Paglisan #2

47 73 0
                                    

Isip koy' sobrang lito,
Mahal isama mo na ako,
Bat ba nangyari 'to sayo?,
Pagtanggap sa paglisan mo ay hirap ako.

Naalala ko; Iyong mga tinuran,
Sabi mo "dapat ito'y iyong malaman",
Ninais mo akong puntahan,
Sana pala ika'y aking pinigilan.

Habang nagkukwento,
"Paki abot sa mahal ko" ,
Pinapasabi mo sa driver ng jeep na sinakyan mo,
Ayaw mong ibigay to; pinaglaban hanggang dulo.

Inabot sakin ang singsing mahal ko,
Aanhin ko to?,
Singsing na dahilan ng pagkamatay mo,
Sobrang durog ang puso ko.

Sana'y iyo nalang hinayaan,
Makuha Ang singsing at manakawan,
Kaya natin 'yon pag ipunan,
Kaysa naman ganto; na ikaw ay nasa himalayan.

Mula sa PusoWhere stories live. Discover now