Chapter Ten

157K 2.7K 112
                                    

TAPOS na siyang magshower kaya naghanap siya ng pwedeng isuot habang nasa kusina si Dale at nagluluto ng soup. Hindi na sila nag-usap pa habang siya ay nasa shower ay nag-iisip siya ng mga ways para humingi ng sorry dito.

May nakita siyang isang malaking shirt na panlalaki na kasya sa kanya, her brassiere and her undies were still on the drier kaya maingat niyang sinuot iyon tapos ay may nakita siyang boxer shorts at least hindi siya malalamigan.

"Dale." Untag niya dito ng makababa na siya, napansin niyang basa na rin ang buhok nito at may iba na itong suot. He is now looking at her from head to foot and he diverted his gaze away from her. Mukhang galit nga yata ito sa kanya. "Hey, galit ka ba sa akin? I'm sorry if I offended you I am trying to be honest pero if lying will make you feel good then-."

"Rayleigh wala kang kasalanan it's my fault and all you said were true so don't apologize to me." Isinalin nito ang laman ng pan sa bowl soup. Noodle soup. "I don't know how to cook so I think these will manage."

"Okay na iyan pero may signal na ba? I want to check if okay na ba si Damon." Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito ng mabanggit niya ang anak nito.

"You really love my son."

"Like my own Dale sana mahalin din siya ng husto ng magiging next mommy niya."

"He won't have another mommy Rayleigh." Ibinaba nito ang soup sa ibabaw ng mesa at saka naghila ng upuan upang pauupuin siya.

"Uy, don't deprive your son to have a complete family. Iba pa rin iyong may nanay na nag-aalaga sa anak mo."

"You survived without one."

"Iba naman sa kaso ko Dale, nasanay na kasi akong wala akong mga magulang so hindi na mahirap sa akin na tanggapin na wala ako noong meron iyong iba. Sanayan lang naman iyan eh." Bahagya itong natigilan.

"Mahirap bang walang mga magulang?"

"Mahirap?" she smiled at herself. "I don't know I can't compare." She starts to eat the soup he prepared for her.

"You won't mind if I asked you why you stepped down from the crown?" doon na siya natigilan at saka tumingin dito.

"I'll mind, please don't ask about it." Mukhang napansin naman nito na hindi pa nga siya handang buksan ang topic na iyon and she will never be open about it.

"Sorry."

"Thank you and kailan tayo pwedeng makabalik?"

Saglit itong natigilan bakit ba parang apektado ito kapag sinasabi na niya uuwi na siya. "Malakas pa rin ang bagyo Rayleigh."

"Bagyo?"

"Yes, may bagyo pala kaya walang tila ang ulan. Wala ring signal dahil may posteng nabuway kanina.

"Ganoon ba? Paano na ito? I really need to go to London." She is already biting her nails when she realized that her trip will be cancelled na talaga.

"Bakit ba importante sa iyo ang makabalik sa London?" he asked.

"May problem kasi kami sa client ko doon mukhang nagkamali ang assistant ko ng bigay ng order kaya nagalit. The client wants to talk to me personally." Hinila nito ang kamay niyang nginangatngat niya.

"Don't bite your nails."

"Sorry old habits."

His eyes darkened for a while as he stared on her lips. Shit! Mukhang alam na niya ang susunod na gagawin ni Dale at kapag hindi siya gumawa ng paraan mahihirapan na naman siyang makatakas sa lalaking ito.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon