Pangalawang Pagkakataon

48 16 2
                                    

Puso kong matatag at may paninindigan,
Nabighani ng una kang masilayan,
Mapait man ang ating nakaraan,
Gagawin lahat upang ikaw ay mahagkan.

Alam kong nasaktan kita ng sobra nuon,
Nawa'y bigyan ako ng isa pang pagkakataon,
Sinisigurado ko ngayon,
Hindi na mauulit ang mapait na kahapon.

Maaaring pagmamahal natin ay nawakasan,
Mapagbirong tadhana nais magbalikan,
Pangalawang pagkakataon atin ng sunggaban,
Ikaw at ako magpasa walang hanggan.

Alam kong tiwala ay mahirap ibigay,
Sa piling mo ayaw na muling mawalay,
Lahat ay aking iaalay,
Makasama ka lamang habang buhay.

Hindi ko mai papangako na hindi ka masasaktan,
Dahil normal yun sa pagmamahalan,
Ang sigurado ay wala ng atrasan,
Pang habang buhay na to; hindi ka na bibitawan.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Aug 24, 2019 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Mula sa PusoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz