbie, ano na bang nangyayari sayo?

CLOUD (P.S#2)Where stories live. Discover now