[8] HDI- Christmas GIfts

217 8 2
                                    

Dedicated to StupidToBeInLOVE. Wala kasi akong mapagdedicate-an at nakita ko sya sa Who's Reading. XD Sorry sa late UD. Hihi. Sino gusto Dedic? Comment kayo. hihi.

Give and Take. ;)

"Ha? 99? Sino?? Ahh! Si Herrera..." sabi ko. Di ko agad na-gets yung 99 eh. Ako? Dumidikit kay Herrera? No way!

"Miss, nagkakamali ka. Hindi ako dumidikit kay Herrera nuh!" sabi ko. Nagsitawanan naman sila. Problema nito? May nakakatawa??

"Don't deny it! We saw you eating with him! Ganun ba ang hindi dikit ng dikit?!" sabi nya.

"Yeah right!" sabi naman nung pandak na nakapamewang pa. Cute talaga sana kasu brat.

"Di kaya ako ang dumikit sakanya!" sabi ko.

"Wehh?" sabi nung isa. 

"Di nga ang kulit!" sabi ko. Paulit-ulit ako?? Pffft!

"Basta, layuan mo sya. Ayaw namin ng langaw na aaligid-aligid sakanya. Aryt?!" sabi ni Pink. Wow. Ako langaw? Sa ganda kong toh langaw ako? Ikaw, mukha kang ipis!

Binitawan nya na ako at tinarayan saka sila nagmarcha paalis. Haaay. Brats..

 Pumasok na ako ng room and lorrrd! Tenkyu!!! Nasa labas si Mr Parco. Dahan-dahan akong papasok ng....

"Ms Rodriguez, why are you late?" sabi nya. Okay. Di ako nakalusot. T_T AGAIN.

"Ahh prof, LBM." sabi ko. Tumawa naman yung mga kaklase ko. Urgh! Kakahiya. Pero kung kanina fake lang, ngayon totoo na. T_T

"Okay you may take your seat." sabi nya. Wushh. Pagkaupo ko, agad naman akong kinausap ni Piolo na nasa likod ko lang.

"Okay yang LBM mo ahh. Quotang-quota ka na Angela!" sabi nya saka tumawa. Si Piolo, yung mataba naming kaklase. Wala lang. HAHA

"asdfghjkl." sabi ni sir sa harap. Wala akong maintindihan tungkol dyan sa mitosis meiosis na yan. Umiikot ulo ko jan!! yung katabi ko naman, ayun. Gets na gets. (lesson namin sa Biology. Gets nyo ba yan?? HAHA kung hindi, apir!) nagheadset na lang ako at nagmusic. Nagdoodle ng pangalan ko. Buti nga likod ang upuan ko. HAHA

"What does the fox say? Dingdingdingdingdingdidingdiding.."

*"Tin-ding-ding-ding-Ting!* agad kong inalis yung headset ko ng marinig ko yung announcement bell. Baka kasi suspended ehh. Malay natin. HAHA. May cold front tail pa naman ngayong December.

"Announcement, to all professors, we will have an emergency meeting right now. Again, to all the professors, we will have an emergency meeting right now." sabi nung announcer. Yes!! Meeting again. Hilig nila sa meeting ahh.

"Okay class, i'll leave you for awhile." sabi ni prof at lumabas. Agad naman tumayo yung year 4 governor. Si Vince.

"Guys gusto nyo ba magexchange gifts tayo? As in tayo lang. Walang ibang class or ibang irregular." sabi nya. Umoo naman kaming lahat. Exciting kaya yun!

"Kung ganun, magkano naman ang minimun natin?" sabi nya. Lahat naman kami nag-agree sa 500.

"Eh yung ceiling?" sabi nya. Napagkasunduan naman namin lahat na kahit ilan. Wala ng wishlist-wishlist pa. HAHA. Nauna si Herrera sakin bumunot kaya sinilip ko yung paper nya.

"Op..." sabi nya kaya lumingon ako sa iba. Humarap naman sya sakin saka binuksan yung paper para wag kong makita. Ang ramot! Ako kaya sino mabubunot ko?? Nanlalamig na yung kamay ko kaya nagpray ako. HAAHHA. Ganito lang talaga ako kapag nagbubunutan. 

Dahan-dahan kong binuksan yung papel at...

at..

"AaAhhh" :((( disappointing. Herrera is the neym. Whut?! Sa lahat naman ng posible kong mabunot sya pa. Ito na ba yung tinatawag nilang kamalasan?? Gusto ko sana mabunot babae para madali lang regaluhan ehh. Pero okay lang. May magagawa pa ba? 

"Pssst. Sino nabunot mo??" tanong ko kay Herrera.

"Secret." sabi nya. Okay. Wag pilitin ang ayaw. Diba?

"Ikaw?" sabi nya.

"Basta!" sabi ko. "Ano nga pala gusto mong regalo??" dagdag ko

"Ikaw.?" sabi nya at kumunot ang noo ko. 

"Ako?!" sabi ko

"Hindi! Kapal mo rin nuh! Di nga kita type pano magiging ikaw?? Tinatanung kita kung ikaw ano sayo! Psh. Haha. Feeler." sabi nya. Ulol sya. 

"Gago! Malay ko ba. Grrr!" sabi ko. Tsh. Regaluhan kita ng palaka jan eh. :/

**

Bukas na daw AGAD yung exchange gifts namin. Bukas na kasi ang last meeting namin SA SUBJECT na ito this year kaya yun. Finals na kasi next week. Hehe. :)

"Clara ano bang pwede ko iregalo sa lalake??" tanong ko. Nandito kami ngayon sa mall. Nagpasama ako kasi trip ko. Wala kasi akong maisip iregalo eh..

"Sino ba nabunot mo?"-Clara

"Ulo mo. Dejoke.  Si Herrera.." -ako

"Korni mo gurl. Ummm para kay Herrera... Wallet." sabi nya

"Eh ano kaya kung cologne??" sabi ko. Pwede kaya??

"HUWAG! A big no! no!! Baka maoffend sabihin nyan nababahuan ka sakanya. HAHA!" sabi nya. HAHAHA. Oo nga naman. Pero magbibigay parin ako. Pfffft.

"Tara dun tayo." sabi nya at hinila ako papasok sa Quelques tee. Isang shop sya kung saan maraming mga damit na mukhang pair. Couple tees ata itong shop na toh. Agad kong hinila si Clara papunta dun sa isang picture ng babae at ng lalake na naka-couple jacket. Yun na lang siguro. Ibigay nya na lang sa girlfriend nya yung isa. 

"Sure ka na ba talaga na yan na??" sabi ni Clara

"Oo naman. Miss, umm may stock pa po ba netoh??" tanong ko sa saleslady.

"Ahh ma'am for boy na lang po ang natira. Tig-iisa lang kasi ang stock namin per design." sabi nung babae. Sheez. Sinong tanga naman kaya ang bumili nun? Kita nang for couple tapos isa lang ang binili? Gaguhan?? Pero okay na rin toh. Para tipid. ^___^

"Sige miss kukunin ko na po." sabi ko at nagbayad na. 650 pesos sya. Okay na toh. Hahaha. :)

**

"The best relationships start off as friendships."

From MS. Woah. Buhay pa pala sya. hehe. Papunta na ako ng school. Wihihi. Excited na ko para sa exchange gifts. Ano kaya makukuha ko??

"Sige guys hahaha magstart muna tayo kay Pam. :) Pam, sino nabunot mo??" sbai ni Vince. Hehehe.

"Ahmm... si Lance." sabi ni Pam. Hala namula! Nagyieee naman kaming lahat. Bf nya kasi yan. HAHAH!

"asdggkolhk;h" ang tagal namin.

"Okay. Sino pa pala ang di nakakapagbigay??" tanong ni Vince.

"Ako." sabi ni Herrera. :( wala parin gift ko. :(

"Sino nabunot mo dude??" sabi nila

"Si Angela." sabi nya. Ako????? Eh ako rin ang nakabunot sakanya ah! Kinuha ko na yung gift nya at nagthank-you. Hehe ano kaya laman nito?? 

"Ikaw naman Gel.. sino nabunot mo??" tanong nila.

"Hehe. Actually, si K-Kurt yung nabunot ko." sabi ko at yumuko. Shet nakakahiya. Nagyieee tuloy silang lahat. Ohem! Feeling ko namumula ako. Binigay ko na sakanya yung gift. Hehe. Pagkalipas ng ilang taon joke. Nang ilang minutes, humupa na rin ang "yieee" nila.

"Buksan na naten!!" sabi ni Piolo at yun na nga. Binuksan na namin and HUWAT?!

"Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"

Hundred definitions of Love MINSUL [on-going]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz