Apoy at Lamig

69 74 0
                                    

Nung una sobrang saya
Kilig at tawa lang nadarama
Di pansin ang iba
Mahal bat nag bago ka?

Pangako natin sa isa't isa
Bat tila'y napako na?
sagot sa aking mga katanungan
Di mahagilap at tila nagtatakbuhan.

Nag aapoy na pagmamahalan
Tila nasabuyan at nahanginan.
Di namalayan at inasahan
Pag iibiga'y unti unti ng nawawakasan

Mahal ako'y umaasa
Na ang pag ibig mo'y babalik pa
Di ako susuko
Dahil ikaw lamang sa aking puso

Apoy sa pagmamahalan natin
Sana ay magbalik na
Lamig na bumabalot sakin
Nawa ay mapawi na

Mula sa PusoWhere stories live. Discover now