Chapter 4 - One Shot...That's All He Got

68 0 0
                                    

CHAPTER 4 


Dumating ang araw ng kasal nina Nessa at Kent, dahil sa tradisyon ng pinoy hindi sa apartment nina Brianna maghahanda ang bride kundi sa bahay ng mga magulang ni Nessa kung saan ito lumaki. Umaga pa lang busy na silang lahat sa paghahanda mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda. Alas tres ng hapon ang ceremony kaya pagkadating ng make up artist bago mag pananghalian ang inumpisan na nito ang pag tatrabaho, inuna muna ang mga flower girls at pagkatapos ay ang mga bridesmaids at saka si Brianna and then the bride. Habang busy ang mga tao sa pagpapa ganda si Brianna ay busy naman sa kakasagot ng kangyang cellphone oras oras dahil sa tawag ni Kent. Natatawa nalang siya habang nag riring uli ang phone niya at makitang si Kent nanaman ang tumatawag halata na masyado na nag aalala ito na baka hindi siya siputin ng bride niya. 

Lampas alas dos na ng maka alis sila ng bahay patungong simbahan, kailangan nilang umalis dahil mahirap na baka ma traffic sila di bali ng maghintay sila ng alas tres sa harap ng simbahan kaysa nasa gitna sila ng daan seguradong hihimatayin ang groom sa pag aalala.At gaya ng request ni Brianna naka flat shoes lang muna siya habang papunta sa simbahan at binitbit ng isang bakla na kasama sa mga nag ayos sa kanila ang sapatos na dapat isusuot niya.Nasa bridal car si Nessa kasama ng mga magulang niya habang nasa kasunod naman na van sila Brianna at mga flower girls at bridesmaids, tinixt nalang niya si Kent na paalis na sila ng bahay para hindi na ito tumawag at para ma ibsan na rin ang pag aalala. Habang nasa mag kasunod na sasakyan sila panay naman ang text ni Nessa sa kanya nag tatanong kung ok ba hitsura niya, kung maganda ba damit niya kung ok naba lahat sa simbahan at pati na rin sa reception. Alam na alam niya ang nararamdaman ng kaibigan kahit hindi pa siya naging bride, kung gaano ka tense si Kent for sure doble ang nararamdaman ni Nessa ngayon. Naisipan niyang tawagan ito- 

"Hello Bri?" sagot nito sa unang ring pa lang. 

"Nessa, relax ok?" natatawang sagot niya dito habang ang paningin ay nasa bridal car na sinusundan nila "Eto na 'yon at ang groom mo nasa simbahan na naghihintay sayo kaya pwedi ba relax ka lang" 

"Nenenerbyos ako e" 

"Alam ko..Huwag mo nalang kasi isipin yon, hindi nakakatulong yan. Ikaw ang pinaka magandang bride na nakita ko sa tanang buhay ko at pag dating mo sa simbahan andon ang prince charming mo naghihintay sayo"  

"Salamat Bri..At ikaw ang pinaka the best na kaibigan sa buong mundo." 

"I know right."pa kikay na sagot nito at narinig niyang tumawa ana kaibigan, alam niya kung paano pa kalmahin si Nessa lalo na sa pagkakataong ito "Sige na malapit na tayo sa simbahan"paalam nito sa kaibigan. 

"Ok. 'Love you Bri." 

"Love yah best."sagot niya at saka pinutol na ang tawag na may ngite sa mga labi. 

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating din sila sa simbahan, nag sibabaan na sila Brianna mula sa van at ang mga magulang ni Nessa pero naiwan ang bride sa loob ng kotse hindi ito lalabas hanggang sa maglalakad na ito patungong altar. Pagkadating nila pina alam na agad sa pari para makapag umpisa na sa ceremony. Ng makita siya ni Kent sa pinto ng simbahan napansin niyang parang huminga ito ng maluwag, napailing nalang siya dahil alam niyang pag kakita ni Kent sa kanya alam nitong nasa labas din ang bride to be niya at naghihintay na mag umpisa ang kasal. Nginitian niya ang groom sabay thumbs up, ngumite din ito sa kanya at tumango. 

The wedding coordinator called the entourage in order at ng mag umpisa na ang tugtug isa isa ng nag sipag marcha ang mga ito. Nauna ang best man at sumunod ang mga magulang ng groom na sinundan ni Kent, at mga principal sponsors, secondary sponsors, bridesmaids & grooms men, bearers, flowers girls, at si Brianna kasunod ang mga magulang ni Nessa at huli ang bride na hihintayin ng mga magulang nito sa kalagitnaan ng aisle para ihatid sa naghihintay na groom sa harap ng altar. Habang nag lalakad na si Brianna patungo sa pwesto niya sa may likuran ng bride, she made sure to clear her mind dahil kailangan niyang mag concentrate sa paglalakad kung ayaw niya mapahiya sa maraming tao, marunong naman siya gumamit ng sapatos na may heels ayaw lang niyang nagsusuot ng ganitong klasi dahil hindi komportable para sa kanya.At sa awa ng diyos nakarating naman siya sa pwesto niya na walang pagkadapang nangyari. Wen she settle in her post nilingon niya ang kaibigan na kasalukuyang naglalakad sa aisle to meet her prince charming, pinag mamasdan niya ito at alam ng dalaga kung gaano ka saya ang kaibigan dahil nakikita niya sa mga mata nito at sa lapad ng ngite na hindi nawawala mula ng magsimula itong mag lakad mula sa pinto ng simbahan at hindi niya napigilan ang mga luha na tumulo galing sa mga mata niya. Mamimis niya ang kaibigan lalo na pag nag isa nalang siya sa apartment pero masaya din siya para dito dahil sa magandang kinabukasan na naghihintay dito. Si Kent ang lalaking pinapangarap ni Nessa at sobrang swerti siya dahil happy ending ang kanyang fairytale at alam niya na hindi siya sasaktan ni Kent.  

One Shot...That's All He GotWhere stories live. Discover now