Tatlong Buwang Patakaran (based on true story)

53 69 1
                                    

Pag dilat ng mata ko,
ikaw yung taong hanap nito,
Hindi buo ang araw ko,
Kung hindi maririnig ang boses mo.

Proud ako sayo kahit kasarian nati'y pareho,
Mali man sa mata ng ibang tao,
Pake ba nila saten; relasyon natin to,
Para sakin ikaw lang minahal ko ng ganito.

Maraming problema ang dumaan,
Palagi tayong panalo sa laban,
Isang bagay na di ko napaghandaan,
Relasyon nating nanlamig at nawala ng tuluyan.

Masakit para sakin to,
Taon ang ginugol natin pareho,
Mas matatanggap ko pa kung inamin mo,
Na ikaw ay may pagtingin na sa ibang tao.

Relasyon nating iningatan,
Nauwi sa tatlong buwang patakaran,
Iniwan akong luhaan,
Ngayon, may isang katanungan; masaya ka ba na ako'y nasasaktan?.

Mula sa PusoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt