Paglisan #1

62 72 1
                                    

Sobrang komportable na natin sa isat-isa,
Saya ang nararamdaman pag kasama ka,
Mas minamahal pa kita sa tuwina,
Kasamang lumutas sa lahat ng problema.

Kaakibat sa plano ng buhay,
Bukod sa pamilya; ikaw lamang ang kaagapay,
Wag sanang malumbay pag nag aaway,
Mahal ko ikaw lang habang buhay.

Hindi alam ang gagawin,
Kapag ika'y nawalay sakin,
Mahal mas nanaisin,
Na ako nalang ay patayin.

Isang araw nakatanggap ng balita,
Nagulantang ng sobra-sobra,
Hindi inaasahan; nakakapanghina,
Ba't ka kinuha sakin bigla?

Ang dami pa nating plano,
Sa altar ay haharap pa tayo,
Pero bakit sa himlayan agad ang tuloy mo,
Mahal, sobrang sakit nito.

Mula sa PusoWhere stories live. Discover now