Kabanata 9

5.7K 80 17
                                    

Kabanata VIIII

“Nang dahil sa kanila na-nawala ang anak” humahagulhol na sabi ni Isabel. Niyakap naman siya ni Natasha at Lae. Hindi akalain ng dalawang dalaga na may anak na sana ito. Awa. Ang kanilang nararamdamang dalawa napasakit at hirap pala ng pinagdanaanan ng dalaga. Galit. Ang kanila namang nararamdaman kay Kent kahit hindi pa nila ito nakikita at ayaw man nila itong husgahan pero sa nakikita nila kay Isabel nasasaktan sila at naawa para sa kanilang kaibigan.

Nakatulog si Isabel ng dahil sa kaiiyak. Habang kinakausap ni Lae ang kanyang ama hindi niya maiwasan ang hindi maiyak habang sinasabi na alam na niya ang nakaraan ni Isabel na pilit nitong kinakalimutan

 

“Nasabi na pala sayo ni Phoebe” malamig na pagkakasabi ng ama ni Lae

 

“Y-yes dad *sobs*”

 

“Ngayon naiintindihan mo na siya? Huwag mong ipakita sa kanya na naawa kayo sa kanya dahil ayaw na ayaw niya ng kinakaawaan siya. Ayaw na niyang mangyari sa kaniya ang nangyari dati. Ayaw niyang kinakawaan siya. Ayaw niyang maghintay. Ayaw niyang magpakabobo. Ayaw niyang magpakatanga. Dahil ganyan siya dati. Kaya Lae, kahit ano man ang mangyari kay Phoebe huwag na huwag mo siyang iiwan. Nagsisimula pa lang” hindi naiintindihan ni Lae ang huling sinabi ng kanyang ama pero iisa lang ang kanyang naiintindihan hindi niya iiwan si Phoebe kahit ano man ang mangyari.

“O-okay dad” pilit na pinapakalma ni Lae ang kanyang sarili ng lingunin niya ang couch na kung saan natutulog si Isabel, nakita niya ang pagyakap ni Sophia kay Isabel. Mas lalo siyang napahugulhol sa iyak.

Pinatay na ni Lae ang kanyang cellphone at agad na lumapit sa dalawang dalaga. Niyakap niya si Natasha at Isabel. Kahit ganyan si Isabel alam kong mahalaga kami sa kanya. Naalala ko pa ang una naming pagtatagpo ang swerte ko kasi naging malapit kami sa isa’t isa alam ko na hindi niya ako itinuturing na manager dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na isa akong manager. Napakabait na kaibigan ni Isabel kahit na madalas ay cold siya sa amin naiintindihan ko na kung bakit siya ganun marahil na rin sa naaalala niya ang kanyang malupit na nakaraan.

Naghanda si Lae ng kanilang kakainin dahil malapit na ang lunch. Kumuha siya ng isang loaf bread at kung ano ano para gumawa ng isang sandwich. Hindi sila masyadong kumakain ng kanin nakasanayan na kasi nila ang ganito. Pero kung si Isabel ang tatanungin mas pipiliin pa nito ang mag-saing ng kanin kesa sa magdiet diet.

Tatlong oras ng natutulog sina Isabel at Natasha. Nang dahil sa kakaiyak nakatulog si Natasha. At tatlong mahahabang oras na ding nakatulala si Lae at inuulit ang mga ikinwento ni phoebz.

“Si Kent Fuentebella. S-siya ang lalakeng minahal ko pero pinaasa lang ako! Sabihin nating minahal niya na nga ako, pero huli na ang lahat. Huli na”

 

“Nang dahil sa kanila na-nawala ang anak”

“Labing anim na taong gulang pa lamang ako nun ikinasal na ako”

 

“Kinakahiya niya ako eh. Kinakahiya niya si Panget na phoebe, Engot na phoebe, tanga ng phoebe! Nung nawala ang anak ko napagdesisyunan kong dapat ko ng tigilan ang kahibangan ko. Alam kong kahit kailan hindi niya ako mamahalin.”

 

Hindi ko akalain  na ang babaeng kagaya ni Isabel ay may ganun kalupit na nakaraan. Ang hindi ko inaasahan ay dapat may anak na pala itong babaeng to pero bakit ganun ang sexy sexy nito. Gosh. Sa totoo lang nakaka insecure ang kasexyhan ni Isabel. Nakaka intimidate ang kanyang aura. Yay! Pero may parte din sa akin ang nagpapasalamat na ganun ang nangyari sa kanya dahil kung hindi iyon nangyari hindi siya makikilala ni papa, namin at ng buong italy.

Balang araw pagbabayarin natin ang may gawa sayo niyang phoebz. Sabi ni lae sa kanyang isipan. At hindi namalayang nakatulog na pala ito sa lamesa.

---

Isang linggo na ang nakalipas matapos sabihin ni Isabel ang lahat. Madami ang nagbago mas lalong naging understanding sina Lae at Natasha. Yun ang dahilan kung bakit naiirita siya dahil ayaw niya ng kinakaawaan siya at sa ipinapakita ni Natasha alam niyang kinakaawaan siya nito.

“Pwede ba kayong dalawa ayokong kinakaawaan ako! Kaya ayaw kong sabihin ang nakaraan ko eh. Pwede bang bumalik kayo sa dati? Na naiirita sa akin? kasi ang cold ko! Fuck. I hate this. Please ayoko ng kinakaawaan ako” nangingilid na ang luha ni Isabel at nagulat naman ang kanyang dalawang kaibigan. Hindi nila lubusang akalain na naiinis na pala sa kanila si Isabel.

“Sorry, Phoebz” sabay na pagkakasabi ni Natasha at Lae. Niyakap nila si Isabel.

 

“Phoebz tumawag pala si Mr. Gregor sa akin kahapon at kailangan na daw niya ang sagot mo within this week” saad ni Lae. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

 

“Tell him. Pipirma ako at gagawin ko ang pelikulang iyon. But I want a lil bit changes.” makahulugan kong sabi kay Lae at binigyan ko siya ng kaya-ko-ito-loo. It’s just a piece of shit.

Napailing na lamang si Lae at binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti.

Malapit ko ng simulan ang aking paghihiganti, Kent. Malapit na. Malapit na din ang aking pagbabalik.

REVISED

Secretly Married: MISERYDär berättelser lever. Upptäck nu