10

14K 318 7
                                    


Saturday morning, pagbaba ko, may bisita na ko, "Oh aga mo ah? Ano kailangan mo?" tanong ko buti na lang nakapag hilamos at toothbrush na ko.


"We're going to tagaytay today wife" sagot nya na parang sa kanto lang kami pupunta, at talagang wife ang tawag nya sakin pag kaming dalawa lang.


"Ano gagawing natin dun? Nagbreakfast ka na?" tanong ko sa kanya


"Mamamasyal, yes, tapos na bago pumunta dito." Sagot nya


"Ako kasi hindi pa, pwede kumain muna?"


"Magluluto ka pa, mag bihis ka na, bili nalang tayo ng breakfast mo sa fast food, sa sasakyan ka na kumain." Sabi nya na akala mo nagmamadali at malalate sya pag kumain pako, eh mamamasyal lang naman.


"I don't eat fast food's breakfast meal." Masungit kong sagot saka dumiretcho sa kitchen, nagsangag ako ng kanin tapos nagprito ako ng itlog, daing, hotdog at bacon, nagbrewed na din ako ng coffee, nung matapos ako, umupo na ko para kumain, nakakailang subo na ko nung mapansin kong nakasandal si Franco sa entrance ng kitchen at palipat lipat ang tingin sa niluto ko at sa akin.


"Kain?" aya ko sa kanya para mabawasan ang pagkailang ko sa tingin nya sakin.


"Ang gana mo ata kumain ngayon?" comment nya, inubos ko muna yung laman ng bibig ko bago sumagot.


"Not just today, it's one of my morning routine"


"So madami kang routine?" tanong  nya na umupo pa sa harap ko, tumango lang ako tapos sumubo na ulit dahil ayoko na humaba pa ang usapan.


"Grabe! May rice ka na magbe-bread ka pa! Mamamasyal tayo, di kita ipapabitay!"  sabi na naman nya. Sinamaan ko sya ng tingin at inubos and pagkain sa bibig ko at uminom ng kape bago sumagot.


"Nawalan na ko ng gana, wait lang, mag aayos na ko." saka tinalikuran sya at umakyat na sa kwarto ko para makapag ayos, I settled for a red long sleeved and white short. Itinupi ko yung sleeve hanggang sa siko then tinali ko yung laylayan sa bewang and it almost look like a hanging blouse at nag flat shoes and I'm good to go. Kinuha ko lang yung purse and phone ko  then bumaba na. "Let's go!" aya ko sa kanya


"Ayan na yung suot mo?" tanong nya sakin scanning me from head to foot and back to head again na ikinakunot ng noo ko, problema ba neto?


"Why? Something's wrong with my outfit? Pangit?"kunot-noo ko pa ding tanong


"No, it's just that your short is too short" kunot-noo din nyang sagot.


"Eh? San ba nakakabili ng short na mahaba?" pamimilosopo ko


"You know what I mean Tsin, saka malamig dun." He said with a grim face


"Aalis tayo ng ganito suot ko or aalis ka mag-isa mo?"  inis kong tanong sakanya


"Fine! Let's go!" he said in a resigned tone. Hahaha! Kala nya ata uubra sya sakin

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon