Huling hantungan

66 69 1
                                    

Sa maikling panahon
Di ko alam kung ito'y nagkataon
Masakit man sa ngayon
Wag ka mag alala ako di'y makakabangon

Ikaw ang naging mundo ko
Sayo nagmumula ang lakas ko
Nagulat sa pagkawala mo
Iniwang sugatan ang puso ko

Sa hinaba haba ng nilakbay
Mga planong akala'y pang habang buhay
Tila ba ay nawalan ng saysay,
Ang buhay ko ay biglang tumamlay.

Di kayang pakawalan
Mga pangakong nais maikatuparan
Plano nating di malilimutan
Mahal, ito'y dumating na sa huling hantungan

Magpaalam sayo ay mahirap
Masakit dahil ito'y di ko pinangarap
Mahal kita ng sobra
Kung kaya't paalam na.

Mula sa PusoWhere stories live. Discover now