Chapter 10

10.8K 428 6
                                    

MALUNGKOT na napangiti si Marquine habang tinitingala ang gusali ng HFV Robotic Company. Iyon ang huling araw niya sa kumpanya. At katatapos lang ng buong maghapon niya.

Sa loob ng dalawang buwan ay marami rin siyang natutuhan lalo na at maaari niya iyong magamit sa kanyang kurso. Nagbuluntaryo pa kanina si Ma'am De Guzman na doon na rin siya mag-apply kapag mag-o-OJT na siya. Bagay na hindi niya tinanggihan. Masaya siya na maging parte ng kumpanya.

"Gaano ka pa katagal na tatayo lang dito habang nakatingala sa building na 'yan?"

Ganoon na lang ang pagbaling ni Marquine sa bandang kaliwa niya nang marinig ang boses na iyon. Hayon na naman ang pasaway na tibok ng kanyang puso nang masilayan ang guwapong mukha ni Markian. Ngumiti pa ito sa kanya bagay na gusto niyang ikanganga kung hindi lang niya mabilis na napigilan ang sarili. Napaka-guwapo nitong lalo dahil sa ngiting iyon na unang beses niyang nakita rito.

Buong linggo niya itong hindi nakita. Simula rin noong pumasok siya noong araw ng Lunes sa kumpanya ay walang bakas nina LJ, Hannielyn, Mary Jhoy at Flynn. At sigurado siya na may kinalaman doon si Markian. Bagay na lihim niyang ipinagpasalamat na hindi niya makita ang apat dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at makagawa siya ng eskandalo sa department nila.

"Ma-mi-miss ko lang itong building ninyo," aniya na nagbawi na ng tingin. Inayos niya ang pagkakahawak sa dalang clear book. Nang hindi pa umalis sa tabi niya si Markian ay muli niya itong binalingan. "Maiwan na kita," aniya ng mapagpasyahan na umuwi na.

"Masyado pang maaga para umuwi," sansala nito sa sinabi niya.

"Wala na naman akong gagawin o dadaanan pa kaya uuwi na ako."

Kinuha nito ang hawak niyang clear book pagkuwan ay hinawakan siya sa kanyang kamay na ikinakurap-kurap niya.

"Wala ka namang gagawin kaya mang-treat ka muna tutal last day ng trabaho mo ngayon," anito na hinila na siya sa kamay papunta sa nakaparada nitong kotse sa gilid ng kalsada. Mabilis nitong binuksan ang passenger side. "Sakay na."

Binawi niya ang kamay na hawak ni Markian dahil sobrang naiilang siya. "Wala akong panlibre ngayon. Balikan mo na lang ako kapag nakuha ko na 'yong huling sahod ko."

Itinaas nito sa ere ang clear book niya nang akmang kukunin niya iyon. Para itong poste sa tanggkad kaya hindi niya lalo naabot ang clear book dahil sa ginawa nito.

"Markian," she almost hissed.

"Sumakay ka na. Hindi rin naman kita titigilan hanggat hindi ka sumasakay."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "At talagang kailangan ay ikaw ang masusunod? Ikaw na nga itong ngayon lang nagpakita-"

"So, hinihintay mo ako?" he even teased. Lalong pinamulahan ng pisngi ang dalaga.

"Hindi, ah," mariin na tanggi niya na inirapan pa ito bago mabilis na sumakay sa kotse nito. Super duper mega off-guard ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig niya?

At ang heroides yumuko pa para silipin siya. "Nagba-blush ka," nakangisi pa nitong sabi bago isinara ang pinto sa gilid ni Marquine.

Bahagya niyang tinampal ang pahamak na bibig. Hindi tuloy niya magawang tapunan ng tingin si Markian o kahit ang kausapin ito nang makasakay rin ang binata sa kotse nito.

"Kapag hindi ka pa rin nagsalita, iisipin kong hinintay mo nga ako," basag ni Markian sa namumuong katahimikan.

"Stop teasing me, Markian Vega."

"I'm not."

"Eh, ano'ng tawag mo sa ginagawa mo?"

"Wala," painosente nitong sagot.

Sinimangutan niya ito nang sulyapan siya nito. Ibinaling na lang niya ang tingin sa may labas ng bintana. Ano ba ang nakain ni Markian at panay ang ngiti ngayon? Unusual masyado ang reaksiyon nitong iyon. Parang good mood ito. Kung ganoon nga, ano naman ang dahilan?

Gusto sana niyang usisain kung ano ang ginawa nito at natanggal sa trabaho ang apat nina Flynn pero hindi naman siya makabuwelo lalo na at bilin nito noon na kalimutan na niya ang nangyari noon.

Sa Monterey Mall sila humantong ng binata.

Walang imik na nakasunod lang siya rito sa paglalakad. Nang mapansin nito na hindi siya umaagapay rito sa paglalakd ay ito na ang sumabay sa kanya.

"'Di ba, si Markian 'yon?"

Napatingin siya sa nadaanang dalawang babae na animo naging puso ang mga mga mata nang makita si Markian.

Bakit kilala nila si Markian? taka niyang tanong sa isip. Hindi naman siguro artista o commercial model ang binata? Ano lang ba ang alam niya sa binata bukod sa anak ito ng may ari ng kumpanyang pinagtrabahuhan niya? Wala na.

Sinulyapan niya si Markian na deretso lang sa daan ang tingin habang nakaagapay sa paglalakad niya. Kung titingnan ay para silang mag-kapatid ng binata. Sobrang tangkad kasi nito. Umabot lang ang height niya sa may dibdib nito. Lihim siyang napatawa sa naisip.

"Markian, sandali," pigil niya sa braso nito nang makita ang Golden Pages kung saan siya madalas bumili ng mga paboritong libro. Hinila niya ito papunta roon. "May gusto lang akong makita."

Sa sobrang busy niya nitong mga nakaraang buwan sa trabaho ay nakalimutan na niyang mapadpad sa lugar na iyon.

Isa sa pangarap niya ay ang maging parte ng Golden Pages Publishing. At sisikapin niyang maging posible iyon.

Tahimik lang na nakasunod sa kanya si Markian habang namimili siya sa book section ng Golden Pages. Tatlong libro ang napili niya na excited pa niyang binayaran sa counter.

"Walang panlibre pero may pambili ng libro."

Napatingin siya kay Markian ng magparinig ito sa kanya. Nginitian niya ito. "Pang-treat ko sa sarili ko meron." Ibinalik niya ang tingin sa counter. Matapos magbayad at makuha ang libro niya ay lumabas na rin sila doon ni Markian.

Napailing-iling pa si Markian nang makita na tila hindi na mapuknat ang ngiti sa labi niya dahil sa yakap-yakap sa dibdib na mga libro na nakalagay sa papel na supot.

"Mahilig ka pala sa mga ganyan," basag ni Markian sa pananahimik niya.

Tinanguan niya ito. "Sa pagbabasa ko inilalaan ang mga libreng oras ko. Kahit sa Mori High dati. Mas gusto ko pa ang magbasa kaysa ang sumama sa kaibigan ko. Nito lang ako hindi nakapagbasa dahil busy sa trabaho saka kailangan kung magtipid.

"Pero bumili ka pa rin ng libro ngayon."

"Treat ko nga kasi sa sarili ko."

"Buti hindi lumalabo ang mata mo."

Tumango siya. "So far, hindi pa naman." Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mga book collection niya na naiwan sa dati nilang bahay. Parang gusto niyang kunin ang mga iyon.

"Para saan 'yon?"

"Naalala ko lang 'yong mga collection kong libro sa dati naming bahay. Naiwan kasi doon lahat. Ayaw ipadala ni daddy noong umalis kami. Kung kukunin ko naman, wala rin akong paglalagyan sa sobrang dami." Sinulyapan niya si Markian. "Ikaw, ano'ng hilig mo?"

"Lahat ng may kinalaman sa Physics."

Nagsalubong ang kilay niya. Physics? ulit niya sa isip. Akala naman niya, lahat ng may kinalaman sa robot. Palibhasa ay nagma-may-ari ng robotic company ang pamilya nito.


A Love To Last A Lifetime | Published Under LifebooksWhere stories live. Discover now