Chapter 2: Barkada :)

658 19 2
                                    

[KATH's POV]

 

Tama, kailangan ko mag tiwala. TIWALA LANG KATH! TIWALA LANG. Tutuparin nya yun, He promised you. Mag antay ka lang kath, MAG ANTAY KA LANG.

Hay. Ano ba yan. Umagang umaga nag dadramahan kami ni bes. Tumahan na ko sa pag iyak! Pero mag kayakap pa din kami ni Julia. She’s still comforting me! Ng biglang ---

“BABY CHANDRIAAAAAAAAAAAAA”

“Aish! Shit. Aga-aga ang ingay-ingay” Napaalis na kami sa pag kakayakap ni Julia.

“Oo nga eh. Ang O.A kala mo may sunog” Julia. Bigla naman bumukas ang pinto.

“Baby chandria. Gumising ka na---“ Napatigil naman si kuya ng Makita niya si Julia, oo tama kayo ng basa kuya ko yon na akala mo eh nakalunok ng megaphone. “Oh. Good Morning Baby Julia” Masiglang bati ng kuya ko kay Julia. T-teka lang! bakit nauna pang batiin ni kuya si Julia kesa sakin. Hmp!

“And Goodmorning Chandria” Wow ha. Mind reader? Teka, kay Julia may baby! Sakin wala! >.<

“Baby ka dyan. Aba, ang aga aga nambubuwisit ka agad”

“ 'to naman. HB agad! Wala manlang bang Hello, oh Hi din man lang dyan. Oh kaya kung bukal sa loob mo. Pwede din naman Goodmorning kiss. Oh kya hug. Diba, diba?” Ngiting wagas ng kuya ko. Sabay taas baba ng kilay!

“Hello. Satisfied?” Julia.

 

“Yun naman pala eh” Akmang yayakap pa si kuya kay Julia. Pero humarang ako, kaya ako ang nayakap nya.

“Oh. Good morning din kuya Neil” Pang aasar kong bati kay kuya.

Yes. Tama kayo ng nabasa! Sya po ang kuya slash classmate slash barkada ko na si Neil Bernardo. 18yrsold. Tama basa nyo, classmate kami. Dahil yung 2ndyr ako. Sinama ni daddy si kuya sa states para sa business ni daddy! Bumalik sya dito ngayong 3rdyr na ko. Pero pinasabay na sya ni mommy sakin dahil may di nya natake ng seryoso yung studies nya sa states at tska para daw may bantay ako! >.<

Super kulet nyan. Kwela ng barkada! Pero wag ka, Good advice giver yan! Taga pag tanggol ng barkada. Basket ball player. Music lover na laging may nakasabit na headset sa leeg. Chickboy, Popular! Gwapo kasi yan. Nasa lahi na daw . Sino nag sabi? Eh di sya -___________-

Lovelife?! Wala sya nyan. Kaya nga loner eh! Pero kung tutuusin, gwapo naman kuya ko. Isa pa, isa sya sa campus crush! Pero dahil sa kapatid nya ko. Alam kong may mahal yan. At alam ko din na may hinihintay yan! Dahil simula ng umuwi yan dito galing states. Naging super kulet nyan. Tapos naging chickboy! Pero pag mag isa na lang yan. Minsan nahuhuli ko yan sa kwarto nya, malungkot, tulala at malalim ang iniisip. Kapatid nya ko kaya alam ko na sa super kakulitan nya, masayahing mukha, at sa mga ngiti nya. Alam kong may nakatagong sakit at kalungkutan.

Our heart know's the truth :&quot;&gt; |EDITING|Where stories live. Discover now