Kabanata 14

4.4K 78 24
                                    

“DADDDDDDDYYYYYY! NATASHAAAAAAAAA!” Nayanig ang buong mansyon sa sigaw ni Lae. Nagulat naman ang daddy ni Lae sa kanyang pag-sigaw at dali daling pinuntahan ang anak sa kwarto nito habang si Natasha naman ay naalimpungatan sa sigaw ng kaibigan

“What the fuck Lae?” galit na utas ni Natasha

“Ta-tasha *sobs* Isabel--Isabel” hindi maintindihan ni Natasha ang sinabi ni Lae kaya pinuntahan niya ito at nung makita niya ang kaibigan agad niya itong linapitan at niyakap. Hindi makagalaw si Lae. May trauma si Lae sa dugo, she hate blood. Kaya nung makita niya si Isabel na naliligo sa sarili nitong dugo hindi niya ito magawang lapitan dahil natatakot siya. Dumating naman ang ama ni Lae na hingal na hingal ng makita niya ang nakabulagtang katawan ni Phoebe agad agad niya itong binuhat at pumunta diretso sa garahe.

Hanggang ngayon nanginginig pa din sa takot si Lae. Hindi niya maintindihan kong ano ang nangyari sa kanyang kaibigan. Bumabalik ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan. Nasa sasakyan silang dalawa ni Natasha. Si natasha ang nagmamaneho dahil klarong klaro na wala pa ito sa katinuan.

Walang nakaka-alam sa trauma ni Lae sa dugo.

“Blood..Blood..Blood” paulit ulit na sambit ni Lae. Paulit ulit na sinasabi ni Lae ang salitang blood habang umiiyak. At sasabunutan ang kanyang sarili. Inihinto naman ni Natasha ang sasakyan sa gilid ng highway at niyakap si Lae. Hindi niya alam kong ano ang nangyayari sa dalaga pero alam niya na kailangan siya ni Lae ngayon.

 

“Shhh. Lae. Calm your self. Everything’s gonna be alright.” pagpapatahan ni Natasha sa kaibigan. Nang medyo kumalma na si Lae ipinagpatuloy na ni Natasha ang pagmamaneho patungo sa hospital na pinagdalhan kay Isabel.

Ilang sandali nakarating na sila at ng lingunin ni Natasha ang kaibigan Natutulog na ito, Takot pala sa dugo itong si Lae sabi ni natasha sa kanyang isipan. Iniwan na lamang niya ang kaibigan at pumunta agad sa nurse station. Tinanong ko kung asan si Isabel kilala naman siya ng lahat eh.

“Na-natasha Polghmier?” lecheng nurse naman to eh. Nakalimutan ko pala ang mag disguise. Aish. Kitang kita ko ang pagkamangha ng nurse at ngumiti na lamang ako ng pilit. Nagmamadali ang tao pero ang tagal niyang sumagot. Nang makarecover ito sa pagkamangha sa akin,  sinabi niya nasa operating room pa daw ito, operating? hindi ko maintindihan. May sakit ba ito? habang nililibot ko ang aking paningin nakita ko agad si Tito Will na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

“Tito ano po ba ang nangyari?” tanong ko kay Tito will. At nagulat na lamang ako ng ilang sandali dumadami ang mga media at reporter. Tinawagan na ni tito ang kanyang mga BG at ang mga Guard dito sa hospital upang palabasin ang reporter. Tinatanong naman ako ng mga reporters sa kung ano ba ang nangyari pero hindi ako nagsasalita. Ang dali dali namang kumalat ng balita. Yan ang hirap sa pagiging artista eh.

Mahigit isang oras na kaming naghihintay. Wala pa din kaming balita sa kung ano ang nangyari kay Isabel. Bumalik  ako sa sasakyan upang gisingin sana si Lae. Bago pa ako makarating sa parking lot nakita ko na si Lae pababa ng sasakyan. Kumaway ako sa kanya at nakita ko naman siyang ngumiti at ang kanyang mga mata ay nagtataka.

“Bakit nandito tayo sa hospital? Anong nangyari? nakatulog pala ako” sabi ni Lae habang naguunat at parang walang nangyari. Nagulat naman ako sa inakto nito. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Pero baka magalit ito sa akin iba pa naman ito magalit kaya napagdesisyunan ko na lamang na sabihin sa kanya ang nangyari. Kitang kita ko naman sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala. Nang matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari hindi na siya muling kumibo parang wala ako sa tabi niya. Parang siya lang mag-isa.

Nakarating na kami sa pinakamalapit na convenience store. Wala pa kasing laman ang tiyan ko. Gutom na gutom ako at alam kong ganun din si Lae. Hindi ko naman maiwasan ang hindi magtaka kung bakit nakahandusay si Isabel dun at naliligo ng sarili niyang dugo. Nagtangka ba itong magpakamatay? Pero alam niyang hindi ganun ka kitid ang utak ng kaibigan niya upang gawin iyon.

Napabuntong hininga na lamang siya at muling nagmaneho pabalik sa hospital. Niyaya naman niya si Lae na kumain ngunit tinanggihan lamang siya ng dalaga. Na hanggang ngayon ay malalim pa rin ang iniisip at nababagabag ang kalooban nito sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan na si Isabel.

REVISED

Secretly Married: MISERYWhere stories live. Discover now