Kabanata 8

6.2K 71 16
                                    

Kabanata VIII

-Lae-

Tatlong araw na ang nakalipas ng matapos ang meeting si Phoebe naman ay lagi na lang natutula at kung hindi naman ay tutulo na lang ang kanyang luha. Hindi ko talaga maintindihan. Sa inaakto ni phoebe matapos ang meeting na yun ay nag-iba siya ayaw niya na kaming kausapin. Galit. Poot. Yan ang nakikita ko sa mga mata ni Phoebe napakamiserable ng buhay hindi ko naman maintindihan kung bakit. May kinalaman ba ito sa pelikulang kanyang gagawin? o dun sa aktor na yun?

Nasa condo ako nina Isabel at Natasha. Dahil ayun kay natasha hindi daw kumakain si Isabel lagi na lang daw itong nakakulong sa kwarto ang weird niya daw. Tas bigla bigla na lang daw itong iiyak. Na para bang may masakit itong nakaraan? Sabi naman ni natasha kanina pa niya kinukulit si Phoebe kung bakit ito nagkakaganyan.

Tinatawagan na din kami ni Mr. Gregor para malaman niya ang sagot ni Phoebe pero wala naman kaming makuha na sagot mula kay Phoebe dahil madalas kapag tinatanong namin ito binibigyan niya kami ng masamang tingin o di naman kaya ay tutulo ang luha nito. Minsan narinig daw ito ni Natasha na nagsasalita habang natutulog

“Baby sorry ha? na-nawala ka dahil sa daddy mong walang kwenta” sabi ni Phoebe habang natutulog. Hindi ako naniniwala kay natasha nun pero nung ako na mismo ang nakarinig. Naniwala na ako. Nung tignan ko ang playboy magazine ay wala naman itong stretch mark. Siguro ay nalaglag? Hindi ko talaga alam. Kating kati na akong tanungin si Phoebe pero umuurong ang dila ko. Naawa ako kay Phoebe ng tignan ko siya.

Niyaya nanamin siyang magbar pero hindi siya sumasama. Kaya hindi narin kami tumutuloy sa pagpunta sa bar. Baka maisipan nitong magpakamatay. Joke. Sabi naman ni papa hayaan na lang daw muna namin siya bigyan namin siya ng space dahil may matindi itong pinagdadaanan tinatanong ko nga si papa kung ano yun pero hindi niya ako sinasagot bagkus sinabihan niya lang ako na huwag ko daw iiwan si Phoebe.

-Phoebe-

Ang sakit sakit. Naalala ko nanaman ang hirap na pinagdaanan ko sa pilipinas ang pagiging tanga ko, ang pagiging engot ko, naalala ko ang pagkawala ng anak ko. Naalala ko ang panglolokong ginawa sa akin ni Kent. Andito pa rin yung sakit. Bakit ako pinaparusahan ng ganito ng panginoon? Naging mabuti naman ako ah.

Tatlong araw na din akong hindi nakikipag-usap  kina natasha at lae. Alam kong nagaalala na sila pero hindi ko pa din kaya, parang mamatay ako sa sakit. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganon ang pelikulang aking pagbibidahan? May nakaka-alam ba? Tinawagan ko kahapon si Tito Will pero maging siya ay walang ka-alam alam siya lang ang sinabihan ko tungkol sa totoong nangyari sa akin at kung bakit ako napadpad sa Italy. Alam niya ang lahat.

Secretly Married: MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon