CHAPTER 44

7.5K 167 1
                                    

Busy ang lahat sa pagdidisenyo at pag-a-arrange ng mga tables para sa selebrasyong magaganap mamayang gabi. Dumating na kasi ang kaarawan ng kambal, ang kanilang 5th birthday.







Dalawang linggo din ang ginugol nila, lalo na kami ni Venom, para maging maganda ang birthday party ng mga ito. Maraming bisita ang darating mamaya, karamihan ay business partners nila Venom at magulang nito.








Mamaya na rin nila ipapakilala ang kambal bilang parte mga Forbes kaya hindi masyadong pambata ang dekorasyon at tema dahil mahalaga at importanteng event ang magaganap mamaya para sa pamilyang Forbes.











"Here."















Napatigil siya sa pag-aayos ng bulaklak sa may lamesa nang biglang dumating si Venom na may dalang juice.







"Thanks" aniya sabay nginitian niya ito at gumanti naman ito ng ngiti.








Buti nalang at hindi na nito inungkat pa ang nangyari sa condo unit niya. That was amazing and wild, he's really rough that time while slamming his body against her.








"What are you thinking?"









Napalingon siya kay Venom nang bumulong ito sa tainga niya.









"Nothing" sagot niya at umiwas rito.









Bago pa man siya makaalis ay hinuli nito ang beywang niya kaya wala siyang naging takas sa mga bisig nito.












"Ano ka ba? Nakakahiya sa mga tao. Bitawan mo nga 'ko" bulong niya rito at pilit na umaalis sa mga bisig nito pero lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.









"And so? There's nothing wrong about that, and beside, I know Mom loves it seeing us being together" he said while smiling from ear to ear.







Sinundan niya ang tinitignan nito at doon niya nakita si Erin na kinikilig habang hinihila ang manggas ng asawa nito. Naiinis siyang tumingin kay Venom pero nakangisi lang ito sa kanya.






"Kung ginagawa mo lang 'to para mapatunayan kay Mommy Erin na nagtagumpay ito sa plano niya then stop it. Ayokong mauwi na naman 'to sa pagpapanggap" aniya habang seryoso ang mukha.








Nabigla ito sa sinabi niya kaya hindi ito kaagad nakasagot. 'Yon ang ginawa niyang t'yempo para makaalis sa mga bisig nito. Naglakad na siya patungo sa kambal ng marinig niya itong nagsalita na nakapagpahinto sa kanya.







"Edi gawin nating totohanan. Marry me" anito sa seryosong boses.






Maging ang mga busy sa kani-kanilang ginagawa ay napatigil. "Marry me Shara" pag-uulit nito.







Nakatulala lang siya rito at hindi magawang makapagsalita. Ano na naman ba ang pumasok sa utak ni Venom at inaaya ako nitong magpakasal?






Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Venom at masuyo siyang tinitigan sa mga mata. Sinalubong niya ang mga tingin nito na may pagtataka. Out of the blue, mag-aaya itong magpakasal? Para saan naman? Para sa mga bata? Naguguluhang tanong niya sa sarili.







Okay naman sila nitong mga nakaraang araw. Hindi ito gumagawa ng mga bagay na magpapagulo ng isip niya maliban sa araw na ito.












LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now