55

14K 292 2
                                    

"Mommy love.. Ayoko pong maging ring bearer.." maktol ng nakanguso kong anak.


Gusto kasi namin pareho ni Franco na kasama si Franz sa entourage sa kasal namin. Nagpafinalize na kami ngayon ng mga details pero hindi pa matapos tapos dahil sa nagmamaktol kong anak.


"Baby love, ayaw mo bang maging part ng wedding ni Mommy love at Dada love?" tanong ko sa bata.


Hindi ko alam kung bakit ayaw nya. Hindi naman mahiyain ang anak namin kaya sure akong hindi ito ang dahilan. Gusto din nya ng madaming crowd kaya imposible yun.


"Gusto po. Pero kasi mommy love... Eh kasi mommy love! Si Shane na lang po ang ring bearer nyo!" sagot nya


"Gusto mo ba palit kayo? Ikaw sa bible baby love?" tanong ko. Baka yun ang gusto nya, wala namang problema sa akin basta kasama pa din sya sa entourage


"Ayoko din po nun mommy love.." napapayukong sabi nya


"So ayaw mo ngang sumama sa wedding namin ng Dada mo?" naiinis ko ng tanong, sakto namang bumalik na si Franco na umalis kanina dahil may kinausap sa phone. Tinabihan nya ang anak namin na hindi sumagot sa tanong ko.


"Anong gusto ng baby love namin?" Natatawang tanong ni Franco, inirapan ko lang sya. Naiinis na nga ako sa anak namin, nakukuha pa nyang tumawa. Tumayo naman ang anak namin sa couch at saka inilapit ang bibig sa tenga ng Dada nya.


"Franz! Madumi yung shoes mo tapos inaapak mo sa couch?" I admonished. Malungkot na nilingon ako ng anak namin at saka umayos na ng upo. Hindi na itinuloy ang ibubulong sana sa Dada nya.


"I'm sorry po mommy love. I'll be the ring bearer na po." Nakayukong sabi nya. Nakonsensya naman ako sa ginawa ko. Pilit kong pinapaalala sa sarili ko na hindi ko dapat pinapagalitan sa harap ng ibang tao ang anak namin. Nandito kasi si Cess – ang wedding planner at ang assistant nya.


"I'm sorry too baby love." Sabi ko at saka hinalikan sya sa ulo.


"So ano bang gusto ng baby love namin?" masiglang sabi ni Franco, inilapit pa nya ang tainga nya sa mukha ng anak namin.


"C'mon baby love, ibulong mo na kay Dada." Pang-aalo pa nya. Tuningin muna ang bata sa akin at noong makitang nakangiti ako ay bumulong na sa Dada nya. Malakas ang naging tawa ni Franco sa kung anoman ang ibinulong ng bata sa kanya. Tumatango-tango pa.


"Okay young man, sige.. Dada like that." Sagot pa nya. Kunot-noo ko naman silang tinignan. Nakakainis kasi, silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.


"Babe, gusto daw nya, little groom sya." Sabi nya at saka tumawa ulit ng malakas. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.


"Franco! Gahol na tayo sa oras! Wala na akong mahahanap na partner nya parang maging little bride at papalit sa kanya para maging ring bearer!" Nagpapanic kong sabi. Sa tono pa lang nya, alam kong pagbibigyan nya ang anak namin sa hinihiling nito! Goodness! Okay na sa akin ang simpleng kasal at konting entourage! Hindi na kailangan dagdagan.

Tsina: The 15M WifeWhere stories live. Discover now