36

10.2K 254 3
                                    

I woke up in an unfamiliar ambiance, at halos mapatili ako noong makita ko kung  saan ako nakahiga! My god! I really did it with him  again! Akala ko isa na naman ito  sa mga panaginip ko! Sinubukan kong tumayo pero humigpit ang pagkakayakap nya sa bewang ko.  Tinitigan ko syang  mabuti para alamin kung nagkukunwari lang ba syang tulog pero base sa pantay na paghinga nya ay  alam kong tulog talaga sya. Bakit  nga  ba ako napunta dito?

Flashback

"What is it  James?" I asked irately, ilang araw na nya kasi akong  kinukulit na lumuwas ng Manila para lang pumirma  ng contract ng isang maarteng businessman, sinabi ko naman na icancel na lang  nya ang deal pero ayaw pumayag ni James, malaking pera daw ang mawawala pag nag cancel  kami, at ang maarteng businessman, gusto pang sa harap nya ako pipirma. Bwisit talaga! Napaka demanding! Hindi  ko  alam kung gaano  ba kalaking pera ang ipapasok noon sa amin at pinagtyatyagaan sya  ng  ganun ni James.

"You need to come here or we'll  go  at your place, you choose!" Aba at talaga naman! Hinahamon ako! Alam naman nyang  bawal ang ibang tao sa Farm!

"Okay, I'll come. I call you tomorrow or the day after tomorrow pag nandyan na ako." Napipilitan kong sagot. Sisiuraduhin kong huling contract na ito ng maarteng businessman sa amin,  kahit pa Malaki  ang  ipinapasok nyang pera.

"Copy. Bye!" masigla ng paalam ni  James, parang excited pa  nga.

 

Second day ko na sa manila nung tinawagan ko  si James, actually, kinabukasan ng umaga pagkatapos ng phone call ay bumiyahe na ako Pa-Manila. Gabi  pa lang ay  nagpaalam  na ako sa magtiyuhin, umiyak pa nga si Franz noong sinabi kong three days akong mawawala, buti  na lang to  the rescue ang tito/papa Andrei nya kaya  napapayag ko  din sya. Nagpupumilit ding  sumama pero tinakot sya ng loko-loko nyang tito and being a child that he is, naniwala syang madaming monster na nangunguha ng cute na baby sa Manila. Pinagpromise lang nya ako na tatawagan ko  sya ng madalas pag  nandoon na ako at ibibili ko sya ng mga toys na pinalista nya sa tito  nya.

 

Katatapos ko lang pirmahan yung kontrata ng magdecide akong pumunta sa Mall para bilihin ang mga bilin ng  anak ko. Jusko! Ang siraulong Andrei ang may  kasalanan kung bakit ang  mamahal ng mga nakalistang laruan na pinapabili nya.  RC toys? Tapos yung pinaka  mahal pa ang ipinapabili? Robot na hindi ko alam kung saan gawa at ganoon kamahal? Action figure? My God Andrei! Kukutusan kita pag-uwi! Ibinigay ko  na  ang card ko kasama ang Address naming sa Farm, ipapadeliver ko na lang iyon. Saktong pagkabalik sa akin ng card ko ay nagring naman ang phone ko. Agad kong sinagot  iyon.

"Mommy love, I  forgot something" malambing na sabi ng nasa kabilang linya

"What is it  baby love?" I asked sweetly

"Mommy  love, can you please buy me a stuffed toy as big as me?"

"Sure baby  love."

"Nabili mo nap o yung nilista naming ni  Papa?" excited nyang tanong

"Yes baby love, nabili ko na po lahat ng bilin mo. Wala po akong nakalimutan sa mga inilista natin. I have  a surprise for you  when I get home." I heard him gasped, Oh! My  son loves surprises!

"Talaga mommy love? Be home fast po! You take care! Baby love misses you much already! Baby love love love you!"

"Opo baby  love. I love love love you too po! Babye! Mwah!" I ended the call and then the next thing I knew ay kinakaladkad na ako papunta sa God knows where! Kahit ang gwardya ng mall ay hindi nakapalag sa takot sa itsura ng galit na galit na si Franco! Ako lang ata ang malakas ang loob na hinahampas hampas sya habang naglalakad kami. And you know the rest  of the story.

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon