Extra #1: Love and Happiness

Magsimula sa umpisa
                                    

            “Dear, I love how possessive you are pero mag-wa-one year old pa lang ang baby natin kaya huwag muna nating pag-isipan ang pagsesettle niya. And besides normal lang na magkaroon ng mga girls-.”

            “MGA? MGA talaga Dale? Hindi ako papaya na matulad sa iyo si Damon.” Napakamot nalang ng ulo si Dale at ngumiti nalang ito sa kanya at saka inalalayan siya papunta sa stroller. May yaya si Damon she can’t help it, may trabaho kasi siya at si Dale naman ay ganoon din. Pero kapag nagwowork siya ay kasama niya ang bata at ang yaya nito.

            Mabilis naman silang nakarating sa convention hall ng hotel, ang daming tao. Marami din pictures na nakadisplay doon and she smile when she saw Roman’s output na nakasabit sa isang bahagi ng convention center.

            “Rayleigh!” tawag sa kanya ni Roman. She waved at him, napatingin naman si Roman sa katabi niya habang si Dale ay nag-growl. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang dalawa kapag nalaman ni Dale na si Roman ang kausap niya ay nakabusangot na ito. She knew he is jealous pero alam din naman nito na mahal na mahal siya ito.

            “Hi, Roman. ANg gwapo mo ngayon ah.” Namula ito pero nakasulyap kay Dale na alam niyang sobrang dilim na ng aura.

            “Thank you ah- sayang hindi ka sumali.”

            “Nah, I’d rather not.” Hindi talaga niya makayang isubmit ang pictures na entry niya. But she is keeping it in a secret place kapag nakikita niya iyon ay nawawala ang stress niya. Those pictures what love and happiness are to her.

            “Please excuse us me and my girlfriend.” She glared at Dale na ipinagdiinann pa talaga ang word na girlfriend.

            “See you around Rayleigh.” Paalam ni Roman.

            “Dale hindi ka naman inaano ni Roman.”

            “I still hate that Ramon guy.”

            “Roman.”

            “Mas bagay tayo at bakit sinabihan mo siyang gwapo habang ako-.” Hindi na niya ito pinatapos dahil mabilis niyang dinampian ng halik ang labi nito. Mabilis din siyang kumalas dahil baka hindi na sila tumigil pa. “Tsk. Bitin.” Mahinang bulong nito. “I’ll make sure I’ll be able to kiss you properly after this.” Tinaasan niya ito ng kilay.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon