Nakakainis ang magpipinsan na ito. Alaga akong asarin nitong mga nakaraan.


"Ah...selos..." bulong ni Xantha na patango tango pa. Mga taksil! Dapat ako ang kinakampihan nila dahil babae ako. Sinimangutan ko si Xantha na nakuha pang mga peace sign. Nahawa na din sa kaabnormalan ng magpipinsan.

"Ah...LQ..."

Bago ko pa naaway si Andrea sa kanyang sinabi ay umawat na ang kanyang nobyo.

"Stop teasing her. Ang kapal ng hawak niyang libro. Kanina pa ako kinakabahan," natatawa niyang turan.

Isa pa ito. Kasalanan lahat ito ng kanyang kakambal!

"Tig isa kayong libro na magjowa kapag hindi niyo ako tinigilan!" pananakot ko sa kanila pero ang walangyang si Keso, mas lalo yatang lumawak ang pag ngisi.

"Huwag ka ng magalit, ikaw pa lang ang babaeng inuwi samin ng kambal ko,"

Nag init naman ang tengga ko sa kanyang sinabi.

"Hindi niya ako babae, tsaka bakit ako magagalit e? Picture picture pa sila e pareho naman silang pangit!" umuusok na ang ilong ko sa galit. Nanggigigil talaga ako. Ang walanghiyang si Ulap, tinotoo talaga ang sinabi at iniwan ako sa cafe. Magsama sila ng babae niya. Papahirapan ko talaga sa review namin!

Pumailanlang ang malakas na halakhak ni Kuya Aedree na akala mo nagbubura ng bintana. Nakakabwisit talaga.

Bumaling ako agad kay Xantha. Ang mga mata ko ay handa ng maglabas ng init at parang gusto kong tunawin ang magpipinsan dahil nauurat na talaga ako sa bunganga nila.

"Xantha awatin mo yan at baka magkabukol na sa akin yang si Kuya Ae," banta ko. Hindi naman natinag si Xantha at nag thumbs up pa na tila inuudyukan akong ituloy ang balak.

"Hoy ano, gusto mo akong masaktan?" dinakot ni Kuya Aedree ang maliit na mukha ni Xantha at parang may sariling mundo na naman sila na nagbabangayan. Ang sweet mga hayop.

Si kuya Julio lang yata ang maayos na nakarinig ng sinabi ko.

"Si Ulap may kadate? Akala ko ba review niyo kahapon?"

Nagdabog ako at dinampot ang aking libro.  Gusto ko talagang ibalibag ito at bahala na lang kung sino ang matamaan.

"Pero nagtext yun kahapon at hinahanap ka. Gago nga kala mo chain message ayaw tumigil,"


"Sa inyo din? Abnormal talaga,"

Napanguso ako bago bumulong, "May date ako,"

Napailing na lang ako ng maalala ang nangyari kahapon. Hinatid nga ako ni Erish sa dorm at hindi din kinaya ng aking konsensya ang aking ginawa. Sobra ko siyang natarayan kaya nag sorry din ako at nagpasalamat. Pwede naman kase akong magtaxi ngunit hindi siya pumayag. Nagpalitan na din kami ng number. Mabait naman pala siya dahil kung hindi, hindi ko alam kung paano niya nakayang tagalan ang panggigigil ko kahapon samantalang hindi naman kami lubusang magkakilala.

Hindi ko na napansin ang naging pagtahimik nila sa aking sinabi. Kung hindi pa bumulong si Ahyessa ay hindi ako matatauhan.

"Babae pala talaga siya, may kadate,"


Binato ko siya ng ballpen at ginantihan lang ako ng tawa. Kahit paano ay nakakabiruan ko na din nan siya. Pero swear, gusto ko na talagang manakal. Yung kilikili ko nga feeling ko galit na at lumalaban na sa digmaan.

"Ikaw pala ang may kadate pero makapanlait ka ng pangit iba din,"

"Huwag niyo akong kausapin. Wala ako sa mood," pagdadrama ko.

CLOUD (P.S#2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora