[10] HDI- Big Revelation

189 7 0
                                    

Haaaay. Homesick sa bahay. Tsk. 11 days na mula nung huli kong labas ng bahay. At yun yung couple day pa namin ni Kurt. Pano ba naman kasi, wala akong kasamang gumala! Nagbakasyon kaya si Clara. :( pwes, magiisa na lang akong lalabas tutal pasukan na rin naman bukas.

"Mami, dadi, labas muna ako." Sabi ko at lumabas na. Di na ako naghintay na sumagot sila. Baka busy.? Haha. San naman kaya ako pupunta nito? Nagdere-derecho lang ako maglakad hanggang sa may madaanan akong shop. Mga damit. Pumasok ako dun para tumingin-tingin kaya lang wrong move ata. Nandun kasi si Ivan. -.-

At nandun din si Herrera. May kasamang babae.

At yung babae pa yung nagsusukat sakanya ng damit ahh. Ayos din. May girlfriend na pala sya tapos nakipag-couple day sya last time. Ayos din ahh. Sinisilip ko lang sila mula sa skirts' section. Pero ang ipinagtataka ko, ba't lumapit si Ivan sakanila.

Di kaya magkakilala sila?

Di naman imposible yun kasi same school.

Pero diba? Tinutulingan nya 'ko nung nagpapakatanga pa 'ko?

O ba masyado lang akong assuming?

Pero nung kami pa naman nyan ni Ivan, di ko yan nakita si Kurt at di sya sakin nakkwento nito.

Ay ewan. Naghagilap lang ako ng mga palda dun. Infairness magaganda. Paghawak ko dun sa palda ay may nakahawak sa kamay ko.

"Miss type mo rin ba 'tong skirt?"sabi nya. Sya yung nagsusukat ng damit kay Kurt.

"Ahh oo sana." Sabi ko.

"Jill palda nana-Angela? Hi Wifey!" ^___^ si Kurt.

"Wifey? Girlfriend mo ba to Kurt?" Kung maka-to naman tong babaeng toh kala mo bagay lang ang tinuturo ehh.

"Hindi!" Ako na mismo dumepensa.

"Huh. Obviously." Sabi nya sabay tingin sa akin mula ulo na mukhang dyosa hanggang paa na mukhang prinsesa. Haha! But wait! Obviously?! Pangit na ba 'ko? Tiningnan ko rin yung sarili ko. I'm wearing a... Alam nyo yung para syang t-shirt may long sleeve sa ilalim? Lam nyo yun? Saka naka-palda ako at flipflops. O ano naman sa suot ko? Yung buhok ko ayos naman naka-full bangs saka nakalugay na mahaba.

"Jill..." -Kurt

"Jill I love this one!" Sigaw ni Ivan mula sa likod na papalapit na dito. Agad naman akong tumalikod. Wala lang. Trip ko bakit?

"Sky?" Sabi nya. Lumingon naman ako derecho :D plastik mo Angela! Sarap mo itapon sa ilog pasig!

"Kilala mo rin ba sya?" Tanong nung babae kay Ivan

"Ahh oo naman sa katunayan nyan-ahh miss, kukunin mo rin ba tong skirt? Kasi kung hindi pwede akin na lang?" Pagputol ko. Don't you dare call me your ex Ivan!

"Okay sayo na."sabi nya at kinuha ko na yun palda sa rack.

"Geh una na ko." Sabi ko at nginitian sila. Yung mukha ni Kurt parang... Ewan? Nangangamba? Awkward? Or ewan.. Whatevr. Pumunta na ako sa ibang side ng shop at tumingin-tingin. Maya-maya, tinawag ako ni Kurt.

"Angela! Una na kami." Sabi nya at kumaway. Kumaway rin ako sakanya bago sila tuluyang umalis. Si Ivan din nagbabye. Hayy. Gago.

Pagkaalis nila, binitawan ko agad yung palda. Wuuush. Nakalusot dun. Wala naman talaga akong balak bilhin toh. Mahal kaya! 899! Next time na pagmay pera!

Lumabas na 'ko ng shop na gulong-gulo. Ba't sila magkasama? Ba't sila magkakilala? Anong meron? Sino yung babae? Girlfriend nya ba yun? Paasa lang ba sya? Tch. Sorry sya kasi di pa ako nagsisimulang umasa. 'Cause I know that ATTACHMENT LEADS TO EXPECTATION AND EXPECTATION LEADS TO DISAPPOINTMENT and disappointment leads to depression and depression leads to suicide and suicide leads to death! Ganyan talaga ang mga lalake! Sweet-sweetan... Sabi nga nila, "When someone is so sweet to you, don't expect that person will be like that all the time. Remember, even the sweetest chocolate expires."

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at nagsimulang magtype.

'Pssst! Ba't kasama mo si Ivan?'

Isesend ko sana yun kaya lang naalala ko. Wala pa pala akong number nya. Tsk.. Eh kung isend ko kaya kay MS? Tutal sya naman talaga ang hinala kong si Kurt eh. Tapos pagnagreply ng 'whut' sasabihin ko wrong send. Tama!

Send!

Maya-maya, nagreply.

"바스타."

Hanudaw? Kinorean ako. Di ko na lang nireplyan. Naglakad-lakad na lang ako hanggan sa mapadpad ako sa isang car shop.

*U* gusto ko magka-kotse.... Pagnagrequest kaya ako bibilhan ako?? Nyihihihihi.

*Now and then i think of when we we're together 

Like when you said you felt so happy you could*

-"Hello?" Sinagot ko yung tawag ng unregistered number.

"Di mo binili yung skirt?" si Kurt.

"Number mo toh?" -ako

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko."-sya

"Bumalik ka?"-ako

"Nasan ka?"-sya

"Ewan ko sayo."-ako

"Tsk. Nasan nga?"-sya

"Ba't kasama mo si Ivan?"-ako

"Nasan ka nga????"-sya

"Bakit nga??!"ako

"Angela.! Papano ko maeexplain kung ayaw mo naman sabihin sakin kung nasan ka?"-sya

"Ay oo nga. Ah basta! Nandito ako sa isang carshop sa tapat ng Shemay Bldng."-ako. (Imbento. HAHA)

"Okay. hintayin mo ko jan."-sabi nya then hunged up. Maya-maya, dumating na sya.

"O anu na?!"-ako

"Ano bang nangyayari sayo?"-sya

"Wala.!"-ako

"O bakit ganyan ka?"-sya

"Wala.!"-ako. Naiinis ako! (Bakit??) ewan! Basta! Nakakainis! Kanina pa tanong ng tanong!

"Hahaha."tumawa pa sya. Anung nakakatawa?! Grrrrr! Kaasar!

"Anong tawa-tawa mo jan?!"-ako

"Nagseselos ka ba kay Jillian?"-sya

"Psh. Kapal mo rin noh? Ako magseselos??? Bakit? Tayo na ba ha?!"-sabi ko sabay flip ng hair at talikod saka naglakad ng mabilis. Hinabol nya naman agad ako at hinigit papunta sa ewan ko kung saan.

"Anooooo?!"-ako

"Bakit ba inis na inis ka? Di naman kita inaano."-sya.

"Wala ngaaaaa!"-ako

"Gulo mo din noh."ako

"Ako pa magulo? Tch. Ewan ko sayo!"sabi ko at nag-walk out ulit. OA man kung tawagin pero yun talaga ako eh. Selos daw kay Jillian. Tch! Ako magselos?! Kapal nya! Buti sana kung niligawan nya 'ko, pwede pa! Saka ano ba Angela! Ligaw-ligaw ka jan! Wag kang gaga!

"Kapatid namin si Jillian."-sabi nya. Wait. Kapatid? As in sister? So all this time kapatid nya yung babae na yun? Tch. An wait... Namin? As in si Ivan?

"Kapatid NYO?"-ako

"Oo. Namin.."

Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]Where stories live. Discover now