CHAPTER 48

7.8K 154 3
                                    

Isang malalim na hininga ang nilanghap ni Sharalyn na para bang nagmula siya sa ilalim ng tubig. Mga malalalim na hininga ang tanging nagawa niya habang nangingilid ang luha.









I'm alive. She said through her head while catching her breath.






"Honey, are you okay?"








Nag-aalalang mukha ni Venom ang sumalubong sa kanya at gustuhin niya mang yakapin ito ay hindi niya magawa.










"Don't move, I'll just call Quiro to check you" he said and immediately leave the room.









Gusto niya itong pigilan para hindi umalis sa tabi niya pero hindi niya magawa at tanging pagtulo ng luha ang nagawa niya ng tuluyan na itong makalabas.













"Venom" tanging naibigkas niya sabay ng pagtulo muli ng luha niya at ang unti-unting pagpikit ng mata niya.









Samantalang lakad-takbo ang ginagawa ni Venom patungo sa kwarto ni Sharalyn kasama si Quiro at mga nurse. Sa wakas ay nagising din ito sa walong buwan na pagka-comatose nito.












Nang makapasok sila sa kwarto ni Sharalyn ay ganoon nalang tumigil ang mundo niya habang nakatingin sa mga mata nitong nakapikit at sa aparatong panay ang isang linya ng tunog.













"No. Nooo!" nangingiyak siyang lumapit sa higaan nito at pilit ginigising.










"Ready the operating room and call Doctora Feriz for delivery birth!" utos ni Quiro sa kasama nilang nurse na kaagad namang kumilos samantalang nakakunot noong napatingin siya rito.









"Delivery birth? Kulang pa ang buwan ng anak ko, baka mamatay siya" natatarantang sambit niya.









"Kapag hindi nailabas ang bata baka mamatay ang mag-ina mo. Just trust me, okay?" tanging sinabi ni Quiro habang pinapump ang dibdib ni Sharalyn at binigyan ng oxygen.









Napaatras nalang siya ng dumating ang doctor at tinulungang muling magkaheartbeat si Sharalyn. Napaiyak nalang siya ng marinig ang tunog ng aparato hudyat na nagkaheartbeat na ito. Kaya agaran nila itong isinugod sa operating room para sa birth surgery.











"Just stay here. I promise we will save her and your child. Trust me" ani Quiro.








Wala siyang naging tugon sa sinabi nito dahil nagmamadali itong pumasok sa operating room. Hinugot niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya at tinext ang ina niya about sa nangyare. Hindi niya na inabala pang basahin ang text nito ng magbeep ang cellphone niya.










Napahilamos nalang siya sa mukha niya at hindi napigilang hindi umiyak. Walong buwan siyang naghintay na magising ito mula sa pagkaka-comatose, 'tapos iyon lang ang mangyayari pagkagising nito? Sana hindi niya nalang ito iniwan at sana nanatili nalang siya sa tabi nito.










"Son."










Puno ng luha siyang napalingon sa direksyon ng ina niya, kasama nito ang ama at ang mga kaibigan niya.











"Mommy…" hindi niya na naiwasang hindi umiyak at yakapin ito ng mahigpit. "Mommy, I can't lose her. I love her so much, Mom" mas lumakas pa ang paghagulgol niya dahil sa pag-aalo nito.












LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now