9

15.8K 351 11
                                    

Kinabukasan

Pag dilat ko, maliwanag na, nakatulugan ko na yung pag-iisip sa company nila Franco, well, back up lang naman ako pero mas maganda na talaga yung mapag aralan hanggang maaga, teka? Ano to? Continuation nung iniisip ko kagabi? Tsk! Makaligo na nga at ng makapasok na sa office, napakadami ko din inaayos sa office ni Zandro, hati na nga kami ng PA ko eh, pagbalik nya, tatambakan ko sya ng trabaho, Psh.. ang daming iniwan na trabaho habang nagliliwaliw sila ni Ven, "hello? Ikaw may idea ng bakasyon nila?" sagot din ng utak ko. aishhh! Kaya ayaw ko mag manage ng company ehh! Mapapraning ako!. Kaya sana wag masyado masarapan sila Zandro sa bakasyon nila! Hahahah, naligo na ko at paglabas ko ng bahay, guess who's here?


"Oh Mark, napadalaw ka ng ganito kaaga?" –ako, sabay ngisi sa kanya


"Where's Grace Tsin?" sagot nya, ang itim ng ilalim ng mata nya, mukang walang tulog tong isang to.


"It' classified, Military Secret." Ako, na nagpipigil ng tawa. Hahaha


"Tsin, be serious naman," –Mark, na naiinis na, halos sabunutan na sarili


"At bakit ko naman sasabihin sayo?" tanong ko.


"She cannot get away that easy Tsin! Gaganti ako" galit na sagot nya.


"Then my answer is no Mark!. Ganti your face! Wala kang makukuhang info sakin" sabi ko, sira ulong yun, bata lang? may ganti ganti pang nalalaman, medyo bakla eh ano po? Alam ko babae lang mahilig sa ganun.


"Fine! I'll find her on my own!" –sya, aba at tinakot pa ko.


"You can't but if you insist then you can go ahead, make your day! As if naman mahahanap mo." Sagot ko, duh? Kung mahanap nya, sinamaan ako ng tingin, nginisian ko lang, well di ako takot.

"You're impossible Tsin!" inis nyang sabi sabay walk out. Makapag ayos na nga at madami pa ako aasikasuhin.


I'm about to leave my house when the doorbell ring, pag silip ko, I saw James kaya binuksan ko agad yung pinto, yes! Pinto agad, walang gate ehh, open garage ang meron ako. "Oh J, ang agang bisita naman?" bati ko


"L, daan ko lang tong report, I have a flight to catch today, tinapos ko muna kasi bago ako umalis, baka matagalan ako eh, may emergency sa Davao." Sya, mabilis talaga syang kumilos kung gugustuhin nya.


"Okay, thanks J! Kaya mo na ba yan or you need my help?" pag-uusisa ko


"Under control na L, I already use some of your connections, I hope you don't mind." Nahihiyang sagot nya habang kumakamot sa noo nya, mannerism nya yan pag nahihiya sya, I just rolled my eyes habang nakangiti,


"Yeah, I don't mind and as if naman may magagawa pa ko, you already used it eh!" I joked


"Thanks L, Got to go bye!" sya, then kissed me on my cheek bago umalis.


"Bye! Keep safe, madami pa ko ipapatrabaho sayo pagbalik mo!" pahabol ko then pumasok ulit ako sa bahay, binasa ko na yung report nya, di na ko makapaghintay na makarating sa office, kating-kati na yung pagkatao kong usisera, hahaha pero habang binabasa ko yung report, unti-unting nawawala yung ngiti ko, ang siksik lang nung report, lahat ng info nandito na, ewan ko lang kung may kulang pa to, buong-buo na yung kwento eh, pati sikreto ng company, kung paano nabili yung stock secretly, kung sino ang bumuli na dummy lang naman pala, Their agenda for buying that share and as early as this, they were doing something behind Madrigal's back. I also have on my hand the list of all share holders of the company, I scanned it and smiled when I saw someone's name. Gosh J! Mahahalikan kita! James really is the best! Every page of this report is useful.

Tsina: The 15M WifeWhere stories live. Discover now