Kabanata 19

3.3K 78 25
                                    

This is it. Eto na ang pinakahihintay kong araw, ang araw na kung saan magkikita na kami ni Kent. Makikilala pa din kaya niya ako? The reason why I came here ay para ipagpatuloy ang iniwan kong laban, am not going to fight for Kent, ipaglalaban at ipaghihiganti ko ang pagkawala ng anghel ko. Silang lahat, pagbabayarin ko sila. Wala akong sasantuhin, ipaparamdam ko kay Kent ang sakit, mas sobra pa sa sakit na naramdaman ko. Sa kanilang dalawa ni Elisa.

“Let us all welcome, Mr. Kent Fuentebella” kasalukuyan akong nasa dressing room at kitang kita ko mula rito ang lahat ng nangyayari. What’s the use of the CCTV eh? Una munang pagsasalitain ko si Kent bago ako lumabas. Para abracadabra, surprise.

Maraming pagbabago ang nangyari kay kent sa loob ng walong taon. Mas  naging matipuno siya at mas erm-gumwapo. Hindi na siya gaya dati na lampayatot ngayon kitang kita na nag g-gym na siya, mas lalo siyang tumangkad. At ang mga labi niya mas—aish. What the fuck.

“Ms. Isabel. 5 minutes more at lalabas ka na po” one of the staff told me. Bilang sagot tinanguan ko siya. “Are you alright? Kaya mo nab a talagang harapin siya? Isa, ang gwapo pala ng ex-hubby mo” tumatawang sabi ni Natasha sa akin at dahil dun binigyan ko siya ng isang pamatay na tingin. “Aanhin mo ang gwapo kung demonyo naman. Kung mamamatay tao naman”

 

“Hindi pa tao yun ah, fetus pa yun. Mamamatay fetus” nakapaghirit pa talaga siya sa akin ah. Humanda ka sa akin mamaya Natasha. “Goodluck Isabel. Nandito lang kami” saad ni Tito will at niyakap niya ako.

“Fella’s. Let us all welcome, One of the sexiest and beautiful actress, Ms. Isabel” parang slow motion ang pagtawag sa pangalan ko. Dahan dahan akong naglakad, damang dama ko ang kaba sa puso ko, nanginginig ako dahil sa galit, akala ko—kapag nakita ko siya lalambot ako, pero hindi pala, ang akalang pagmamahal ko ay napalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam. Inhale Exhale sabi ko sa isipan ko. I need to relax dapat hindi ako magpaapekto. Papalapit na ako at sa paglingon ni Kent kitang kita ko ang pagkagulat…

At mas lalong nagulat ang lahat sa pagtayo ni Kent, parang slow motion ang lahat ng pangyayari, papalapit na ako at si kent si kent papalapit din siya sa akin, nang magtapat na kami kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pananabik at pagsisisi. Luha may mga luhang umaagos sa kanyang napakakinis na mukha. “Phoebe?”mahinang usal ni kent na naging dahilan upang mawindang ang lahat ng tao sa loob ng function hall.

What am I going to do? Nakilala niya ako.

Secretly Married: MISERYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang