"Eh? Ang KJ mo ah. Sumali kana! Ako bahala sa gown, promise!" Pamimilit pa ni Desiree

"Pag-iisipan ko." Charot lang, para lang tumigil na siya sa pangungulit. Hindi kasi ako titigila niyan e =_=

Naglakad na ako pauwi sa apartment na tinutuluyan ko. Mabuti nalang at HRM ang course ko. Hindi ako nahihirapan sa pagluluto ng pagkain.

Binuksan ko ang gate ng bahay, umupo ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. May nagtext pala.

Inopen ko ito at binasa.

Christopher Andrada
Nasaan ka?!
- Received

Aba, may paghahanap na nagyayari >.> Wala ba siyang makita na pwede niyang saktan nang paulit-ulit kaya niya ako hinahanap? Tss. Epal pala no'n e.

Reply:
Who you?
- Sent

Ha! Sampal sa kanya 'yan kung nagkataon. Maisip niya sanang kinakalimutan ko na siya kaya magmove-on na kaming pareho.

*phone vibrates*

Christopher Andrada
Stop playing, Pei. Where the fuck are you now?!
- Received

Stop playing with me, too, stupid heartbreaker! Kahit mahal kita hindi na 'ko magpapauto sa'yo!

Reply:
Don't text me again. Leave me alone!
- Sent

*phone vibrates*

Christopher Andrada
Go home now, Pei. Go back.
- Received

Hindi ko na siya nireplyan. Para saan pang umalis ako sa bahay kung magkakaroon pa rin kami ng communication, diba? Para lang akong tanga no'n. -_-

This past few days, masyado akong naging emosyonal. Oras na siguro para maging masaya naman ako ulit total mas masaya pa nga ako dati noong hindi pa kami ikinakasal ni Chris.

Pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng damit pambahay. Sa drawer ko, nakita ko ang annulment paper namin ni Christopher. Kinuha ko 'to at saka binasa ang nakasulat. Sa tingin ko, ito ang tama at dapat kong gawin.

Isinulat ko ang buo kong pangalan at saka nilagyan ng pirma.

I am setting you free, Christopher Andrada. Happy Independence Day.

Christopher's POV

"Jasmin, nasa'n ang Ate Pei mo?"

"Ah molla!" Inismid pa niya ang mata niya sa 'kin.

"Ahmolla" means "I dont know"

"Wala na siyang mga gamit sa kwarto naming, wala rin sa kwarto mo. Saan niya nilagay ang mga 'yon?"

Saan ba isinalpak ng babaeng 'yon ang mga gamit niya? -_-

Hindi sumagot si Jasmin. Ano bang problema niya? Tch.

"I am asking you, where is she? Hindi ba siya nagsabi sa 'yo?"

"Bakit ba sa 'kin mo siya hinahanap?! Ikaw ang asawa niya diba?! Ikaw dapat ang may alam no'n! Irresponsible!" - Jasmin

"I am just asking, bakit ka sumisigaw?!"

"Ask yourself. I hate you." Sagot niya sa 'kin.

"Tigilan mo ang pagkausap mo sa 'kin nang ganyan, kuya mo 'ko baka nakakalimutan mo. Show some respect!"

"You're not like my Oppa anymore. Nagbago kana! Hindi ka naman dati gan'yan sa mga babae. Bakit mo binalewala ang feelings sayo ni Unnie, ha?! Masyado mo siyang sinaktan. Masyado kang nabulag, masyado kang manhid. Ni hindi mo nga naramdaman na umalis na siya rito sa bahay. Kung sabagay, ni hindi mo nga alam na nang dahil sa'yo naging mababaw ang kaligayahan niya! Isang ngiti mo lang, isang kausap mo lang sa kanya masaya na siya. Makuha niya lang ang atensyon mo natutuwa na siya. Kailan mo makikita ang halaga ni Unnie, Oppa? Kapag may umaagaw na sa'yo? Kapag hindi ka na niya gusto? Napakasama mo sa kanya! Naiinis ako sayo!" - Jasmin

"U-Umalis si Pei?"

"Oo! At wala siyang sinabihan kahit na isa sa 'tin kung saan na siya titira."

"Ano bang problema niya? Ano na namang kalokohan ang naisip nya?" I whispered.

"The problem is not in Unnie, It's in you Oppa."

Umalis siya sa sala at umakyat sa kwarto niya.

Saan nga kaya nagpunta si Pei?

"...Masyado mo siyang nasaktan..."

Siguro nga. Siguro nga nasaktan ko siya.

Napaupo ako sa sofa. Nakatulala ako nang biglang lumapit sa 'kin si Nanay at may iniabot na brown envelope.

"Galing kay Mika." - Nanay

Kinuha ko 'to at saka tinignan ang nakalagay sa loob.

Isang pirmadong annulment paper.

Siguro magiging masaya na 'ko nito dahil malaya na 'ko. Magiging kami na ni Foina, babalikan na niya 'ko. Pwede nang pumalit si Foina bilang asawa ko. Magiging masaya na 'ko dahil wala nang Cassiopeia Mikael sa buhay ko.

Pero bakit ganon?

Hindi ako masaya sa pagpirma niya rito.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now