Chapter 16 - One Shot...That's All He Got

18 0 0
                                    

CHAPTER 16


"Revised nalang natin 'tong portion na 'to dito para ma minimize yong changes" suggestion ni Brianna. Nakatayo sila sa may cubicle niya at napapagitnaan siya nina Jeff at Donald habang tinitingnan ang A1 size na hawak niyang drawing, plano sa ongoing project nila na building ng mga Evans "Ano sa tingin nyo?"

"Oo pwedi." Sang-ayon ni Donald.

"Kung dito sa kabilang  portion na to kasi tayo mag re-revised e malaking-" naputol ang sasabihin ng dalaga ng bumukas ang pinto ng office nila at nabaling ang paningin nilang tatlo at pati na lahat ng tao sa opisina sa mga bagong pasok.

Napanganga si Brianna sa gulat ng makita niyang papasok ang amo nila at kasama ang walang iba kundi ang taong nag mamay-ari ng puso niya, si Andrew. Napansin niya may hinanap agad ang mga mata nito pagkapasok ng ofifice at nang madako ito sa kanya, napako ito doon at he gives her a sweet smile. Obviously, siya ang hinanap nito pagkapasok pa lang at hindi inalis ang paningin sa dalaga kahit na habang naka sunod ito sa amo niya na nag lalakad patungo sa pinaka gitna ng office nila, and he winks at her ng mapadaan ito sa harap niya.  

"Everyone, may I have your attention muna." Pasiuna ng amo nila, biglang sobrang natahimik ang opisina "May good news ako para sa ating lahat. We're very lucky to be the recipient of a very nice offer from Mr Evans, naghahanap ang engineering department niya ng in-house architect firm. And na impress siya sa performance natin so far so he is offering us the opportunity at sino ba naman tayo para tanggihan ang napakalaking karangalan na ito.Kaya simula ngayon, we are with the Evans Group of Companies.Permanently." Pag babalita ng amo nila na may sobrang lapad na ngite sa mukha. Nagpalakpakan ang mga tao sa opisina dahil sa tuwa. "At hindi lang iyan, lilipat na tayo ng office once na ayos na ang agreement. We will be working with EGC's engineering department under one roof. So lilipat tayo sa building ng EGC as soon as ma settle na lahat." Dugtong ng amo nila at lalong napa lakas ang palakpakan at hiyawan sa loob.

Tanging si Brianna lang hindi maka galaw, para siyang ipinako sa kinatatayuan. Nakatingin lang siya kay Andrew habang hawak pa rin ang malaking drawing, hindi siya makagalaw ang tanging napansin lang niya ay ang bahagyang pag taas ng kilay ng binata ng mapansing siya lang ang mukhang hindi natutuwa sa narinig na balita at mukhang napansin yata ito ng dalawang lalaki na katabi niya dahil naramdaman niya halos magkasabay siyang bahagyang siniko ng mga ito at doon siya natauhan, naki palakpak na rin siya.

"EGC is excited to work with you guys and looking forward to it too" nakangiteng pahayag ni Andrew at inilibot ang paningin sa lahat ng staffs "Ngayon pa lang, I personally welcome you all to EGC family. I hope you'll enjoy working with us and thank you Mr Morris for accepting our offer."

"No Mr Evans, thank you for this opportunity. Malaki ang impact nito sa kompanya."

Palakpakan uli ang mga tao sa loob. Matapos ang maiksing announcement, inilibot ni Mr Morris si Andrew sa buong opisina para ipakilala na rin ang mga staffs sa iba't-ibang department. Inumpisahan niya sa admin, HR at sa accounts kung saan nandoon din ang manager na anak mismo ng amo nila.

"At eto naman Mr Evans, is my daughter." Narinig ni Brianna na pagpakilala ng amo niya sa anak nitong dalaga, which happens to be super sexy, sophisticated and beautiful "Vanessa..Siya ang nag aalaga ng finances."

"Hi Mr Evans, pleased to meet you.." narinig ni Brianna na sagot ng dalaga at pagka buka pa lang ng boses ni Vanessa biglang naka ramdam ng pang lalamig si Brianna at hindi niya napigilan ang sarili na lingunin ito at sakto pag lingon niya nakita niyang nag kamay ang dalawa at nginitian ito ni Andrew.

"Pleasure is mine, Ms Morris." sagot ng binata.

"Please call me Vanessa." sabi ng dalaga.

"If you insist." Sagot naman ni Andrew.

One Shot...That's All He GotWhere stories live. Discover now