Chapter 8: Second Meeting

50 18 4
                                    

Lily's P.O.V

Nagising ako ng late ngayon dahil natulog ako ng late kagabi. Nag-unat ako at tumayo sa kama, 12:34p.m na pero mamaya pa kami aalis kasi sigurado tulog parin yung mga yun dahil late narin sila natulog.

Pumunta ako sa kusina at nakitang nag-luluto si mama. "Oh gising kana pala, halika't sabay na tayo kumain" pagyaya saakin ni mama habang nag hapag ng pagkain sa lamesa. Tumango nalang ako dahil medyo half-asleep pa ako at umupo. Shanghai ang ulam namin, paborito ko! At siyempre hindi kumpleto ang tanghalian kapag walang coke.

Kumain kaming dalawa ni mama at hinugas ko ang mga plato namin. Maliligo na sana ako dahil aalis kami ngayon pero biglang tumunog ang cellphone ko, may nag-test, si Adrian.

~~~~~Aj (Adrian James)~~~~~

"Yoww, Lily saan tayo pupunta at bakit aalis nanaman tayo? wala ba tayong break? inaantok pa ako eh." - Aj 

"Ayy pareho lang tayo ng nararamdaman, inaantok. Atsaka malay ko, saakin mo tinatatong, bakit hindi nalang si Alex tanungin mo."- You

"M'lady, kakatanong ko lang po at ang sagot niya saakin ay magtanong saiyo."- Aj 

"Hayyy nako, hindi ko alam kung saan tayo pupunta pero ang alam ko lang ay mamimili tayo ng gamit para sa pasukan."- You

"Ano!? Bakit naman? Private school ang Yale diba? Ano ang bibilhin natin? Diba mag pro-provide na sila ng mga textbooks, notebooks at uniform?"- Aj

"Chill your horses Aj, isa-isang tanong lang pwede? Mamimili tayo ng gamit kasi nakalagay doon sa binigay na papel saating mga nakapasa na kailangan nating bumili ng mga extra na gamit katulad ng mga stationary, folders para sa portfolio natin at yung mga pinapadala saatin based sa degree na kinukuha natin, diba mayroon karing ganoon?"- You

"Oo mayroon din, pero ang dami ng akin ehh".- Aj

"Oo marami din akin, may specific kasi silang pinapadala saatin based sa degree natin. At oo private school ang Yale, yung mga bibilhin natin yun nga katulad ng sinend ko kanina, folders sa portfolio, stationary at specific na gamit na pinapadala saatin based sa degree natin at siyempre kailangan ng laptops or tablets para sa homeroom activities natin....basta, at oo mag pro-provide sila ng uniform, at textbooks pero siyempre kailangan bayaran pero its up to you kung gusto mong bumili ng textbooks at sure naman ako kailangan mo iyon, para sa uniform naman bibigyan yata tayo pero kailangan bayaran ang tela at yung patch pero sila, ang school, na ang magtatahe at yun lang sangayon ang alam ko."- You

"Dami mong sinabi at ang bagal mo ring mag-type".- Aj

"Ang dami mo kayang tinanong at excuse you, hiyang hiya naman ako saiyo "- You

"Oo na geh kita-kita mamaya."- Aj

~~~~Text Message End ~~~~

Hayyyy siya nagrereklamo pero siya itong nagtatanong, nakakainis talaga siya paminsan pero ano magagawa ko? at the end of the day naman sasagutin ko parin lahat ng mga tanong niya....hay...ang bait ko talaga....joke! pero at least kahit kaunti.

Naligo ako at nagbihis ng mabilis at pumunta sa sa kusina para mag-paalam kay mama na aalis ako, "Mama alis na ako!" sigaw ko tumakbo papalabas ng bahay, "Ingat ka Lily! At wag kauuwi ng late!!"


Alex's P.O.V

Nakaupo kami sa harap ng cafe habang hinihintay si Lily as usual siya lagi ang nahuhuli saaming apat.

Ilang minuto pa at nakita ko si Lily na tumatakbo habang kumakaway. "Oh bakit---" napatigil ako nang takpan niya ang bibig ko. "Bakit late ako? Kase may isang taong nag-tanong ng marami at siyempre kailangan ko siyang sagutin kaya late na akong nakaligo. Diba?" sabi niya habang nakatingin kay Adrian pero ngumiti lang si Adrian at nag-peace sign, parang alam ko na ang nangyari dito.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now