Chapter 17: Nasa pag aalaga lang yan..

338 14 0
                                    

KATH POV

Alam nyo yung awkward? Kami yun ni Daniel eh >.<

Grabe ang weird niya. Umaatake na naman yung pag ka-bipolar niya. Letse! 

Eh pano ba naman simula nung ginising niya ko kanina sa van bigla na lang siya naging ewan!

Yun bang hindi siya makatingin sayo ng diretso, yung mata sa mata. Halata mo talaga naiilang siya, p-para bang hindi siya kumportable sayo? :(

Eh bakit ba nalulungkot ako? Ugh.

"Girl, bakit nga kasi hindi kayo nag papansinan?!" Kiray.

"Hindi ko nga alam" Kanina pa ko kinukulit neto ni Kiray at Julia. Sabi na eh nakakahalata na ang barkada na may ilangan kami ni Daniel.

"Baka nga kasi may nagawa ka o di kaya nasabi?" Julia.

Nagawa? Yun na nga eh. Wala ako maisip na may nagawa ako o nasabi manlang.

"Wala nga sabi eh. Alam nyo paulit-ulit na tayo dito eh. Dun na nga kayo sa mga kwarto niyo. Patulugin nyo na ko, nilalagnat pa ko"  Oo nilalagnat talaga ko. Malas lang eh, hays.

"Hindi naman kasi kapani-paniwala eh. Di mo alam? Duhhh, impossible teh. Kaya sabihin mo na kasi" Kiray.

"Bahala nga kayo. Sabi hindi ko nga alam! HELLO, tulog ako kanina diba?" Bigla nanlaki ang mata nila sa sinabi ko.

Bakit may mali ba ko nasabi? Nag katinginan pa sila dalawa bago nag tawanan. 

"Ano meron?"

"Eh kasi bes. Naniniwala na kami ni Kiray na WALA KA NGA ALAM. Hahaha" Julia.

"Yeah Right. Haha. Kaya siguro hindi siya pinapansin ni Daniel dahil dun" Kiray. Dahil dun? Bakit ano ba nangyari habang natutulog ako?

"Hoy, kayo dalawa! Ano alam niyo na di ko alam?"

"Alam namin na di mo alam? Duhh. Malamang, kung bakit di ka pinapansin ni Daniel" Kiray.

"Letsugas. Alam niyo naman pala eh tatanong-tanong pa kayo"

"Eh kasi ngayon lang din namin nalaman bes" Julia. Huh? Ano daw? Anubayan, naguguluhan man ako.... Pero

"Bakit? Bakit hindi niya ko pinapansin?" Oo, gusto ko malaman kung bakit hindi ako pinapansin nung mokong na yun.

"Eh kasi.... Dahil dito" Inabot sa akin ni Julia yung cellphone niya. Kinuha ko naman 'to at tinignan yung mga nakalagay don na----- 

O______O

>////<

"WAAAAAHHH! Bakit may ganito?!! A-ako ba talaga 'to?!" Ramdam ko nag iinit na ang mukha ko, di lang dahil sa nilalaganat ako. Kundi dahil sa nakikita ko......Huhuhu!

Eh pano ang nakikita ko lang naman eh yung mga pictures namin ni Daniel habang natutulong........ At........ H-habang nakayakap ako sa kanya... Huwaaaaaaaaaa >///<

"Oo bes, ikaw yan. Natural na natural yan. Walang halong edit" Julia.

"Dyan pa lang parang kamatis ka na. Pano pa kaya dito..." Kiray. Huwaat?! Meron pa? Huhuhu.

Kinuha ko yung inaabot na cellphone ni Kiray.

VIDEO?! May video pa? Huwaaaa. Cnlick ko yung play.

Our heart know's the truth :&quot;&gt; |EDITING|Where stories live. Discover now