CHAPTER 38

7.7K 169 14
                                    

Mag-iisang buwan na ang lumipas mula ng ma-ospital si Shane at ilang beses na rin itong pinuntahan ni Sharalyn sa bahay ni Venom.








Nag-usap sila ng matino ni Venom at sinabi rito ang mga gusto, hindi gusto, pwede at mga bawal sa mga bata. Bukod doon ay wala na silang napag-usapan dahil na rin nandoon si Bree.






May time na nainis siya dahil pakiramdam niya ay inaagaw nito ang posisyon niya bilang ina sa kambal. Pakiramdam niya ay sinasadya nitong gawin iyon para mas masaktan siya.





"Ready ka na ba?"









Napalingon siya kay Matthew na nasa loob na pala ng bahay. Hindi niya man lang ito namalayan dahil na rin siguro sa iniisip niya. "Yeah. I hope sa 'kin mapunta ang custody ng kambal."







Kahit na nag-uusap na sila ni Venom ay hindi pa rin nito inurong ang hearing. Sadyang gusto talaga nitong makuha ang mga bata. Ito na ang pangalawang hearing para sa custody ng kambal at ngayon din iaanunsyo kung kanino ba nararapat mapunta ang mga bata.





"You think I'll win?" Tanong niya kay Matthew.









Ngumiti si Matthew at marahang hinaplos ang buhok niya. "You will win over this."






Napangiti siya sa sinabi nito kaya naglakad na sila patungong sasakyan nito.







Noong unang hearing ay walang masyadong ginawa saka tinanong lang sila. Ngayong araw mismo gaganapin ang pagtatanong at witness. Mas dumoble ang kaba niya dahil makakasama sa hearing ang mga magulang ni Venom maging si Bree ay kasama at hindi niya alam kung bakit.








"We're here."







Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi ni Matthew. Lumabas na ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Huminga muna siya ng malalim bago siya lumabas ng sasakyan.






Umakyat silang dalawa ni Matthew sa 2nd floor at pumasok sa room kung saan gaganapin ang hearing. Pagpasok nila ay wala pang nakaupo sa kabilang side which is part nila Venom. Sinalubong naman siya ni Divine ng yakap dahil mas nauna ang mga itong pumunta.









Meron pa silang 15 minutes bago mag-umpisa kaya lumabas na muna siya para magpahangin. Hindi pa man siya nakakalayo ay may tumawag na sa pangalan niya.








Napalingon siya sa likuran niya at nakita niya ang nakangiting mukha ni Erin. "Mommy Erin" sambit niya.






Lumapit si Erin sa kanya at niyakap siya nito ng mahigpit. "Naku! Ang ganda-ganda mo na, Shara. Mas gumanda ka ngayon, mukhang maganda ang inspirasyon mo sa buhay."







Napangiti siya at hinawakan ang mga kamay nito. "You know who are my inspiration is" nakangiti niyang sambit na kinatawa naman nito.

Napatingin siya sa direksyon ni Venom at nakatingin din ito sa kanya habang nakahawak ang kamay nito sa beywang ni Bree. Nakatingin nga siya sa 'kin pero ang kamay nasa ibang beywang naman ng babae. Anang isang bahagi ng isip niya at hindi niya maiwasang hindi mainis dahil sa nakikita niya.







Nagulat siya ng hilahin siya nito palayo kung saan hindi sila maririnig nila Venom. "Bakit kailangan niyo pang umabot sa korte? Hindi niyo ba kayang pag-usapang dalawa?"






Napayuko siya at napabuga ng hangin. "It's his decision, Mommy Erin. I did everything para maiatras na niya 'to pero failed. Bumibisita ako sa bahay niya para sa kambal at nag-uusap din naman kami pero sadyang pursigido siyang kunin sa 'kin ang kambal. Alam ko naman ang galit niya pero Mommy Erin hindi ko kayang malayo sa kambal."







LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon