CHAPTER 35

6.9K 162 7
                                    

Pagkauwi palang ni Venom sa bahay niya ay agad na niyang tinawagan ang family doctor nila na pwedeng asikasuhin ang DNA na natagpuan niya sa laway ni Shane na naiwan sa bunganga ng bote.







Tatlong araw siyang naghintay at ngayon na niya malalaman ang resulta kung anak niya nga ba si Shane o hindi.








Pumasok na sa loob ng bahay niya si Doc. Marquez, ang family doctor nila, at agad naman nitong ibinigay ang resulta. Hindi niya muna binuksan ang envelope kahit na nakaalis na ang doctor dahil gusto niyang kasama ang mga kaibigan niya once na malaman niya ang resulta.







Umupo sa sopa ang mga kaibigan niya at nagbuntong hininga muna siya bago binuksan ang envelope. Hinayaan siya ng mga kaibigan niya na siya na muna ang makaalam.








He close his eyes deeply when he open the envelope. He took a deep breath before he open his eyes. Nag-umpisa nang magpatakan ang luha sa mga mata niya ng makita ang resulta. Nabitawan niya rin ang hawak niyang envelope kaya tinignan din iyon ng mga kaibigan niya.






"Positive" sambit ni Joshua sabay tingin kay Venom. "Walang duda, anak mo nga ang batang 'yon. Kailangan mo silang mahanap ngayon" dagdag pa niya.







"Trace, Divine" utos niya kay Joshua na agad naman nitong sinunod at tumawag sa kakilala nitong agent.






"Bakit si Divine kung pwede namang si Shara na mismo?" Tanong ni Zachary.







Umiling siya sa sinabi nito bago nagsalita. "Hindi siya kaagad matatrack tulad ng dati unlike kay Divine. I tried before to trace Shara but I found nothing. Someone is protecting her and that's Divine."









Tumango-tango si Zachary sa sinabi niya at tumabi siya rito na kinabigla nito. "I like Shara, bro."







Napalingon silang lahat kay Zachary sa pag-amin nito at handa na sana niya itong kwelyuhan nang dugtungan niya ang sinasabi. "I like her as a sister. Nakikita ko siya sa kapatid kong babae. Alley, you remember?"







Natahimik silang lahat sa narinig dahil si Alley ang nakababatang kapatid ni Zachary pero pumanaw ito sa edad na katorse kasama ang mga magulang nito.








"The way she moves, the way she talk, para siyang si Alley. Alam kong naghihinala ka tuwing magkalapit kami ni Shara, best friend mo 'ko kaya alam ko ang bawat kilos mo" ani Zachary.







"You can't blame me bro" nasambit nalang ni Venom






"Nahanap na siya."






Napalingon sila kay Joshua nang magsalita ito.





"Where?" natatarantang tanong niya dahil gusto na niya itong puntahan para kumprontahin.






"Sa mall. Sa may supermarket."







Pagkarinig no'n ay mabilis niyang tinawagan ang ina niya. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag.






"Mom---"







"I told you, don't talk to me---"







"I found her, Mom" he said excitedly, "and we have a son" he immediately added.








Wala siyang narinig sa kabilang linya kaya muli siyang nagsalita.









LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon