Kabanata 18

2.4K 40 0
                                    

“I’m Done” mahinang usal ko sa mga taong kaharap ko ngayon na kasalukuyang nagiimpake at itinigil ang ginagawa nilang ito upang bigyan ako ng isang malungkot na sulyap. Kakadating ko lang mula sa lahat ng mga guestings ko telling na mawawala muna ako panandalian, sa mga photoshoots and all.

“Are you alright?” malungkot at may halong pagaalalang tanong sa akin ni Lae. Hindi ko na siya sinagot. Kasi kitang kita naman eh na hindi ako okay. Nang pumasok ako sa kwarto ko nagulat ako kasi nakaimpake na ang iilan sa mga gamit ko. “Inimpake na namin ang mga gamit mo kasi baka bumaha ng luha eh” natatawang sabi ni tasha. Walang hiyang babae talaga to. At binato ko sa kanya ang unan na hawak hawak ko.

Bukas ng umaga aalis na kami papuntang pilipinas. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe marahil ay madali lang kaming makakarating sa Pilipinas dahil mag p-private jet naman kami. Hindi din kami sa Manila pupunta, kundi sa Mindanao ata. Sa Cagayan de Oro? Kung sa manila kasi kami panigurado maraming mga media ang sasalubong o makaalam na dumating na ako. Hindi pa kasi naming pinapaalam maging dito sa Italy na sa Pilipinas ang destinasyon namin.

Napagdesisyunan din nila na sa Cagayan na lang kami magpapressconference para hindi madaming tao.  Nung sinearch ko din ang Cagayan de Oro, maganda ito. Parang pinaghating syudad at baryo ang Cagayan de Oro. Madaming mga malalaking buildings pero marami ding mga kakahuyan at masarap daw ang hangin dito. Alas sais ng umaga dito sa Italy kami aalis hindi ko alam kung anong oras kami makakarating sa Cagayan. Sa Lux Hotel kami mag s-stay at dun na din daw gaganapin ang pressconference.

“Isa?” tawag sa akin ni Lae hinarap ko naman siya sabay tanong kung may kailangan ba siya. “Always remember na andito lang kami. Susuportahan ka naming. No matter what happens we are always here” she said na naging dahilan ng pagtulo ng mga traydor kong luha. I’m so damn lucky to have them.  Kung sana mas nauna ko silang nakilala, masasaktan kaya ako ng ganito? Kung hindi si Kent ang minahal ko masasaktan kaya ako? Kung hindi ako ipinakasal sa kanya ng ganun ka aga masasaktan kaya ako? Mawawalan kaya ako ng anak?

Nang ipikit ko ang aking mga mata. Bumabalik lahat ng alaalang pilit kong ibinabaon sa limot. Mula sa pagkawala ng anak ko, sa panloloko ni Kent at Elisa sa akin.Kung kailan naging bato na ang puso ko saka ko pa narinig mula kay kent ang mga salitang nais kong marinig mula sa kanya, ang sabihan niya ako ng Mahal Kita. Na hindi niya ako ikinakahiya, na hindi niya ako itinatago sa iba dahil natatakot siyang maging dahilan ako upang masira ang career niya dahil sa may asawa siyang panget at engot.

Kung dati ba naging si Isabel na ako at naging sikat na ako. Mamahalin na niya kaya ako? Ikakahiya niya pa din ba ako? Pero diba maganda na ako, sikat na ako.

Secretly Married: MISERYWhere stories live. Discover now