[15] HDI- Aina

74 2 0
                                    

Kurt's POV

Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit ko to ginagawa talaga. Siguro nga nababaling na ang atensyon ko kay Angela. Si Angela na maingay, na medyo suplada minsan, si Angela na maarte. Ah ewan. Unti-unti, nakakalimutan ko na ba SIYA?

Pero ayoko siyang kalimutan. Ilang taon ko rin siyang minahal. Kahit na paulit-ulit niya saaking sinabi na walang pag-asa. Parte siya ng buhay ko.. Halos buong kabataan at highschool life ko sakanya umikot.

Mali ito. Baka masaktan lang si Angela kapag dating ng panahon. Kailangan kong umiwas..para hindi na lumalim itong nararamdaman ko para

sakanya.

Pero papano ang date? Inaya ko pa naman siya.. alam ko na. Si Jacob na lang ang papupuntahin ko, barkada ko. Sasabihin kong hindi ako makakapunta dahil may kailangan pa akong gawin.

Tinawagan ko si Jacob at pumayag naman siya. Pasalamat daw ako at maganda si Angela, mabait pa daw. Medyo nainis lang ako ng kaunti. Ano kung maganda at mabait?

Pero bahala na. Basta kailangan kong umiwas. Alam kong masasaktan ko lang si Angela pagdating ng panahon kaya kailangan kong putulin ito habang maaga pa.

Angela's POV

"Angela." tawag saakin ng lalakeng pamilyar saakin. Sino nga ba ito?

"Kilala mo ako?"

"Oo. Ako nga pala si Jacob. Sorry hindi makakapunta si Kurt, may importante kasi siyang gagawin." sabi niya. Importante? importante kesa saakin? kunsabagay, sino ba naman ako? Hindi naman kami. Pero bakit ni mag-text man lang hindi niya magawa? Sana tumawag man lang siya.

"Angela?"

"Ahh. Sorry. Ano daw ba gahawin niya?" sabi ko sabay hawi ng bangs ko.

"Di sinabi e. Basta daw." Sabi niya sabay ngiti.

"Ganun ba?" sana sinabi niya na lang na hindi tuloy, o kaya sa susunod na lang para hindi ako umasa. Saka, hindi ko naman kilala ito e. Ang naalala ko lang barkada niya tong isang to.

"Tara na?"

"Osige." nagsimula na kaming maglakad-lakad

"Nanonood ka ba ng soccer?"

"Minsan. Naglalaro ka ba?" tanong ko

"Oo. Gusto mo manood?"

"Sige."

"Tara." sabi niya at pumunta kami sa parking lot. May kotse pala siya. Pumunta kami sa isang soccer field at umupo sa isa sa mga bakanteng bleacher doon. Umalis muna siya para bumili ng makakain at bumalik din naman. Marami siyang kinukwento pero puro tango lang o iling ang binibigay ko dahil hindi naman maregister sa utak ko ang mga sinasabi niya.

Kurt's POV

Antanga ko naman. Sana naman sinipot ko na lang si Angela hindi yung para akong stalker o kaya ninja ditong nagtatago sa likod ng puno at nakatingin sakanila sa malayo. Haixt.

Naiinip ako. Puro lang naman siya tango o kaya iling kay Jacob e. Halatang di interesado. Umalis muna ako at naglakad-lakad sa park.

Umupo muna ako sa isang bench sa tapat ng isang puno at nagisip-isip.

"Kurt?" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod. Bigla akong kinilabutan sa narinig ko. After four years? Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ko ang isang babae.

Ang babaeng inikutan ng buhay ko sa loob ng matagal na panahon, apat na taon nang nakalipas.

Si Aina.

Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]Where stories live. Discover now