30

12.7K 280 2
                                    

I arrived at Singapore and headed to my hotel suite, magpapahinga muna ako at mag-aayos ng gamit, tomorrow morning pa naman ang meeting ko. Pagdating ko sa hotel na tutuluyan ko, nilapag ko lang ang gamit ko at nahiga na agad sa kama. I am so sleepy, I didn’t get the chance to sleep in the plane. I woke up feeling disoriented, natulala muna ako ng konti bago ko maalalang nasa Singapore pala ako. I call for a room service dahil sobrang gutom na ako, ang huling kain ko pa ay yung breakfast kanina, I never eat in the airplane. Habang naghihintay ng pagkain ay naalala kong buksan ang phone ko tapos ay yung laptop ko. And my message alert tone pings continuously. I’ve got 3 message from Venisse asking me if I arrived safely, 2 from Andrei telling me that I didn’t inform him about the trip and thirteen freaking message from Franco! Gosh! Masyado syang clingy! Imagine? Puro Where are you lang ang tanong tapos 13 send? Oh well, 12 lang pala dahil yung isa is “Open your effin’ phone!

I typed a quick text telling Ven I arrived safely and next to Franco and just when I am about to send the message, my phone rings. It’s Franco.

“How have you been? I’ve been dialing your number for hours now but I can’t get through. Sabi mo bukas pa naman ang meeting nyo diba?”

“Hey, calm down.” I arrived safely kaya lang pagdating ko dito nakatulog agad ako sa sobrang antok at ngayon lang nagising.” Natatawang paliwanag ko.

“Sana man lang tinext mo ako pagkadating mo” may himig tampo nyang sabi

“Sorry, di ko na naisip kanina yun, sobrang antok, anyway, whose fault is this ba? Sino ang pumuyat at pumagod sa akin?” nanunukso kong tanong

“Oo na, kasalanan ko na! Sinadya mo ata eh? Gumaganti ka no?” natatawa na nyang pag-amin at tanong.

“Hindi ah! Pinagod mo lang talaga ako masyado. How’s work?” I asked

“Yun naman ang pagod na masarap ulit-ulitin! Hahahahaha” tawa nya pa.

“Franco! We’re on the phone!” saway ko sa kanya

“I missed you babe, uwi ka na”

“Ang OA mo! Wala pa ngang 24 hours eh!” natatawa kong sagot

“Why? Do we have required time before we miss someone? Missing is when you are in a moment wishing someone is here with you” He said seriously

“Hey? What’s up with you? You a’right?” kanina kasi nung kinumusta ko ang work, hindi nya sinagot, so I suspect, may kinalaman iyon doon.

“Nothing that concerns you babe, sa  work lang”

“What? If it involves you, then I am concerned. What is it?” sabi ko, bumuntong hininga muna sya bago sumagot

“Some investors are pulling out their investment and the Board is blaiming me. They want to replace me as the acting CEO.” He explained

“And who they prefer to be their CEO?” I asked sharply, nakakunot-noo na ako

“Wala pa naman, pero ang gusto nila bumalik si Papa or someone fit for the position from the board.” Walang ganang sagot nya.

“How about Mr. Cheng? Did he backed out too?”

“Nope, sya lang yung natira sa apat.” He answered

“Then find another! Ipakita mo na kaya mo!” I encouraged him

“It’s not that easy babe plus the fact that..

“I never say it would be easy Franco, but at least gumagawa ka ng paraan, anong gusto mong mangyari? Hayaan nalang na ganun ang tingin at gawin nila sayo? Wala ka nang gagawin? Inilagay ka ng Papa at Lolo mo dyan sa pwesto na yan because they trust you so much, don’t disappoint them.” Inis na putol ko sa sinasabi nya. He is losing his confidence, I know he only needs some boost. Matagal na katahimikan ang namagitan bago sya sumagot. Akala ko nga binaba na nya

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon