19

11.5K 431 4
                                    


"Sa bahay ka na muna tumuloy, nandoon si Ven" sabi ko habang magka akbay kaming palabas ng building.


"You really know what to say ..."


"What the fuck Franco!" sigaw ko kasabay ng sigaw ni Andrei


"What the fuck is your problem man?" maangas na tanong ng kapatid ko, annoyance is visible on his dim face, ready to fight back, pero inawat ko na bago pa sya maka ganti. Oo, sinapak lang naman ni Franco si Andrei, we both didn't see it coming, we hardly notice Franco, bigla nalang lumabas sa kung saan at nanapak.


"Ano? Sya ba ang pinalit mo sakin? Saan kayo galing? I've been looking for you for a couple of freaking days at tapos ganito? Makikita nga kita pero may kasama ka namang ibang lalaki? Tapos kung makapag what the fuck ka parang kung sino lang ako na nangtrip sa inyo?" galit at hinihingal nyang litanya sa akin.


"Yes, ganon nga ang tingin ko sa ginawa mo, anong trip yun? Because as far as I can remember, the last time we talked, you don't wanna see my face ever again." mahinahon at may pagtitimpi kong sagot sa kanya. Nakakagigil, parang ako na naman ang may kasalanan at atraso sa kanya.


"Kaya ba naghanap ka agad ng bago? Ganun ganun na lang yon? Baka nakakalimutan mo.."


"Wala akong nakakalimutan, mag usap tayo pag malamig na ang ulo mo at mahinahon ka na." putol ko sa sinasabi nya.


"No! Ngayon na tayo mag usap! This issue is long over due" matigas nyang sabi habang tinitignan ng matalim si Andrei na naka ngisi na ngayon.


"I know that, kung sana nakinig ka sakin, matagal na tong tapos." malamig kong sabi. Kupal na to, sya pa talaga ang may ganang magalit, sya pa ang demanding.


"Look, I'm sorry, I should have.."


"Save it Franco, Let's talk tomorrow" putol ko sa sasabihin nya sabay tumalikod at hinila na si Andrei na ayaw pa sana umalis at mukhang nag eenjoy sa nakikita nya, iniwan naming tameme si Franco.


Hinagis nya sa akin ang susi ng sports car nya para ako ang mag drive. He really knows me, alam nyang outlet ng stress at inis ko ang pagda drive. Pag kalabas ng parking pinaharurot ko agad ang kotse, it's sunday kaya maluwag ang daan.


Ipinark ko ng kung paano na lang ang sasakyan sa open garage ko at nagmamadaling bumaba at pumasok sa bahay ko, naabutan ko si Ven na palabas sa library at namimilog ang mata na nakatingin sa likod ko, nung makabawi ay nagtatakbo sya and guess what? Nilagpasan nya ko at kulang na lang hawiin para makalapit agad sa taong nasa likuran ko.


I rolled my eyes heavenward, ang bruha, parang di ako nakita at kung makayakap kay Andrei parang gusto pa ata magpakarga looks like nag lalambitin sya kay Andrei.


"Now I'm jealous.." di ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang lumitaw si Franco sa entrance ng bahay, na may madilim na aura.


"Oh ayan na asawa mo, sa kanya ka, akin si Andrei" masungit na sabi sakin ni Ven, na bahagyang ikina-ngiti naman ni Franco, seriously, anong meron kay Ven? Three days halos two days lang ako nawala pero parang nagbago sya bigla, am I missing something here? Napailing na lang ako at pumunta sa mini den ko, sumunod naman si Franco.

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon