Chapter 5: Result

44 21 8
                                    

Lily's P.O.V

Yes it's time! malapit na ang oras na hinihintay naming lahat mag a-announce na sila ng mga nakapasa.

Tumayo ako sa bench na kanina ko pa inuupuan at hinanap ang mga kaibigan ko. Nasaan kaya sila? sana hindi sila naliligaw...pero isa sa kanila na pinaka kakilala ko simula palang noong bata pa ako, isang lugar na pinaka gusto niya, ang garden ng YU.....at sa tatlo kong mga kaibigan isa lang sa mga yun ang may passion sa mga bulaklak......si Sarah.

Nakita ko si Sarah na nakahiga sa garden ng school at mukhang nakatulog na din siya.

Nilapitan ko siya at niyugyog. "Huy Sarah gising na, sasabihin na nila ang mga nakapasa sa test kanina" bulong ko sakanya at dumilat bigla si Sarah. "Huh....umm...good afternoon Lily bakit nandito ka?" inaantok na tanong niya saakin habang may dahon siya sa buhok. Aishhh ang cute ng babaeng ito.

"Hahaha bakit kaba natulog dito? tara na halika't mag-ayos ka muna dahil ang dami mong dahon sa buhok Sarah" sabi ko sakanya at hinila siya sa bench na malapit saamin at sinuklayan siya. "Maraming salamat ha, hindi ko kasi namalayan na naka tulog na ako" hingi niya ng paumanhin saakin at nakayuko, "Aishhh ikaw talaga....tara na baka malate tayo, sugurado ako nasa auditorium na sila Alex at Adrian" yaya ko sakanya at tumakbo kami papunta sa auditorium.

Alex's P.O.V

Where the hell are they?! kanina pa kami nag hihintay ni Adrian dito sa auditorium baka ma-miss nila yung announcement.

"Tawagin mo na kaya?" sabi ni Adrian habang umiinom ng Coke. "Huy! bawal pagkain dito!" sigaw ko sakanya at kinuha yung Coke. He's right....I'm worried, I should call them....don't get the wrong idea! I'm worried because....I'm their friend.

Lily: "Hello ohhh?"

Alex: "Where the hell are you?"

Lily: "Ohhh chill, papunta na po boss"

Alex: "Hurry up! Baka hindi niyo maabutan yung announcement"

Lily: "Opo boss copy, teka nasan ba kayo?"

Alex: "Nasa front row kami, nasa pinaka harap kami the stage"

Lily: "Ahhh ok, ok, copy boss papunta na po"

Alex: "Cge see you later"

Lily: "Geh bye"

I just hope hindi maligaw yung mga yun...

Lily's P.O.V

Alex: "Cge see you later"

Lily: "Geh bye"

Kakatawag lang ni Alex at mukhang tusta kami ni Sarah nito.

"Ayun!" sigaw ni Sarah habang tinuturo yung entrance sa auditorium. Agad kami pumasok at agad din naming hinanap sila Alex at Adrian.

Nakita namin sila sa unahan at agad kaming umupo sa upuang nireserba nila para saamin. "So where were you?" bulong niya saakin. "Ahhh....ehhh....". "Ano toh? ahh ehhh ihh ohh uhhh?" tisti niya saakin. 

"Eto nanga ehh, hinanap ko si Sarah tapos ano....medyo...ano..." paliwanag ko habang nakatingin sa mga nakakatakot niyang mga mata para akong papatayin pero dahil nakasalamin siya medyo bumawas ng konti.

"Ano? medyo naligaw kayo?" sabi niya sarcastically. Huminga ako ng malalim "Heh....pa-paano mo na-nalaman?" tanong ko habang kunwaring kong pinupunas ang salamin ko.

"Knowing you, kilala na kita, lagi naman ehh" sabi niya habang naka tingin lang ng diretsyo sa stage. Huwoooowwwww hiyang-hiya ako sa lalaking ito!!! "heh sir Alex, for your information pwit mong may lotion, hindi lang po ako ang laging LATE saatin mister at PASENSYA narin PO! kung ang KA-I-BIGAN NIYO! ay laging late" sarkastiko kong sinabing pabulong sakanya pero diretsyo parin ang tingin niya sa stage.

"Shhh manahimik ka nalang mag sisimula na" sabi niya saakin habang tinatakpan ng hintuturo niya ang bibig ko at medyo namula din naman ako ng konti. Aishhhhh!!! bakit ba ganon? ang pogi nitong kaibigan ko pero bakit ang sungit!!! ahhh!!!

Mayamaya pa at nag simula na ang announcements "Hello everyone! good evening! I'm sorry for your long wait but now we have the results of your test this after noon, we from the Yale University would like to say thank you for participating and trying our test and thank you for choosing our school, now then, shall we announce the students that passed our test?" sabi ng principal at sunud-sunod niyang binanggit at ang mga pangalang naka pasa sa test kaninang hapon.

"And for our fashion design division we have....Ellie Goodman, Merna De LaCruz, Violet Katie Miller, Sasha Long, Nina Faye Pineda, Zoey Catherine Smith.....etc." nanlaki ang mga mata naming apat nang marinig ang dalawang pangalan na nakapasa sa fashion design division.

What the hell? sila Violet at Zoey nakapasa sa test? this must be a dream no, this must be a nightmare....

"Huy na-naring niyo ba yun o talagang may sira lang ang pandinig ko?" tanong ko habang nakatingin sakanila. "Kung sira pandinig mo.....edi sira din pandinig namin kasi pati kami narinig din namin ehh..." sabi naman Adrian. 

"Paano nila nagawa yun? Kung natatandaan ko pa, lagi sila bagsak noon sa mga test natin noong junior high at lagi silang pinapatawag sa principal's office" pagtatakang sabi ni Alex.

 "Siyempre, tsk, Alex matanda kana ba? Diba nga, si little miss perfect Violet at little miss diva Zoey ay mayayaman? siyempre kung hindi binayaran yung principal, binantaan nila yung principal na ipapasara yung school pag hindi sila pumasa." sabi naman si Adrian kay Alex. 

"Alam ko yun no, at FYI Adrian hindi ako matanda" sabi naman ni Alex. Hay.... lagi nag-aaway ang dalawang ito. 

"Let's just hope na  wala dito yung They-who-must-not-be-named na grupo" sabi naman ni Sarah saamin at tumango lang kami at nakinig ulit sa principal na nag a-announce parin ng mga naka pasa sa test.

"For our engineering division.....". Tumingin kami agad kay Adrian at mukhang nakapikit siya at nag pre-pray, sana makapasa si Adrian kasi kung hindi magiging malungkot ang senior year namin.

"For our engineering division......I would like to honorably announce that one of our examiners got a perfect 100 over 100 score at our test but unfortunately he doesn't want his name to be announced and we respect his privacy but we want to congratulate him for having a perfect score......" wow sino kaya yung naka perfect score? ang talino siguro niya.

"Now then, we have....Mary Carli Ross, Rose Mary Brown, Zach De Guzman, Jack Robert, Ken Chan....." biglang nag stop yung principal....hindi pwede to...alam kong  hindi ganoon katalino si Adrian pero sure ako basic lang ang test nayun sakanya.

"Heh....well ganyan talaga ang buhay....siguro masmaganda siguro kung sa public schools nalang ako.....heh....sorry ha..." sabi niya saamin habang hinahawakan niya ang kanya ng leeg. "Wag mo nga sabihin yan! masyado naman yatang kaunti ang mga nakapasa kaya maghintay muna tayo." sabi ni Alex na mukhang dedicated siya na makapasa si Adrian.

"Sorry for the cut off, now then shall we continue?...ahem......Ken Chan, Sally Susan Moren, Adrian James Santos.......etc."  Nang marinig namin ang pangalan niya agad namin siyang niyakap at mukahang naiyak kaming apat na mag-kakaibigan.

"Ohh congratulations mokong ka! naka pasa ka sa pinaka tanyag na school dito sa Pinas!" sabi ni Alex kay Adrian habang yakap-yakap siya. "Haha maraming salamat sa suporta niyo at at maraming salamat rin kay Lord. Sure ako makakapasa rin naman kayong tatlo." sabi niya saamin habang nakangiti at unti-unting naluluha. 

 Ang saya namin para sakanya pero hindi pa ito tapos...kailangan pa namin malaman kung nakapasa kaming tatlo o hindi.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now