Kabanata 12

5.3K 97 46
                                    

Kinabukasan na unang nagising si Isabel at nagulat siya ng makita niya ang iPhone na nagrerecord pa din ito hanggang ngayon. Itinigil niya ang pag record ng iPhone niya balak sana niya itong tignan. Napagdesisyunan na lamang ng dalaga na mamaya na lang siguro. Sabay sabay nila itong papanuorin.

Bumaba na siya sa hagdan at nakita niya ang mga katulong nina Tito will na nagmamadali sa paghanda ng almusal dahil gigising na daw ang senyorito. Nakakapagtataka na ang halos yaya dito ay pilipina. Nang tinignan ko ang malaking wall clock nagulat ako na alas singko pa pala ng umaga.

“Good Morning ma’am” bati sa akin ng isa sa mga katulong nila

“Hmm? Are you a filipina?” tanong ko dito? kasi sa features nito pilipinang pilipina eh

 

“Ay, Yis ma’am! I am pinay” proud na proud niyang sabi. Nakakatuwa naman

“Wah. Manang. Pinay din po ako” sabi ko sa kanya. Natutuwa ako kapag may nakikita akong mga pinay na nagt-trabaho sa italy

“Ala eh? Seryoso ho mam? Pinay ka po? Ang ganda niyo naman pong pinay” nagulat ako sa sinabi niya so mga panget ang pinay?

“Bakit manang? hindi naman panget ang pinay eh.” sabi ko ng nakanguso

“Hindi ho yun ang ibig kong sabihin mam. Magaganda tayong mga pinay aba! exotic ang beauty natin. Hehehe. Ang ibig ko hong sabihin hindi ka ho mukhang pinay, para ka hong koreana? na may dugong italyana!” nakangising sabi ni manang. Nakakatuwa si Manang ano ngang pangalan nito

“Manang ano hong pangalan mo?” tanong ko kay manang siguro siya na lang ang kukunin kong taga paglinis ng condo ko. Parang part time lang para naman may extra income si Manang, papayag naman siguro si Tito Will.

 

“Ako si Manang Lina, iha diba ikaw si Isabel?” ang bait bait ni manang ngayon lang kami nakapag usap pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya.

“Opo manang lina, ako si Isabel.”

“Kay gandang bata mo talaga. Ngayon lang kita nakausap at nakita ng malapitan hindi maipagkakaila na napakasikat mo. Ang ganda ganda mo” nakakataba naman ng puso na pinupuro ka ng kapwa pilipina.

 

“Ilang taon na ho kayong nagt-trabaho dito?” tanong ko kay Manang Lina.

“Baby pa lang si Mam Lae nagt-trabaho na ako dito. 24 years na ako dito” proud na proud na sabi ni Manang Lina pero nung titigan ko siya ay may halong lungkot ang kanyang mga mata. Nagtatanong ang aking mga mata na bakit-ho-manang-look.

“Buti pa si Mam lae nasubaybayan ko ang kanyang pag-laki pero ang sarili kong anak hindi ko man lang nasubaybayan. Magkasing-edad lang sila ni Mam Lae. Naku hija kung makikita ka lang siguro ng anak ko siguradong papalitan na niya yung ini-idolo niyang artista sa pilipinas..” napantig ang aking tenga sa huling sinabi ni Manang Lina gusto kong malaman kong sino iyon

“Sino ho manang?” tanong ko kay manang lina.

“Si Elena? ay hindi eh..Eh..basta nagsisimula yun sa letrang Eh” napakamot na lamang ng kanyang batok si Manang Lina. Nagiisip pa din si Manang lina nagulat na lamang ako ng sumigaw ito at sinabi na...

“Ay hija! si Elisa! Hindi ko lang alam ang kanyang apelyido basta Elisa yun eh. Tsaka yung madalas na ipartner sa kanya si..si Kent! oo Kent Fuentebella. Napakagwapong bata nun nakita ko na iyon nung umuwi kami ng pilipinas gusto kasi ng anak ko na makita...bla bla bla blah “ Nang marinig ko ang pangalan niya tumigil ang mundo ko. Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko napuno  na naman ng puot ang puso. Naalala ko na naman.  Pinuri ng pinuri ni manang lina ang hayop. Naiiyak ako dahil sa inis, naalala ko na naman ang anak ko at ang kahayopan na ginawa nila ni Elisa. Magkaloveteam pa din pala ang mga hayop? Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay nagpaaalam na ako kay manang at napagdesisyunan ko na lamang ang bumalik sa kwarto ni Lae. Nagulat na lamang ako ng makasalubong ko si Tito Will, kakagising niya lang siguro

“Isabel? Iha? Ayos ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Tito Will. Pano ba naman tumulo ang mga traydor kong luha

“Naalala ko lang po” sabi ko kay Tito Will. Alam naman niya ang ibig kong sabihin nagulat siya at napatango na lamang ito. Nang makarating na ako sa kwarto ni Lae nakita ko ang dalawa na nakahiga pa din. Pinigilan ko ang humagulhol. Shit. Bakit ganito? Fuck. Bakit nasasaktan ako ng marinig ko galing kay manang na hanggang ngayon ay magkasama pa din sila.

 

Sila na ba? Pinagpalit na ba talaga niya ako? Akala ko ba mahal niya ako? Naghalohalo ang aking emosyon sakit, galit, at poot. Pero ako din naman ang may kasalanan hindi ba? Humingi siya ng tawad pero hindi ko siya pinatawad! Pero ng dahil sa kanila namatay ang anak ko! anak namin!

Sinabunotan ko ang sarili kong buhok at humagulhol na ako sa pag-iyak. And eveything went black....

REVISED

Secretly Married: MISERYWhere stories live. Discover now