Orasan

43 73 2
                                    

Bawat ikot ng orasan,
Pagmamahal para sayo'y nadadagdagan,
Ultimo araw at buwan,
Sumasang ayon sa ating pagmamahalan.

Milya milya man ang layo,
Di magiging hadlang 'to,
Pagka't bawat pitik ng aking puso,
Pagmamahal ang nais iparating nito.

Pagitan man ng oras ay apat,
Pinag lalayo man ng dagat,
Nais ko lamang na ikaw ay mag ingat,
Pagkat sa istorya ko ikaw ang pamagat.

Bawat titik at tugma sa aking mga tula,
Oras na ginagamit sa aking pag gawa,
Ikaw ang inspirasyon sa twi-twina,
Nawa'y maramdaman ay labis na tuwa.

Mahal na mahal kita,
Salitang ramdam ko at handang ipakita,
Bawat ikot ng orasan,
Pagmamahal para sayo'y di mapapantayan.

Mula sa PusoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt