Chapter 11: First Day Pt. 2: Sarah's Class

30 13 2
                                    


Sarah's P.O.V

Nakarating ako sa room ko ng walang problema dahil may guide ako ngayon. Siyempre, I won't make the same mistake na walang guide dahil baka maligaw ako.

Pumasok ako sa room at nagulat ako saaking nakita. 

Yung lalaking nakabangga ko kanina. Nakita niya ako at ngumiti siya saakin at kumaway, kumaway ako pabalik at nginitian din siya. Ang sweet niya naman pala.

Nang pumasok ako umupo ako sa tabi niya dahil bakante ito. Hindi ko na ide-deny medyo namula ako habang papalapit sakanya.

"Hey, ikaw yung babae kanina. Hindi ko inexpect na nasa iisang room lang tayo at magkatabi pa." sabi niya saakin habang naka ngiti. 

"O-oo nga. Coincidental siguro. Teka nakita na kita noon...." nagtatakang sinabi ko.

"Nung orientation" nakangiting sinabi niya.

"Ah oo! nung orientation. Pasensiya na kung nakalimutan ko... Ako nga pala si Sarah, Sara Jean Lee." pagpapakilala ko sakanya.

Ngumiti siya. "Nice to meet you Sarah, I'm Jonathan, Jonathan Mendez" sabi niya habang naka ngiti parin saakin, ang cute niya naman....pero aral muna. 

"Sarah?" banggit niya at humarap naman ako sakanya.

"Ayy alam ko na, pwede ba kitang tawaging Jaycee? Weird pero tingin ko bagay saiyo, it means 'healer' at tinging ko, you will heal a lot of hearts with that smile of yours." sabi niya sabay ngiti niya saakin. J-Jaycee? maganda nga. Pero nakakahiya naman. Namula na ako, hindi ko alam kung napapansin niya pero sana hindi.

"S-s-sige" sabi ko naman habang sinusubukan kong itago ang namumula kong mukha. Pumayag ako dahil nakakahiyang tumanggi. Plus gusto ko din ang pangalan na yun, medyo nakakahiya lang sa part na siya nagbigay ng nickname ko iyon.  

"Sige, karaniwang tawag saakin ng mga kaibigan ko Nathan pero tawag mo nalang saakin Nate." sabi niya saakin. Teka, nakakahiya naman ata yun.....ahhh namumula na ako ng todo. 

"Sure ka ba?" tanong ko sakanya. Tumango lang siya sabay ngiti niya saakin. 

Habang naghihintay kami sa guro, nag-usap kami ni Nate at medyo naging komportable na ako sakanya. Maya-maya pa ay may isang lalaking pumasok sa room na naka sumbrero at naka mask, ano siya? Artista?

Umupo siya sa likod namin ni Nate at wow ang bango ng pabango niya. Amoy na amoy namin ni Nate ang pabango niya, as in, parang naligo siya ng pabango.

"Jaycee, kilala mo?" pabulong na tanong saakin ni Nate. 

Napatawa ako ng konti. "Nate, paano ko siya makikilala kung nakatakip yung mukha niya." sabi ko ng pamulong sakanya.

Natawa din siya. "Ay oo nga no, pasensiya na" pabulong niyang sinabi saakin at sabay kaming tumawa. Medyo may pagkasira din pala ng ulo itong si Nate.

Maya-maya pa ay dumating na ang guro namin, si Ma'am Klara Guintu. Nagsitayusan kaming lahat at nag-greet kay Ma'am Klara.

"Good Morning Ma'am" pag-greet namin kay Ma'am Klara. 

"Good morning everyone! Now please sit down." pag-greet din ni ma'am. 

"Now, bago tayo mag start, congratulations sainyong lahat dahil nakapasa kayo sa Yale University at section 1 pa kayo which means sa buong ICT division kayo ang pinakamataas na klase, so congratulations again." sabi ni Ma'am Klara at pumalakpak kami. 

"And to top it all off, tatlo ang nakaperfect sa klasi natin. But let's keep those people a secret for now. Ok class?" sabay kindat saamin ni ma'am. Kilala ko ata yung tatlong iyon, lalona't yung isa ay kinamumuhian ko pa.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now